Magkabilang Mundo ☆ Part 22

18 3 0
                                    

"Spencer si Alona ang dapat mong pakasalan.Di iyang anak ng magsasaka na iyan.!"duro pa ni Rogelio kay Lisa.
"Hoy matanda wag mong Maduro duro ang pinsan ko.Wala kaming utang sayo tang ina mo.Kasal na kami ni Stephen pero di ako rerespeto talaga sayo.Iyang Alona na iyan anak ng performer na GR0 naman.Mas lamang si Lisa kesa sa kanya.!"matapang na ani ni Maya kay Rogelio.
"Bruha Mrs.Galvez na ang Mommy ko ngayon.!Wag mo akong matawag na anak ng GRO.!"susugurin sana ni Alona si Maya pero tinulak siya ng pagkalakas lakas ni Stephen.
"Try ninyong saktan ang asawa ko.Ako ang makakalaban ninyong lahat.!"bulyaw ni Stephen at tinago niya sa likod ang misis niya.
"A-asawa?Stephen nakahanda na ang wedding natin next week.Napamigay ko na ang invitation card."gulat si Monica na kararating lang sa narinig niya.
"Talagang desperada ka na Monica.Paano ba yan Mrs.Montelebano na ako.Di mo na mapipikot si Stephen."ani ni Maya sabay lambitin sa mister niya.
"Wifey ko don't worry sila sila lang may gusto sa kasal na iyan.Ikakasal siguro si Monica Galvez na walang groom."mahigpit na niyakap ni Stephen si Maya.Kung noon napipilitan siyang itaboy si Maya sa buhay niya.Pero ngayon sisiguraduhin niyang di na ito masasaktan pa.
"Nakakatawa siguro iyon ikakasal ka Monica na walang groom."pang aasar pa ni Maya kay Monica.
"Mommy bakit di mo pinigilan si Maya.?Siya ang pinili mo kesa sa akin.?Pero bakit di mo ba talaga inaalala ang kaligayahan ko.?"gusto ni Monica na kaawaan siya ni Suzaine.
"Tigilan mo nang kasasabi sa akin na Mommy.Sina Maya at Marc lang ang anak ko Monica Galvez.Wala akong pakialam sa buhay mo matagal na.Syempre si Maya ang pipiliin ko dahil siya ang anak ko.!"nairita si Suzaine kay Monica matagal na niyang kinalimutan na minsan inampon niya ito.Pero ito pa rin tinatawag pa rin siya na Mommy.
"Suzaine talaga bang wala kang awa kay Monica.?Ikaw ang nag ampon sa kanya diba.?"isa pa itong si Roman pilit inuungkat ang kahapon.
"Ignacio umbagin mo nga iyang lalake na iyan.Namuhay sila sa nakaraan.Para sa akin hindi ko na sila kilala."baling ni Suzaine sa mister.
"Dito ka nga sa likod ko ka babae mong tao.Wala kang laban sa mga lalake na iyan mahal."over protective naman si Ignacio pinalipat niya sa likod ang misis niya.Yumakap naman ito sa beywang niya.Kaya naiibsan ang galit niya kina Roman at Rogelio ngayon.
"Wag na tayong magpaligoy ligoy pa.Kelangan mong pakasalan ang apo ko Spencer Montelebano sa ayaw at gusto nila.!"maawtoridad na nagsalita si Iska.
"Opo papakasalan ko po si Lisa.Tanggap ko na po na wala na akong pag asa kay Maya.At sa tingin ko di mahirap mahalin naman si Lisa.Dinamayan niya ako sa heartbreak ko.Na walang hinihinging kapalit."desisyon ni Spencer.
"Spencer di ka ba tumatanaw ng utang na loob sa akin.?Pinaaral at pinakain kita pero di mo ako susundin.!"bulyaw ni Rogelio sa ampon.
"Anong sabi mo Rogelio sinusumbatan mo ngayon ang anak ko.?Damn you tama nga si Spencer di ikaw ang ama niya.Wala na akong pakialam kung lalayasan mo ako Rogelio Montelebano.Pagkakamali mong sinumbatan mo ngayon si Spencer.Di na din ako papayag na maikasal kay Alona ang anak ko.!Sige magshare kayo ni Roman sa babae na iyan.Siguro nga nagthreesome kayo noh.At pinipilit mo ang anak ko makasal sa anak ng malandi na iyan.Duda ako na through IVF lang kung bakit nagkaanak kayo ng Anna na iyan.Gayong GRO nga siya dati pa.Mas mahal mo nga si Remo kesa kay Spencer diba.?Bakit ka naman niya susundin.?"napuno na si Emilda sa ugali ni Rogelio talaga.
"Tayo na po sa labas tayo mag usap usap.Baka mastress lang po si Lisa."biglang binuhat ni Spencer si Lisa di siya tulad ni Stephen na pinabayaan si Maya noon.At tinakbuhan ang resposibilidad nito sa anak na si Mikaela.
"Sige na anak di naman ako ganun kasama.At isa pa matanda ka na kelangan mo na din magkaanak.Ako na ang bahala dito.!"ani naman ni Emilda sa anak niya.
"Emilda kung aalis si Spencer dito lumayas ka na din sa pamamahay na ito.!"banta pa ni Rogelio.
"Aba legal mo akong asawa Rogelio.Sa akin dapat mapupunta ang bahay na ito.Di ako papayag na mapunta sa Anna na iyan ang dapat ay sa akin lang.!"di na takot si Emilda ayaw na rin niyang maging sunod sunuran kay Rogelio.Total wala na itong kayamanan naman.
"Tutulungan kita Tita maghanap ng magaling na lawyer.At doon muna sa condo namin si Spencer.Tutulungan ko siya Tita.Sa akin na ang kapangyarihan ng company ngayon.Di kami magagalaw ni Spencer doon.As long panagutan ni Spencer ang pinsan ni Maya.Kakampi ninyo ako Tita Emilda."biglang panig ni Stephen kina Emilda at Spencer ngayon.
"Mommy wag kang matakot.May isang salita si kuya Stephen naman."ani ni Spencer sabay labas niya sa bahay na karga si Lisa.
Sumunod naman ang pamilya nina Igme at Ignacio.Iniwan nilang natigalgal sina Roman at Rogelio.Ang importante lalake na kausap si Spencer Montelebano.Sa bahay nila nagtipon tipon sila para pag usapan ang tungkol kina Spencer at Lisa.
"Pakakasalan ko po si Lisa.Seryoso po ako nasa tamang edad na ako para magdesisyon sa buhay ko po.May stable job na din ako kaya ko pong buhayin ang magiging mag ina ko."seryosong nanindigan si Spencer.
"P-pero di kita mapipilit pakisamahan ako Spencer.Si Maya ang mahal mo diba.?"natatakot si Lisa na magpantasya kay Spencer.
"One sided love iyon Lisa.Ni minsan di ako pinapansin ni Maya naman.Magiging responsable akong ama at asawa sayo pangako iyon Lisa.Wag ka ng mainsecure kay Maya dahil pareho naman kayong maganda."malumanay na saad ni Spencer kay Lisa.
"Mas ok ka pang maging misis Lisa kesa sa akin.Ako di ako marunong magluto.Baka magugutom lang si Stephen everyday."biro naman ni Maya.
"Dapat matuto ka na apo.Aba nakakahiya sa image ko kusinera ako dekada na.Natutunan naman iyon kung di ka tamad sa kusina."pangaral ni Iska sa apo niya.
Natawa na si Lisa sa pinsan dahil ngumunguso ito.Taga kain lang ito tamad talaga itong magluto sa kusina.
"Dapat chef cook ang maging mister ko para di na ako mahirapan pa."bulalas naman ni Luna.
"Aba asikasuhin mo muna iyang alaga mo Luna.Di ka pa pwede mag asawa.Marc bantayan mo iyang ate Luna mo lage.Nakasalisi iyang si Lisa kaya Ayan nabuntis tuloy."ani ni Linda na disciplinarian lalo mga babae ang anak nila ni Igme.
"Opo tiyahing pero ate Lisa kumain ka muna ng mangga.Marami akong hiniwa kasi alam ko gusto ninyo lahat ang manggang hilaw."sinubuan pa ni Marc ng mangga si Lisa.
"Marc isawsaw mo sa Alamang."natakam naman si Lisa.
"Kahit di kami buntis ni Linda kakain kami.Linda ikain mo muna ang stress mo.Take it easy bawal magkauban tayo.Say ah bff ko.!"malambing si Suzaine kay Linda talaga.Sila ang magkasangga sa lahat ng bagay.Wala din siyang kapatid kaya parang kapatid na niya ito ngayon.
"Spencer doon muna tayo mag usap sa dinning.Dapat makasigurado kami na papakasalan mo talaga si Lisa namin."seryoso si Ignacio siya ang tumayong Padre de pamilya.Kaya responsibilidad niya ang mga anak nila ni Igme.
"Sige po."sumunod naman si Spencer kahit medyo takot siya sa mga ama nina Maya at Lisa.Sumama din si Stephen sa kanya.Kaya medyo nakahinga siya ng maluwag.
"Spencer lalake sa lalake talaga bang pakasalan mo ang anak ko.?Alam ko old fashion na kami pero dehado ang babae kung magkaanak ng walang ama ang anak ninyo.Sana maging responsable sa pinasok mo."ani ni Igme kay Spencer.
"Ang totoo po sinadya kong buntisan si Lisa.Pinainom ko siya kunwari pills pero fertility vitamins iyon.Di na din niya napapansin minsan di na ako nagcondom pa.Kunwari din lasing ako masyado.Inaamin ko po para sa pansariling interes ko po.Gusto ko makawala kay Alona Galvez.Pinipilit nila ako na maging gf ko siya.At alam ko pipilitin nila akong pakasalan si Alona.Next week na ang double wedding daw ni kuya Stephen.Kaya binilisan ko strategy ko po.But mas gugustuhin ko pang maging asawa si Lisa kay Alona.Controler freak po siya sobra at palengkera.At nagpapasalamat ako na minahal ako ni Lisa.Di po ako mangangako pero gagawin ko po ang lahat para sa mag ina ko po mga Uncle."matatag na salaysay ni Spencer.
"Dahil dyan iluklok kita sa pagiging Vice President.Lage palpak si Monica gagawa ako ng paraan para matanggal siya sa pwesto Spencer.Na realtalk ako ni Maya lage.Dapat daw di ako harsh sayo dahil nirerespeto mo daw ako bilang kapatid mo.!"niyakap ni Stephen si Spencer tatanggapin na niya itong bilang kapatid niya.
"Salamat kuya matagal ko na gustong marinig ito mula sayo.Walang araw na di ko inisip na hindi kita kapatid kuya Stephen."napaiyak si Spencer mahal niya si Stephen bilang kapatid.Kahit di man lang sila magkadugo na dalawa.
Naantig naman ang puso nina Ignacio at Igme.Tulad nila ang mga batang ito kelangan magkasangga sa lahat ng panahon bilang magkapatid kumbaga.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now