Magkabilang Mundo ☆ Part 14

27 3 0
                                    

Dali dali namang nagleave si Stephen sumunod siya sa mga ito sa Sta.Ana.Di niya alam na nauna na pala si Monica doon.
"Rogelio balita ko umuwi na iyong mag anak ni Ignacio sa Sta.Ana.Di ka ba curious makita ang apo mo.?Nadidistract na naman ang anak mo.Ano kaya sulsulan mo na siyang ilaban ang costudy ng bata.?Malaki na si Spencer para naman di ka lage nakikihati sa kaibigan mong si Roman.Para na tuloy dalawa ang asawa nong Anna na iyon.Kung gusto mo ng bata may apo ka naman hindi ba.?"sulsol ni Emilda sa asawa dahil ayaw niyang nakapokus si Rogelio sa anak ng katulong dati na si Anna.IVF iyon si Roman Galvez daw ang legal father but galing iyon sa itlog ni Rogelio Montelebano.8 yrs old pa ang bata na iyon kaya natutuwa si Rogelio talaga.
"May pakinabang din ang utak mo Emilda.Sasabihin ko kay Stephen na kunin ang anak nila ni Maya.Para ako na ang mag aalaga."parang tuta lang kay Rogelio ang anak ni Maya na kukunin lang bigla.Di pa talaga nito narerealize ang mali niya.Para sa kanya si Stephen ay nakalaan kay Monica.At si Spencer at kay Alona.Gusto niyang kontrolin ang buhay ng mga anak niya until now.Ang tanong susundin ba siya kaya ng dalawang anak niya.?Gayong unti unti nang nalalaos ang kapangyarihan nila ni Roman Galvez.?
Sinalubong ng buong baryo sina Maya with malaking tarpaulin pa.May tarpaulin din si Mikaela.
"Mommy sikat na din ako like you yiheey."naglulundag pa si Mikaela at punalakpak.
"Kaya mag hi ka sa kanila oh.Mga bata din marami ka ng kalaro dito."inutusan pa ni Maya na lumapit ang anak sa mga batang may hawak ng tarpaulin sa pangalan ni Mikaela.Kahit sikat na siya di dapat niya kalimutan kung saan siya nanggaling.Suportado siya sa baryo nila at sa buong bayan ng Sta.Ana.Proud siya na doon siya nanggaling.At ayaw nilang maging matapobre si Mikaela habang lumalaki.
"Hi sa inyo punta kayo sa amin lahat.Mag Cook daw sila lola Iska ng maraming foods."yaya pa ni Mikaela sa mga batang masaya sa pagdating nila.
"Ignacio nagkatay na kami ng baboy at baka.Tamang tama maluluto na yong mga Letson baboy.Yong bahay ninyo bagong ayos na din.Kompleto na din sa mga gamit."isa sa mga kamag anak nila si Mang Kanor ang tinawagan nila para magpagawa ng malaking nipa hut.Malamig kasi yong kawayan na sahig at nipa lang yong atip.Ganun lang ang gusto nilang bahay.Total sa Manila na naman sila titira.
"Salamat Mang Kanor.Nga pala may nakita na ba kayong binebenta na sakayan yong malaki.?"tanong ni Ignacio.
"Nga pala for sale na yong sakahan ng Montelebano.Sana yon na lang bilhin ninyo para taniman ulit natin ng mga gulay at prutas.Malawak iyon diba tapos 5 million lang benta nila.Alam namin may alitan kayo ni Rogelio.Pero alam mo din na mataba ang lupa ng lupain nila.Total binakuran na nila yong ancestral house nila.Para kung may buyer daw di na mahihirapan pa magsukat."suggest ni Mang Kanor at hiling din ng mga kasamahan nina Ignacio at Igme noon.
"Kung ibenta sa amin kukunin ko na.Mas alam na natin magtanim sa lupain nila diba.At isa pa sobra baba pala ng benta."naenganyo si Ignacio para na rin may hanapbuhay ulit ang magsasaka doon sa baryo nila.
"Tama yon na lang kuya kung ibenta nga ni Rogelio sa atin iyon."sang ayon naman ni Igme.
"Ignacio nganga naluto na ang letson.Hiwain na ninyo at para makakain na ang mga bata."sinubuan ni Suzaine bigla ng Letson bigla ang mister.
"Mang Kanor kumain na lang pala muna tayo.Gutom na yata ang mga asawa namin."natatawang ani ni Ignacio pagkain lang kaligayahan nina Suzaine at Linda talaga.Si Iska abala sa mga bata naman.
"Tito Marc yong pig pinatay nila oh."umatungal ng iyak si Mikaela dahil sa ngayon pa siya nakakita ng Letson.
"Thats a food Mikaela that's so yummy.Dont cry ok tingnan mo sila grandma diba kumakain na.?"pinapatahan agad agad ni Marc ang pamangkin.
"R-really can I have some bite.?"tumahan naman agad si Mikaela.
Masayang nagsalo Salo sila sa nilatag ng dahon ng sahig.At madaming pagkain ang nakalagay.Nagkakamay na din sina Maya.Kahit artista na siya di niya nakakalimutan maging humble sa lahat ng bagay.Para din sa mga kabaryo nila di iba pa rin sina Maya kahit nakaangat na sa buhay.
Mayamaya biglang dumating si Monica Galvez.Gulat sila ng biglang yumakap kay Suzaine.
"Mommy sa wakas nakauwi ka na.I miss you so much Mom."nagdrama agad agad si Monica para na rin maawa ang mga tao na andun.
"Bitiwan mo ako sino ka ba hindi kita anak Monica Galvez."malakas na tinulak ni Suzaine si Monica.
"M-mommy 6 yrs kitang hinintay na bumalik.At nagsikap ako para maging proud ka man lang sa akin.May career na ako Vice President na ako ng MG entertainment Mommy.Kulang pa ba iyon para di mo ako matanggap uli.?"sumbat at mayabang na ani ni Monica.
"Nong kinawawa mo si Maya noon.Nagsisi akong inampon kita sa bahay ampunan.Tulad ka ng ama mo walang puso.Kaya Monica wag mo akong tawagin na Mommy naririndi ako sayo babae."singhal na ni Suzaine sa bruha.
"Maya dahil sayo di ako matanggap ng kinikilala kong Ina.Dahil sayo tinalikuran na niya ako ng tuluyan.Ngayon nagbabalik ka na guguluhin ko ang buhay mo ulit."duro at banta ni Monica.
"Di kami takot sayo witch.Mga fren Batuhin natin siya.!"sobrang matapang na bata si Mikaela may tagapagtanggol na si Maya simula ngayon.Mas matapang pa ito sa Ina.Galit ang mga tao kay Monica kaya tila kukuyugin yata siya.
"Mommy help."bumahag ang buntot ni Monica buong baryo pala kinalaban niya.
"Bullshit wala akong anak na demonyita.Linda sabuyan natin siya ng tubig kaya para umalis."gigil na ani ni Suzaine sa ampon niya noon.Ngayon ipagtatanggol na niya si Maya at ang apo sa mananakit sa mga ito including Monica Galvez.
Walang nagawa si Monica patakbo siyang sumakay ulit sa kotse niya at nagtungo sa ancestral home nila Stephen.Manggugulo siya doon kung kelakailangan.Lalong nadagdagan ang poot niya kay Maya Domingo.Ngayon makapangyarihan na siya magagawa na rin niyang sirain ang career nito kumbaga.Dumating naman si Stephen na andun na si Monica.
"Stephen iniwan mo ang company para lang sundan sina Maya dito.?"tumaas ang boses ni Monica na naman.
"Hoy Monica di kita asawa kaya wag kang umastang parang nagger wife.At isa pa ako ang CEO kaya dapat ako magtanong sayo kung bakit ka din nandito.?Pwede ba umalis ka sa pamamahay namin.Di ka na welcome dito."galit din ang sagot ni Stephen kay Monica.
"Sasabihin ko na kay Tito Rogelio na magprepare na sa kasal natin Stephen.Akin ka lang di kita ibibigay ulit kay Maya.!"pag aangkin ni Monica kay Stephen.
"Di mo ako pag aari gusto mo bang malagutan ng hininga ngayon din.?Wag mong subukan na sugarin ang pasensya ko babae."biglang sinakal ni Stephen si Monica.
"B-bitiwan mo ako Stephen I can't breathe."gilalas na sambit ni Monica.
"Stephen bitiwan mo si Monica ano ba."nasalba ni Rogelio si Monica.Kasama nito si Emilda.
"Kayong lahat binabalaan ko kayo na wag nyong subukan saktan ang mag ina ko.Kundi papatayin ko kayong lahat Rogelio Montelebano.!"banta na ni Stephen sa ama.
"Nadidistract ka ba dahil nandito na ang anak mo.Ganito anak pwede mo naman ilaban sa korte ang costudy ng bata.Aalagaan namin ni Emilda si Mikaela."biglang sulsol ni Rogelio sa anak.
"Noon ayaw ninyong panagutan ko si Maya.Tapos ngayon gusto ninyong kunin si Mikaela.?That's bullshit idea damn it.!"singhal na ni Stephen sa mga ito.
"Stephen di ko gusto si Maya maging asawa mo.Matapos natin makuha si Mikaela.Magpakasal na kayo ni Monica.Ready na yata ka iha diba.?"pamimilit talaga ni Rogelio sa anak niya.
"Sino ka ba para Sundin ko.Nasa akin na ang kapangyarihan ngayon.Di na ninyo ako mapipilit sa gusto ninyong mangyari.Si Maya lang ang ihaharap ko sa altar wala ng iba pa."matapang na nanindigan si Stephen talaga.
"Anak bakit kay tigas ang ulo mo.?"singhal ni Rogelio sa anak.
"Kelan ba naging masunurin sayo iyang anak mo Rogelio.?"bulalas naman ni Emilda.
"Wag kang sumasabad sa usapan.Baka uumbagin kita babae ka.!Nakapangalan sa akin ang Hacienda na ito.Ako pwedeng magbenta nito kung tutuusin.Nilustay ninyong mag asawa ang lahat ng pera sa taniman.Kaya manahimik ka Emilda dahil di kita kaano ano.!"nagbasag si Stephen sa harapan ng tatlo bago umakyat sa kwarto niya.Gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang mag ina niya.Naghire nga siya ng secret bodyguard for Mikaela.Alam niyang may plano si Monica na saktan pati ang anak nila.Di siya makakapayag mangyari iyon.

Magkaibang MundoKde žijí příběhy. Začni objevovat