Magkaibang Mundo ☆ Part 23

12 3 0
                                    

Sa galit ni Monica at Alona nagpapresscon sila.Na ikakasal na daw sana sila kina Stephen at Spencer Montelebano.Ngunit inagaw daw ang mga ito ng malalanding magpinsan na Maya at Lisa Domingo.Galit naman kinompronta ni Stephen si Monica sa trabaho.
"Stephen ako ang unang naging gf mo noon diba.?Umeksena lang iyang malanding si Maya Domingo.Nagsasabi lang ako ng totoo naman.!"malditang ani ni Monica.
"Di mo ba talaga tatanggalin sa tabloid at newspaper ang nirelease na statement mo ha.?Binabalaan kita Monica Galvez.Mawawala ang pinakamamahal mong position.Kung di mo titigilan ang asawa ko.!"bulyaw at banta ni Stephen sa impaktang babae.
"Di mo magagawa iyon.Isa sa nagmamay ari ng company ang Daddy Roman ko.!Don't you dare Stephen kundi pati anak mo magsuffer ng husto.!"ganting banta ni Monica.
"Wag mong masaktan pati si Ela.Or else pagsisihan mong pinanganak sa mundong ibabaw Monica Galvez."biglang sinakal ni Stephen si Monica sa loob ng opisina niya.
"B-bitiwan mo ako Stephen.A-ang gusto ko lang naman maging akin ka lang.!"nahihirapan kumalas si Monica at nahihirapan na huminga.Buti na lang bumukas ang pinto timming iyon.
"Stephen stop it wag mong patayin si Monica."gilalas na pinigilan ni Maya ang mister.Hinahatiran niya ito ng lunch na niluto ng lola Iska niya.Buti na lang hindi sumama si Mikaela sa kanya.Binabantayan si Lisa sa bahay dahil buntis na daw ito.
"Pasalamat ka Monica dumating si Maya.Pero magtutuos tayo titingnan ko hanggang saan ang tapang mo.!"marahas na tinulak ni Stephen ang bruha.
"Di ko titigilan si Maya at ang anak ninyo Stephen.Hanggang di ako ang pipiliin mo.!"pahabol na banta ni Monica pero tinablan siya ng takot.Halos madapa siya ng nagmamadaling lumabas sa opisina na iyon.
"Stephen di mo dapat sinakal si Monica.Paano kung napatay mo siya.Kung makulong ka paano kami ng mga anak mo.?"sermon ni Maya kay Stephen na nakapameywang pa.
"Mga anak isa pa lang ang anak natin Maya.Dont tell me may baby na sa tummy mo.?"nanlaki ang mata ni Stephen bigla siyang naexcite.
"Mga babies siguro nasobrahan labing labing natin triplets daw sila.Nagpacheck up ako dahil di ako dinatnan ng 1 month.Takot ako na magkasakit sa ovary.Kaya if madelayed lang period ko pumupunta ako sa OB.Ako din nagulat buntis na pala ako Stephen.Over crowded yata sila sa tiyan ko.Ang liit diba Stephen kelangan ko yatang magpataba.!"tuloy tuloy kwento ni Maya di niya napansin na umiiyak na pala si Stephen habang nakikinig sa sinasabi niya.
"Thank you and I love you.Come here maupo ka habang nakukwento ka.Dapat tumigil ka muna sa work ok."kinandong na ni Stephen si Maya sa sopa.Habang panay pag agos ng mga luha niya.Talagang lumaki na ang pamilya nila ni Maya.Sisiguraduhin niyang walang titibag na sa pagmamahalan nilang dalawa.
"Di ka ba masaya bakit umiiyak ka Stephen.?Magaling mag alaga sila lola,Mama at Tiyang ng bata.Tig isa sila paglumabas don't worry."nag alalang pinahid ni Maya ang mga luha sa mga mata ni Stephen.
"Nope tears of joy ito and excited you know.Nong nagbuntis ka ni Ela gusto talaga kitang alagaan.Huli ng marealize ko na mali pala ako.Nagpunta na kayong lahat kasi sa Canada.Kaya sa IG iniistalk ko na lang mga daily post mo about Ela.Kaya I collected many pictures of her nong baby pa siya.Ngayon I'm happy maalagaan na kita wifey ko."buong pagmamahal na pinupog ng halik ni Stephen ang buong mukha ni Maya.
"Dapat sa lips mister ko."ngumuso pa si Maya.
"Ay sorry your wish is granted."he passionately kiss the love of his life.Sinumpa niya sa sarili niya na poprotektahan niya ang mag ina niya.Kahit kapalit niyon ang sariling buhay niya.
Samantalang sa bahay inaaway ni Lisa si Spencer.Dahil sa ex gf nitong si Alona.Referee naman si Mikaela sa dalawa.
"Mommy come home early.Mimi Lisa is so angry right now."tumawag na si Mikaela kay Maya.
"Baby girl uuwi agad ako dyan.Alagaan mo muna ang Mimi Lisa mo ha."nag alala naman agad si Maya sa pinsan.
"Sasamahan na kita wifey ko."kinuha agad ni Stephen ang susi niya at wallet para ihatid si Maya sa condo nila kung saan nakatira din sina Stephen at Lisa.
Pero sa entrance ng building kay daming mga media nag aabang kay Maine Domingo.Dahil nagpainterview sina Monica at Alona kanina lang.Syempre si Maya ang dudumugin ng media dahil siya lang naman ang celebrity.
"Tumawag kayo ng pulis para maitaboy ang mga reporters na iyan.Buntis uli ang misis ko ano ba.?"binulyawan ni Stephen ang nasa receptionist.Nag alala siya sa misis niya na buntis pa naman ito.
"Pakisabi na lang sa kanila magpa press conference ako sa ibang araw.Sasagutin ko lahat katanungan nila.Daan na lang tayo sa back door Stephen.Kelangan ko nang umuwi talaga."nagmamadali si Maya dahil minsan lang magalit si Lisa pero sobrang tindi nito.
"Sige doon na lang tayo dumaan.But slowly lang preggy ka din wifey at triplets pa babies natin."inalalayan na ni Stephen ang asawa.Sobrang over protective na siya nito ngayon.Kaya na niyang banggain pati ang sariling ama maprotektahan lang ang mag ina niya.
Nang makarating sila sa condo nagkalat na ang mga damit ni Spencer sa sala.Tahimik naman tinutupi iyon ng lalake.
"Saan si Lisa.?"tanong agad ni Maya dito.
"Nasa kwarto sila ni Ela ayon umiiyak di ko naman malapitan.Pinapalayas niya ako dahil kina Alona at Monica."malungkot na saad ni Spencer.
"Dahil sa nasisira ang image ni Maya dahil sa inyong magkapatid.Inalagaan namin ng maraming taon ang career ng pinsan ko sa Canada.Ng umuwi kami di na matapos tapos ang issue.Dumagdag ka pa Spencer Montelebano.!Wala kaming utang sa inyo.Bakit magsuffer si Maya namin ng ganito.?"bulyaw ni Lisa ng lumabas sa kwarto na iyon.Gulo gulo na ang itsura nito.
"Lisa calm down makakasama sa baby mo ang sobrang magalit."niyakap ni Maya agad ang pinsan.
"I hate this baby kung ito lang dahilan na magkaroon ka ng mabigat na issue Maya.Gusto ko nang ipaabort ang bata na ito.!"galit na hinahampas ni Lisa ang tiyan niya.
"Dont do that please.Im sorry I really sorry.K-kung gusto mong umalis muna ako gagawin ko.Wag mo lang idamay ang baby natin."napaiyak ng tuluyan si Spencer habang pinipigilan niya si Lisa.
"Bata lang naman ang inaalala mo Spencer.Kung di ako buntis di mo din naman ako mapapansin diba.?Tama si Alona na gusto mo lang maging responsableng ama.Ako ang nanlandi sayo diba.?Pero di ko lubos maisip na pati ang career ni Maya madadamay ngayon.I hate myself dahil minahal pa kita Spencer Montelebano."hiyaw ni Lisa halo halo ang emotion niya.At naiinis siya sa puso niya kung bakit si Spencer pa ang minahal nito.
"Wait pakihawakan si Lisa tatawagan ko lang sila lola.Gaya ko din siya noong buntis kay Ela.Noon gusto ko na lang talaga mamatay."takot na takot si Maya nanginginig pa siyang nagdial sa celpon niya.
Mabilis naman pumunta sina Iska,Suzaine at Linda sa condo ng kanilang mga anak.
"Lisa ano bang problema.?Kumalma ka nga anak."inaayos pa ni Linda ang itsura ng anak at hinahagod ang likod nito.
"Inay nagpapresscon sina Alona at Monica.Sisirain nila ang career ni Maya talaga.Ayoko nang pakasalan si Spencer.Ayoko nang ituloy ang pagbubuntis ko."hagulgol ni Lisa dahil naguilty siya dahil si Maya ang apektado sa lahat.
"Lisa ok lang titigil muna ako sa pagkanta naman.Kaya papalamigin natin ang issue.Wag mong idamay ang baby sa tiyan mo.Noon ikaw ang nagpapalakas ng loob ko diba.?Ngayon saan na ang matapang na si Lisa Domingo na pinsan ko.?Bakit magpapatalo ka kina Monica at Alona.?"ngayon si Maya na naman ang magpapalakas ng loob sa pinsan.
"Maya di ka pwedeng tumigil sa pagkanta.Marami na tayong punuhunan dugo at pawis para maabot mo lang ang rurok sa career mo diba.?Bakit ka magsakrispisyo dahil lang sa akin.?"niyugyog pa ni Lisa si Maya.
"Easy lang Lisa preggy kasi si Maya ulit ng triplets.Kaya titigil muna siya dapat sa pagkanta."awat agad ni Stephen dahil niyugyog ni Lisa ang pinsan.
"Ano triplets ang babies mo.?So sabay tayo magbuntis pala Maya.?Sorry baby di ko talaga kita ipaabort.Gusto ko lang ipagtabayuan ang Papa mo."biglang kalma ni Lisa at hinimas pa ang tiyan niya.
"Hay naku Spencer at Stephen pagpasensyahan mo lang ang buntis na kagaya nila.Di talaga ninyo maunawaan ang buntis.Siguro maldita ang anak ninyo ni Lisa.Kaya Ayan inaaway ka niya ng husto.Kung ikaw din ang pinaglihian niya.Dapat habaan mo pa ang pasensya mo ha apo.!Mga isip bata pa sila di nila makokontrol kasi ang emotion nila."payo ni Iska sa dalawang ama na parang mga tupa lang nakamasid sa nagyayakapan na dalawang buntis.
Nabunutan ng tinik sa puso si Spencer.Dahil ganun daw ang buntis lalo na pagnaglilihi dragon ang ugali.Ayaw din niyang sundin ang utos ni Lisa.Na bumalik siya sa piling ni Alona.Papanindigan niya ang kanyang desisyon na talaga.Ang pakasalan si Lisa Domingo hindi si Alona Galvez.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now