Magkabilang Mundo ☆ Part 12

24 3 0
                                    

Matapos magpirmahan sila niyaya bigla ni Stephen na maglunch ang mga ito.
"No thanks marami pa kaming aasikasuhin.Ela maghahanap pa tayo ng magandang skul mo diba.?"tanggi agad ni Marc.
"Teka sino ka ba kanina ka pa kumokontra ah.?Kung ayaw mo sila na lang imbitahan ko."di na talaga mapigilan ni Stephen ang sarili sobrang close ito sa anak niya.
"Siya si Tito Marc bf ni Mommy ko po."si Mikaela na ang sumagot sa tanong ni Stephen.
Nagulat man sila Maya pero sinakyan nila ang trip ng kapatid niya.
"Yeah secret bf ko si Marc.Ela diba secret natin lang iyon bakit mo sinabi baby girl.?"lumapit agad si Maya kay Marc.At umabresyete sa braso nito.
"Tayo na gutom na kami ni Luna."nakangiting ani ni Lisa at lihim pa nagtawanan pa silang magkapatid.
"Ay sayang single pa si bossing Ms.Maine.Ang akala ng mga fans mo na wala kang bf Ms.Maine Domingo."tila nadismaya si Julie dahil tingin niya may gusto ang boss niya kay Maine Domingo.
"So bigla kang nagkaroon ng bf Maya.?How come sa lahat ng interview mo sinasabi mo wala kang time sa pakikipagrelasyon."di naitago ni Stephen ang pagseselos niya kay Marc na ito.
"Teka kelangan ko bang ipaalam sa lahat na may bf na ako.?Excuse us wala kaming time makipagkwentuhan sayo Mr.Montelebano."malditang pahayag ni Maya.
"M-maine in behalf of the company.Let me treat all of you ng lunch."sabad naman ni Spencer.
"Mommy gutom na siguro sila.Come po sa amin kawawa naman sila Mommy diba.?"nagpababa si Mikaela at hinila ang kamay nina Stephen at Spencer.
"Baby girl matatanda na sila di sila kawawa."di maipinta ang mukha ni Maya.
"Mommy kahit matatanda na sila.Sabi ni Lola Iska nagugutom din sila like lolo Ignacio at Lolo Igme right.?"inosenteng ani ni Mikaela spoiled man ito pero sobrang maawain ito sa kapwa.
"Exactly gutom na ako.Come to me sweetheart."binuhat na ni Stephen ang anak di na nakapalag sina Maya pa.Lihim napangiti siya dahil liligawan niya ang anak nila.Para mapalapit sa Ina nito.Wala palang pwedeng kumontra kay Mikaela.Nakikita niyang nakasimangot itong Marc na ito pero biglang tumahimik na lang.Di din papayag siya na umeksena si Spencer sa buhay ng mag ina niya.Gagawin ni Stephen ang lahat ng paraan para mapatawad lang siya ni Maya at sa pamilya nito.Simulan na niya ngayon sa anak nilang si Mikaela.Nagpapasalamat siyang di alam ng anak nila ang nakaraan nila ni Maya.Kung alam nito baka wala siyang katiting na chance para makalapit dito.Sa wakas nakarga ni Stephen ang pinakamamahal na anak.Parang si Maya din ito ka cute pero halatang nakuha sa kanya ang pagiging matangkad nito.Plus pa ang mukha nito kahawig talaga niya walang duda.
Habang kumakain sila pinagitnaan Nina Stephen at Spencer si Mikaela.Panay subo ng mga ito.
"Teka baka mabulunan ang anak ko dahan dahan naman.Bakit di kayo mag anak na lang dalawa.?"naiinis na talaga si Maya kapansin pansin kinukuha ng dalawang ito ang loob ng bata.Lalo na si Stephen na anak ito nito mismo si Mikaela.Nag angat ng mukha si Stephen at seryosong tumingin sa kanya.Napapalunok si Maya sinasabi kasi ng mga mata nito na inaangkin nitong anak si Mikaela.Kakausapin niya ito ng masinsinan.Ayaw niyang malaman ni Mikaela na kasinungalingan lang na patay lang ang ama nito.Tiyak na masasaktan nila ang batang puso ng anak.
Matapos kumain sabi ni Maya mauna na daw ang mga kasama.May mahalaga lang siyang sasabihin kay Stephen about sa 3 yrs contract ni Mikaela daw sa MG entertainment.Nauunawaan ito nina Lisa,Luna at Marc.Kelangan mag usap ang mga ito about kay Mikaela talaga.Baka biglang ilaban ni Stephen Montelebano ang costudy at karapatan niya sa bata.Dinala naman ni Stephen si Maya sa kanya condo unit.Bago na iyon hindi na iyong dati.Medyo malaki iyon at siya mismo ang nagdesign ng loob.Sa sala maraming mga picture ni Maya at Mikaela.Obvious na naging stalker si Stephen sa IG at tiktok niya.May malaking painting niya na karga niya si Mikaela nong sanggol pa lamang.
"What do you want juice,milk or coffee.?"sinadya ni Stephen na dalhin si Maya doon.Binili niya ang condo na iyon para sa mag ina niya.May kwarto din si Mikaela na sarili nito doon.He live there at iniimagine niyang kasama niya ang mag ina niya doon.Nakakatulong ang mga kinokolekta niyang pictures ng mga ito.Nilalagay niya sa mga frame at dinidisplay niya doon sa sala.Wala pang taong nakapunta doon maliban sa kanya.At deserve na dalhin niya si Maya sa pamamahay nila.
"Dont bother di na ako magpaligoy ligoy pa.Mr.Montelebano gusto ko lang sabihin sayo na wag mo nang guluhin ang buhay namin ni Ela.Ang alam niyang patay ka na period.At magpokus ka na sa asawa mong si Monica.!"galit na ani ni Maya sa lalaking nag abandona sa kanya noon.Ang lalake na nagdurog sa buong pagkatao niya.Tila nahihirapan siyang makabangon dahil 16 years pa siya noon.
"Di ko ginugulo ang buhay ninyo Maya.Gusto ko lang iparamdam kay Ela ang pagmamahal ng isang ama.Dont worry di ko sasabihin sa kanya na buhay pa ako.Alam ko na masasaktan siya sa kasinungalingan mo.Pero Maya uhaw si Ela sa father figure.Sa tingin ko di napupunan ng bf mo na iyon.!"inis na ani ni Stephen na isipin na may bf na ang mahal niya.Insecure siya dahil matanda na siya kung edad ang pagbabasehan.Si Maya 21 yrs old pa ngayon.Kung tutuusin bagay ito sa Marc na iyon.
"Tiyak na guguluhin kami ng asawa mo Stephen Montelebano.Ok na ang buhay ko ngayon.Nakamove on na ako sa ginawa mo sa akin.Please you should completely vanished in our lives."di namalayan ni Maya na natulo na pala luha niya.Ang akala niya ubos na ang mga luha niya.Pero hindi pa pala naramdaman niya ang sakit ulit dulot ng kahapon niya.1 year siyang umiiyak araw gabi.Umabot sa punto nga gusto niyang maglaslas ng pulso dahil kay Stephen.Ngayon tila nabudburan ng asin ang sugat ng kahapon.Sugat na di basta basta naghihilom.
"Shhh...why are you crying di naman kita inaaway ah kanina pa.Kung galit ka pa sa akin saktan mo ako ngayon Maya.Para maibsan man lang ng konti ang kasalanan ko sayo."nilapitan ni Stephen si Maya na impit na umiiyak na ngayon.
"Di ko deserve na tratuhin mo ng parang basura noon Stephen.Alam mo bang sobrang hirap makabangon.?Tapos ngayon parang wala lang iyon sayo.Bakit mo ba ako inuto noon.?Tapos sasabihin mong anak mo si Ela.Nakalimutan mo na bang pinili mo si Monica noon kesa sa kanya.Ok lang sana hiniwalayan mo ako.Pero nadadamay ang anak ko Stephen Montelebano.!"hinahampas ni Maya si Stephen ngayon sa wakas sa loob ng anim na taon nailabas niya ang bigat sa puso niya.Pilit niyang tinatago iyon kasi ayaw niyang mag alala ang pamilya niya.Pilit siyang ngumingiti pero di iyon abot na sa mata.She is broken inside like hell.
"I know sorry is not enough Maya.Pero iparamdam ko sayo mismo na pinagsisihan ko iyon sobra.Di ako nakakatulog gabe gabe Maya.Triple ang sakit para sa akin nong tinataboy kita noon habang alam kong buntis ka na.Maya give me a chance para maibsan man lang kasalanan ko.Kung gusto mong magpirmahan tayo na ibibigay ko full costudy ng anak natin gagawin ko.Pero please wag mo akong tanggalan ng karapatan makalapit sa kanya pwede ba.?"mahigpit na niyakap ni Stephen si Maya.Unti unti itong kumalma at tanging iyak lang ang maririnig niya ngayon.Kelangan mailabas ni Maya iyon.Para makamove on ito ng tuluyan.
"S-seryoso ka ba.?Anakan mo na lang si Monica.Kung gusto mo ng anak dahil matanda ka na.Wag mo ng angkinin ang baby girl ko."Bata pa talaga si Maya sa puso at isipan until now.
"Di ko naman inaangkin si Ela.Ayokong anakan ang bruha na iyon.Feeling ko pangit ang lahi niya.Ano kaya kung anakan kita ulit para tig isa tayo ng baby.?Sabi mo matanda na ako buti alam mo gusto ko ng mag alaga ng bata."binibiro na ni Stephen si Maya dahil kumalma na ito.
"Are you kidding me.?Mahirap ang mabuntis at manganak."narerelax si Maya sa mga braso ni Stephen.Tila unti unti yatang nalulusaw ang galit niya.Kelangan iyon para I forgive niya ito.At maging masaya ulit ang puso niya.Payo ng pamilya niya she must learn to forgive and forget para makamove on na siya ng tuluyan.

Magkaibang MundoWhere stories live. Discover now