Magkabilang Mundo ☆ Part 26

29 3 0
                                    

Humingi na din ng tawad si Rogelio Montelebano sa pamilya Domingo.Higit sa lahat kay Maya.
"Lolo it's ok sabi ni lolo Ignacio mas happy pag may harmony ang family."si Mikaela ang sumagot sa halip ni Maya.
"Balang araw papalitan na ako niyan Stephen.Ako kinakausap siya ang sumagot."pabirong nagreklamo si Maya.
"Dont worry Mommy gagawa kami ni kuya Remo ng sariling name sa industry.I will not copying you.I have my own style you know.!"maarteng ani ni Mikaela.
"Aba talaga kay taray ng anak mo.Mana kay Luna iyan pak ganern ang aura oh."turo pa ni Maya sa dalawa.
"Naman aper Mikaela.Mas magaling kami sa inyo noh.Dalawa na ang imamanage ko.Mas lamang ako kay ate Lisa."tumawa ng parang witch si Luna.
"Sabunutan ko yong bolbol mo Luna.Inasa mo kay Marc ang mga thesis mo.Paano ka papasa sa board exam kung tamad ka.?"binatukan ni Linda ang anak na tumatawa.
"Mas matalino si Marc sa akin Mama.At lage kang nambabatok mas lalong maalog itong ulo ko."reklamo naman ni Luna.
"Ay tama na ang usapan kainan na.Buddle fight na ito mas masarap kumain dito sa malawak na bakuran ng Hacienda."naglatag sina Iska ng dahon ng Saging para doon na sila kumain lahat.
"Aling Iska baka pwedeng taniman ninyo ulit ng mga halaman at bulaklak ang bakuran ng Hacienda tulad ng dati po."hiling ni Rogelio nagbago na talaga siya.At nagkapatawaran na sila ni Stephen sa wakas.
"Sila Igme at Ignacio ang marunong sa mga halaman.Rogelio sila na ang bahala doon."ani naman ni Iska.
"Tamang tama nagtatanim na din kami ng mga bagong gulay ngayon.Yong mga puno unti unti nang namumulaklak."masayang ani naman ni Igme.
Mayamaya pa may naghahanap daw kay Stephen sabi ng mga katiwala.
"Hello po I'm Xander and this is my sister.Dito po daw nakatira si Stephen Montelebano.Siblings niya po kami sa mother side.Kamamatay lang po ni Mommy.Kaya we decided na pumunta dito sa Sta.Ana po.Itong kapatid ko po gusto po kasi makita si kuya Stephen.Kaya po hinanap po namin kayo po.May disability po ang kapatid ko.Although di halata sa itsura pero apektado po ang utak niya po.Nabasa po niya itong magazine.Asawa po ng idol niya si kuya Stephen po pala.Medicine student po ako may naiwan pera sa amin si Mommy.But di ko po kasi kayang alagaan ng maayos si Xandra while studying po.Hihingi po ako ng tulong kay kuya po sana."mangiyak ngiyak si Xander sa wakas nahanap nila ang kapatid nila.
"Kuya Xander I'm hungry na.I like to eat that food."turo ni Xandra sa pagkain.
"Aba halika iha tamang tama mananghalian na kami.Marc pakainin mo nga ang mga bisita.Bigyan ninyo sila ng tinidor at kutsara."magiliw na hinila agad ni Iska ang mga kapatid ni Stephen daw.
"Dont worry ako na ang bahala sa kanya.Magsalita ka Stephen kumakain ka lang dyan.Di mo ba sila iwewelcome.?"sinabunutan ni Maya si Stephen na kumakain lang.
"Aray wifey ano naman sasabihin ko.?Di ko siya madala sa working place naman.Di ko alam kung ano irereact ko.First time ko pa sila nakita kasi."napakamot sa ulo si Stephen.
"Welcome po ang Dada ko shy type po.From now on we are your family na po Tito Xander."magiliw na winiwelcome ni Mikaela ang bagong dating.
"Hay naku kain muna tayo.Aba mas ok marami akong anak.Walang pakinabang itong si Rogelio Montelebano.At di na din active sa sexlife.Ako na mag aalaga sa inyong lahat."presenta na ni Emilda.
"Thank you po ng marami.Sa America wala po kami kamag anak.Tinaguyod po kami ni Mommy na siya lang mag isa doon.Yong family ng father namin wala pong pakialam sa amin po."umiiyak na ani ni Xander.
"Just eat po Tito come.!"friendly talaga si Mikaela.Tuwang tuwa naman si Xandra dahil may mga kalaro na ito.
"Marc kanina ka pa nakatitig kay Xandra.Type mo no aba kay ganda niya noh."tudyo ni Luna kay Marc.
"Binabantayan ko lang sila ate Luna."pero namumula si Marc.
"Asus kunwari ka pa.Namumula ka naman oh."kiniliti pa ni Luna si Marc na natatawa lang.
"Kuya Xander sabi ni Mommy ibigay ko daw ito sa magiging wife mo soon.Ibigay ko na ha kuya."may hawak hawak na maliit na box si Xandra at ibinigay mula kay Luna.
"Ayeehhh di kami tutol.!"makulit na ani ni Maya at nakangiti naman si Lisa.
"Xandra baby di ko siya gf.Tsaka na ok pag may gf na ako."malumanay na ani ni Xander sa kapatid.
"No I want her to be your wife.She is pretty naman.!"giit ni Xandra at sinuot talaga kay Luna ang proposal ring yata iyon.
"Wag mo ng kontrahin isuli ko na lang Maya.Infairness kay ganda nito ito ba yong proposal ring.?Sana bigyan ako ng ganito ng imaginary bf ko."bulalas ni Luna na gandang ganda sa singsing.Bawal pa siya mag bf daw pag di makapasa ng board exam.
"Luna ipasa mo muna iyang board exam mo.Bago ka mag bf at unahin mo iyang mga alaga mo."paalala agad ni Linda.
"Opo Inay."ngumungusong ani ni Luna.
Samantalang nag away sina Monica at Alona.Nasa condo ni Monica si Alona ngayon.Nagtatalo sila kung sino ang gagawa sa gawaing bahay.
"Aba condo ko ito Alona.Dapat ikaw ang gumawa sa lahat ng gawaing bahay."utos ni Monica kay Alona.
"Dapat Hati tayo sa gawaing bahay.Hati naman tayo sa bayarin diba.?Alalahanin mo Monica ako na lang kakampi mo ngayon."ayaw naman patalo si Alona.
"Kung di ka aalis aawayin ko ang Ina mo.Inangkin niya ang bahay ng Daddy Roman ko.May karapatan ako sa bahay na iyon."galit na ani ni Monica at mabilisan pumunta sa bahay nila.
May buyer na ang bahay na iyon.Ibebenta ni Anna para magbagong buhay na silang lahat.Nakaimpake na sila ni Remo at susunduin sila mamaya lang ng ama ng pinagbubuntis niya ngayon.Minopausal baby na ito kaya ingat na ingat si Anna.
"Anna damn you who told you na ibenta mo ang bahay ng Daddy ko.!"galit na sinugod bigla ni Monica si Anna dahil nasalubong niya yong buyer ng bahay sa may gate.
"Legal na asawa ako ni Roman kaya may karapatan ako bruha.!"gumanti naman si Anna pero malakas si Monica.Inilampaso niya si Anna hanggang sa magdugo ang hita nito.
"Mama tang ina mong bruha ka papatayin kita.!"sumunod si Alona at nakita niyang nakahandusay na sa sahig ang Mama niya.Nakahanap siya ng kutsilyo at walang ano ano sinaksak niya si Monica.Sakto ang pagdating ng mga pulis na tinawagan ni Remo.
Natrauma ang bata sa nakikitang maraming dugo sa sala ng bahay nila.Nadaplisan lang ang puson ni Monica.Si Alona deretso sa kulungan kinulong agad ito.Sa kasamaang palad nakunan si Anna.Pero di umatras ang lalake sa kasalan nila pag na annulled na ito ni Roman Galvez daw.Dinalaw naman nila si Anna at nasalubong nila si Monica sa lobby.
"Dahil sayo Maya nagkada letse letse ang buhay ko."sisi pa rin ni Monica kay Maya.
"Pamental ka na Monica baliw ka na talaga.Lahat ng kasamaan at palpak na ginagawa mo sinisi mo ako.Wala nang Lunas iyan."mataray na nilampasan ni Maya Monica.
Di na makabwelta si Monica dahil may patong patong na kaso na siya.Di nga niya alam kung saan siya kukuha ng pambayad sa abogado.Yong bills sa ospital sinagot na lang ni Anna.Dahil sinaksak ito ni Alona daw.Para magtanda ang anak ipakulong daw muna ito bago pansyahan.Ang dating matayog na Monica Galvez ngayon ay tila wala ng pakinabang sa lipunan.Talagang dapat di mataas ang lipid mo para di masakit pag lumalagpak ka sa lupa.Dahil alalahanin Bilog ang mundo.Patuloy na umiikot ito di mo alam kung hanggang kelan ka nasa ibabaw.
Lumipas pa ang buwan natataranta sina Ignacio at Igme.Madaling araw nasa bahay sila sa Sta.Ana.Doon gusto manganak sina Maya at Lisa.Dahil doon sila pinanganak ding dalawa.Nasa Manila sina Spencer at Stephen.Sila lang Ignacio at Igme ang nasa bahay kasama ang dalawang buntis.Dahil si Iska ang nag aalaga kay Mikaela sa Manila.Sumasakit na ang tiyan ng dalawang buntis.
"Hay naku dapat sana nasa ospital na kayong dalawa."isinakay ni Igme ang dalawang buntis sa likod ng pick up nila.Si Ignacio ang nagmamaneho.
"Aray kay sakit ng tiyan ko Stephen.Gagu ka di na ako uulit pa."video call ni Igme kina Stephen at Spencer.Nasa conference pa ang dalawa nagmemeeting.Naka loudspeaker iyon dahil nag aalala ang board member din.
"Anong di ka na uulit Maya masarap iyon.Aray baby relax ka lang ok pupunta na tayo ng ospital."Mas kalmante si Lisa kahit nasasaktan.Nakasalapak ang dalawa sa sahig ng pick up.
"Para tayong mga kambing na manganganak.Nasa likod tayo ng pick up Lisa."kahit umiiyak makulit pa rin si Maya.
Iyak tawa sina Stephen at Spencer dahil di sila makapunta agad doon.Nakapaa pa ang mga ito ng papasok sa ospital.Sinigawan pa ni Maya ang doctor pero tawanan lang ang mga nurse na nag assist sa mga ito.Dahil ganun talaga ang mag labor.Dahil sa sakit talagang makakamura talaga ang manganganak.Nanood pa silang lahat sa panganganak ng dalawa.CS si Maya si Lisa naman umeere na ngayon.Buti na lang full battery si Igme dahil gusto nila Stephen at Spencer manood sa panganganak ng mga misis nila.Pinatulog daw ng doctor si Maya dahil sobrang ingay.Mayamaya pa sunod sunod umiiyak ang apat na sanggol.Puro lalake ang triplets at babae ang anak nila Spencer at Lisa.Palakpakan ang mga nasa meeting saksi sila sa naglalabor ng dalawang babae.Nagbook agad ng ticket sina Spencer at Stephen para umuwi ng Sta.Ana.Healthy at safe nailabas ang mga babies nila.

Magkaibang MundoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora