Chapter 01

304 10 0
                                    

“Kailan mo ibibigay ang pera? Pwede bang ngayon nalang‚” wala akong pakealam kung straight to the point ako kung magsalita. Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito‚ kaya hindi na ako dapat magpabebe pa.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa‚ “Too fast.” nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng binata. Tama ba talaga itong pinasok ko? Bakit niya sinabing masyado akong mabalis? Ayaw ba akong bigyan ng pera nito? Malilintikan talaga ‘to sa akin ‘tong matandang panot na ito kung hindi niya ako bibigyan ng pera!

“Anong too fast? Ang pera nasaan na?!” matapang kong sabi kahit ang totoo nanginginig na ako sa takot. To be honest‚ natatakot ako sa presinsiya ng kaharap ko ngayon. Iwan ko ba kung bakit.

Napaigtad ako sa mahina niyang pagtawa‚ it’s sound’s sexy. Napatanong tuloy ako sa aking sarili kung matanda ba ito o hindi‚ “Chill‚ Ms. Makukuha mo ang pera ngayon.” sabi at dinukot ang cellphone sa kaniyang bulsa‚ may tinawagan ito.

Hindi nagtagal ay binaba niya ang tawag‚ maya-maya lang ay may lalaking paparating. Lumapit ito sa kaharap ko‚ may ibinulong ang lalaking kaharap ko sa kaniya‚ tumanggo ito at umalis. May nakita akong may pinirmahan siya do’n sa binigay ng lalaki‚ pagkatapos‚ inabot niya sa akin.

“Here’s the one hundred thousand.” inabot ko naman ang binigay niya.

Yakap-yakap ko ngayon ang one hundred thousand patungo sa bahay nila Rosa’t papa. Galing ako sa isang bangko‚ winithdraw ko ang binigay sa akin ng lalaki. Sabi niya kasi sa akin i-withdraw ko raw iyon sa isang bangko para makuha ko ang pera ko.

Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso ng nasa harapan na ako ngayon ng bahay ni papa at kabit niya. Tumitig ako sa bahay. Ayos lang kaya si Tristan sa loob? Pinapakain ba siya? Sinasaktan ba siya? Mga katanungan sa aking isipan na hindi ko kayang sagutin. Mariin akong pumikit sandali bago napagpasyahang pumasok sa loob ng bahay.

“Ate!” umalingawngaw kaagad ang boses ni Tristan ng makapasok ako sa loob ng bahay. Tatakbo sana siya papalapit sa akin ng hilain siya ni papa kaya napaiyak siya‚ “Ate‚ tulungan niyo po ako ayaw ko po ng gani—” hindi na niya natapos ang kaniyang sinabi dahil tinakpan ito ng tape ni Rosa.

Nasasaktan ako sa kalagayan ng kapatid ko ngayon‚ nakagapos ang dalawang kamay‚ nakatakip ang bibig. Napailing ako sa aking sarili‚ nababaliw na sila!

“Nasaan na ang pera‚ Tzaliyah?” tanong ni Rosa sa akin habang naninigarilyo. Tiningnan ko muna ang kapatid ko na umiiyak ng tahimik dahil nakatakip ang bibig nito‚ pagkatapos ang ama kong walang silbi naman ang tiningnan ko.

“Nandito sa loob ng bag pack ko ang pera‚ ngayon akin na si Tristan‚” sabi ko at inabot sa kanila ang bag pack ko na naglalaman ng one hundred thousand. Kinuha kaagad ni Rosa ang bag pack ko.

“Si Tristan akin na‚” sabi ko ng hindi pa nila pinakawalan si Tristan. Tumingin sa akin si Rosa‚ “Mamaya na‚ baka wala ‘tong laman ang bag mo’t maisahan mo pa kami.”

Napatingin nalang ako sa kapatid ko ng sabihin iyon ni Rosa. Agad nagliwanag ang kanilang mga mata ng mabuksan ang bag pack ko. Inamoy-amoy pa nila ang pera‚ “Mayaman na tayo‚ Angelo!” sabi ni Rosa‚ tumingin siya sa akin‚ “May pa sabi-sabi pang walang pera‚ meron naman pala! Pumunta kana do’n sa ate mo‚ huwag na kayong bumalik dito.”

Napalapit ako sa kapatid ko ng itulak ito ni Rosa at nadapa‚ inalayan ko siyang makatayo. Kaagad kong tinanggal ang tape sa kaniyang bibig at tali sa kaniyang kamay‚ napayakap siya sa akin pagkatapos‚ niyakap ko rin siya pabalik.

“Akala ko ate hindi muna ako babalikan‚ iiwan muna ako kay papa’ng masama at kay Rosa’ng masama. Alam mo ba ate‚ pinapalo ni papa ang pwet ko no’ng wala ka‚ at masakit ate‚ umiyak nga ako ate dahil sa sakit‚” sabi ng kapatid ko at tinuro pa ang kaniyang pwetan. Nasa gilid na kami ngayon ng kalsada naglalakad‚ nakalabas na kasi kami sa impernong bahay na iyon.

Tumigil ako sa paglalakad at lumuhod sa harapan niya‚ “Hayaan mo Tristan hindi na muli iyon gagawin ni papang sa’yo dahil hindi na tayo babalik sa bahay na iyon.”

“Talaga po ate hindi na tayo babalik do’n?” napatanggo ako‚ nagliwanag naman ang kaniyang mukha‚ “Pero ate saan po tayo titira ngayon?” tanong ni Tristan habang kumakain ng ice cream. May one hundred akong ipon‚ tapos ang ten pesos ay binili ko kay Tristan ng ice cream para tumigil na ito sa kakaiyak.

Napatanggo ako‚ “Hindi ko alam‚ Tristan‚” sabi ko habang nakayuko. Wala talaga akong maisip na maari naming matutuluyan ni Tristan. Biglang sumagi sa aking isipan ang kakontrato ko’t napaisip‚ what if do’n kami tutuloy sa kaniya? Pero natatakot ako! Sa katunayan nga‚ iiwasan ko siya. Oo! Wala akong balak na bumalik sa bahay niya’t magpakita pa sa kaniya.

“Kay mama nalang tayo uuwi‚ ate! Baka namimiss na niya tayo ate kasi matagal na tayong hindi siya nadadalaw. Tapos hindi na niya tayo mamimiss kasi nasa tabi na niya tayo palagi ate‚” masayang sabi ni Tristan. Sinukliaan ko naman siya ng isang mapaiit na ngiti at tumanggo.

Malalim na ang gabi‚ si Tristan ay nakayakap sa akin habang nasa kandungan ko siya at mahimbing na natutulog‚ ako naman ay nakaupo sa puntod ni mama. Hinubad ko ang suot kong jacket at ginawang kumot ng kapatid ko. Nasa cementeryo kami ngayon ni Tristan‚ at hindi ako nakaramdam ng takot. Bagkus ay kapayapaan.

Sa isang madilim na gabi‚ sa isang payapa na paligid‚ unti-unti bumagsak ang mga luha sa aking nga mata’t napatanong‚ bakit ito nangyayari sa akin? May galit ba ang mundo sa akin kaya ako naghihirap ng ganito? Sa amin ng kapatid ko? Gusto ko lang namang mamumuhay ng payapa pero bakit ang unfair ng mundo? Bakit pinapahirapan kami ng ganito? Napayakap ako sa aking kapatid na mahimbing ang tulog‚ at nagpatuloy sa pag-iyak.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula no’ng lumayas kami ni Tristan sa bahay na iyon. Ngayon‚ palaboy-laboy kami ni Tristan sa kalye‚ minsan namamalimos na nga kami dahil sa walang makain. Ubos na kasi ang pera kong ninety lang‚ binili ko ito ng mga pagkain namin ni Tristan no’ng mga nakaraang araw.

“Ate‚ nagugutom na po ako. Gusto ko na pong kumain‚” naawa ako sa kalagayan namin ngayon ni Tristan at sa kalagayan niya. Gutom na gutom na ito‚ isang araw na ring hindi kami nakakain. “Gusto ko ng ice cream‚ ate‚ bili po tayo!”

Napatingin ako sa tinuro ng kapatid ko‚ napangiti nalang ako ng mapait ng makita ang nagkukumpulang mga bata na bumibili ng ice cream. Tiningnan ko ang kapatid ko na ngayon ay ang lawak na ng ngiti‚ “Pasensiya na Tristan ngunit wala ng pera ang ate mo.”

“Ayos lang ate kung wala kang pera. May cinco ako dito‚ bigay ng ali kanina. Hati nalang tayo nito!” masayang sabi ng kapatid ko.

“Busog pa ako Tristan‚ sa’yo nalang iyan‚” sabi ko habang hinahaplus ang kaniyang buhok‚ “Talaga ate? Pero po‚ hindi kapa kumakain simula kahapon.”

“Ayos lang ako Tristan huwag mo na akong intindihin.”

Tumanggo siya‚ “Sigi. Promise mo ‘yan ate‚ wala ng bawian! Bibili na ako!”

Gano’n nalang ang gulat ko ng tumakbo si Tristan at tumawid sa kalsada sakto namang may dumaan na sasakyan kaya napasigaw ako dahil sa gulat‚ “Tristan!”

Dali-dali akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Mabuti nalang at napahinto ang sasakyan‚ hindi nasagasaan ang kapatid ko. Napaupo lang ito sa kalsada dahil sa gulat.

“Tristan‚ bakit ka tumawid? Hindi mo man lang tinitingnan ang kalsada kong may kotse ba o wala. Sa susunod‚ huwag mo ng ulitin iyon‚” nag-alalang sabi ko.

“I’m sorry‚ ate.”

“It’s okay. Pinapatawad na kita. Basta huwag mo ng ulitin iyon‚ ha?”

“Opo‚ ate. I’m sorry po talaga.”

Niyakap ko siya at hinalikan ang noo. Narinig ko ang ingay ng papasarang pinto ng kotse‚ lumabas ang may ari ng kotse. Inalayan kong tumayo ang kapatid ko at dahan-dahang tumingin sa may ari ng kotse. Tila ba nagslowmotion ang lahat ng makita ko ang may-ari ng kotse. Nakita ko ang marahang pagtaas ng kaniyang labi. Nagsalita siya dahilan para tumindig ang mga balahibo ko.

“I finally found you my wife‚ my Tzaliyah.”

A Contract with a Billionaire (completed)Where stories live. Discover now