Chapter 24

147 3 0
                                    

“Pakabait ka‚ Tristan ‘ah? Huwag mangangaway ng kaklase‚” sabi ko kay Tristan habang inaayos ang kaniyang polo shirt.

Ngayon ang araw ng unang pasukan ni Tristan‚ at hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi. Halos mapunit na ito dahil sa kakangiti at sa sobrang excited na pumasok.

“Opo‚ ate. Mabait kaya akong bata!” taas noong sabi niya.

Ginulo ko ang kaniyang buhok at nagpaalam na‚ “Sigi aalis na si ate dahil may trabaho pa ito. Basta tandaan mo ang ibinilin ko sa’yo Tristan ‘ah?” muli siyang tumanggo sa sinabi ko.

“Susunduin ka namin ng ate mo Tristan mamaya. Kaya huwag kang aalis ‘ah? Hintayin mo kami‚” napatingin ako sa binata nang bigla itong nagsalita. Nakangiti ito habang nakatitig kay Tristan.

“Sigi‚ kuya! Tapos punta tayo muli ng Jollibee kuya ‘ah after ng klase ko?” kindat na sabi ni Tristan kay Edmund.

Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit iniwas niya lang ang paningin sa akin at nagpacute kay Edmund.

“Please kuya.”

“Okay. But I have a favor‚ Tristan. If ever may quiz kayo ngayon‚ dapat perfect ka para makapunta tayo ng Jollibee. Okay ba ‘yon?” nakangiting tanong ng binata sa kapatid ko.

“Okay na okay‚ kuya! Huwag kang mag-alala‚ perfect talaga ako nito ngayon!” masayang sabi niya.

Ibinigay ni Edmund ang bag ni Tristan nang tumunog ang bell‚ hawak-hawak kasi ito ng binata.

“Pasok na po ako ate kuya‚” sabi at kumaway pa siya sa amin bago pumasok sa loob ng kaniyang classroom.

Nakangiting bumuntong hininga ako habang nakatitig kay Tristan papasok sa kanyang classroom. Natupad na rin ang pangarap ko na makapag-aral si Tristan‚ ang kapatid ko.

Ngayon ang unang araw niya bilang studyante‚ at inihatid namin siya ni Edmund sa kanyang classroom.

“Tanya‚” napatingin ako sa binata nang tawagin niya ang pangalan ko. Ngunit kaagad ring napaiwas ng tingin. Mas lalo kasi akong kinakabahan tuwing titig sa kanya‚ lalo pa’t nag-aminan na kami sa aming tunay na nararamdaman.

“Tayo na‚” napatingin ako sa kanyang kamay nang ilahad niya ito.

Bumuntong hininga ako at nahihiyang tinanggap ang kamay niya. Nagulat pa ako nang ipinagsiklop niya ang mga kamay namin at marahan akong hinila. Habang naglalakad sa hallway ng paaralan‚ hindi ko maiwasang palihim na tumingin sa binata. Bumungad sa akin ang nakangiting niyang mukha habang deretsong nakatitig sa daan. Gano’n nalang ang gulat ko nang tumingin siya sa akin‚ kaya dali-dali akong umiwas ng tingin at napakagat sa aking pang-ibabang labi. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahilan para mas lalo kong  idiin ang aking mga ngipin sa aking pang-ibabang labi.

“Huwag mong kagatin ang labi mo‚ Tanya. Baka masugatan ka‚” sabi ng binata nang makapasok na sa loob ng kotse. Napatigil ako sa pagkagat sa aking pang-ibabang labi at napaiwas ng tingin.

Palihim kong kinurot ang aking tagiliran dahil naramdaman ko ang kilig‚ concern pala siya sa akin‚ sa labi ko pala.

Nangunot ang noo ko nang mapansing hindi ito ang daan na tinatahak namin patungong kompanya niya. Tiningnan ko ang binata nang may pagtatanong na tingin. Nakangiti siya nang masilayan ko ang mukha niya.

“We are going on date, Tanya.” sabi habang ang paningin ay nasa daan.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ng binata at hindi maiwasang kiligin. Nagmamadaling umiwas ako ng tingin nang humarap siya sa akin at kimindat. Shit! Hindi ko mapigilang kurutin ang pisngi ko habang nakatanaw sa labas ng bintana.

A Contract with a Billionaire (completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя