Chapter 26

202 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nagluluto kasama ang ibang katulong ni Edmund nang tumunog ang doorbell ng bahay. Tumigil ako sa aking ginagawa at naghugas ng kamay bago lumapit sa may pinto. Napatingin ako sa isang katulong, naglalakad papunta sa may pinto.

"Ako na ang magbubukas. Ipagpatuloy mo nalang ang ginagawa mo," sabi ko nang may ngiti sa labi.

"Okay po, Ma'am."

Tumanggo ako at bumalik na siya sa kaniyang ginagawa mo. Bumuntong hininga ako at muling nagpatuloy sa paglalakad. Nang nasa tapat na ako ng pinto, hindi ako mapakali. Tila ba kinakabahan ako. Nang mabuksan ko na ang pinto, lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang bumungad sa akin ang striktong mukha ng lolo ni Edmund.

"Mr. Cervente," ang tanging nasabi ko habang nakatitig sa kanya. Mas lalong naging strikto ang mukha nito ng makita ako. Hindi niya ako pinansin bagkus ay pumasok siya sa loob. Sumunod ako sa kanya, naabutan kong naka-upo na ang matanda sa single na sofa.

"Where is Edmund?" ang tanong ng matanda sa akin.

"He's not here."

Wala dito ang binata ngayon hanggang huwebes. May business trip kasi ito sa cebu, kakaalis lang kaninang madaling araw.

Nakita ko ang pag-angat ng ngiti ng matanda, "Really? Then where he is now? Let me guess, business trip, right?" ang matanda na rin ang sumagot sa kanyang tanong. "This is a nice day," sabi ng matanda habang may ngiti sa labi.

Kalaunan ay nawala rin ito, muling bumalik sa pagiging strikto ang kanyang muka.

"Ahh... Sir, ano po bang kailangan niyo? Kung si Edmund po, katulad nga ng sabi ko, wala po siya dito ngayon. Nasa cebu," sabi ko.

"You don't have to call me, Sir, ijah. Mr. Cervente would be better."

Napayuko ako nang marinig ko ang kanyang sinabi at may pagkasarkastik ito.

"Anywy, I'm not here for my grandson, I'm here for you. We have a lot to talk, oh, not a lot, just little. But before that have a set, wala gamot ang pangangalay." Hindi nalang ako umimik bagkus ay umupo sa sofa, mas lalong naging sarkastiko ang boses nito.

"Alam mo naman siguro simula pa lang na hindi kita gusto para sa apo ko? Andito ako ngayon para sabihin sa'yo na hiwalayan mo si Edmund dahil hindi nga kita gusto para sa kanya. Alam mo ba kung sino ang gusto ko para sa apo ko? Si Lydia. Siya ang gusto ko para kay Edmund, at siya ang nararapat. Because she's like us, rich. Not just that, she's also beautiful, talented, and educated."

Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi ng matanda. Lalo nang sabihin niyang educated ang dalaga. Bakit kailangang ikompara niya ako sa dalaga?

"Yes, I am not rich, talented, beautiful, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pero hindi ibig sabihin no'n hindi na ako edukada. Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng educated? Purkit nakapagtapos ng pag-aaral, educated na? How about you, Mr. Cervente, let me ask you, are you educated? Sa mga ginagawa mo ngayon, sinasabi mo lang na hindi ka edukado."

Nakita ko ang pag-igting ng panga ng lolo ni Edmund dahil sa sinabi ko. Halata sa mukha nito ang galit habang nakatitig sa akin. Kalaunan ay ngumiti ito ng sarkastiko habang may galit pa rin sa mukha.

"So noisy, Tzaliyah. Just name your price."

"Po?"

"I said name your price. Alam ko namang pera lang ang habol mo sa apo ko," sabi ng matanda at mas lalo pang lumapad ang ngiti sa kanyang labi. "How about 1 million? 2 million? 3 million? 5 million? or 10 million? para lang layuan mo ang apo ko."

"Hindi po pera ang habol ko sa apo niyo, mahal ko siya at wala akong  balak na hiwalayan siya." May diin kong sabi sa matanda. Ngunit ngumiti lang ito.

A Contract with a Billionaire (completed)Where stories live. Discover now