Chapter 12

134 3 0
                                    

Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig galing sa reporter. Kasabay nang pag-upo ko sa sahig ay siya ring pag-tulo ng aking luha.

Bakit ito nangyari? Bakit nag-dru-druga si papa? Matagal na ba siyang gumagamit ng druga? No’ng nabubuhay pa si mama gumagamit naba niya no’n? Kaya ba naging sakim sila sa pera at muntik na kaming ibinta dahil rin iyon sa druga? Mga katanungan sa aking isipan na hindi ko kayang sagutin‚ tanging si papa lang ang makakasagot. Ngunit ang mga tanong ko ay hindi na masasagutan dahil wala na si papa.

Wala na ang kinaiinisan ko. Wala na ang taong nagpahirap sa amin ng husto ni Tristan‚ lalong-lalo na kay Mama. Wala na ang taong unang minahal ko. Wala na ang taong nagdadala ng sakit sa ulo ko. Wala na ang taong magpapasakit sa aking dibdib. At higit sa lahat‚ wala na si papa.

“Ate‚” niyakap ko ang aking kapatid nang magsimula itong umiyak. “Wala na si papa.” dugtong niya.

Marahan kong tinapik-tapik ang likod nito at tahimik na umiiyak. Ngayon nasagot na ang tanong ko kung bakit siya humingi ng tawad sa akin kahapon‚ dahil mawawala na siya. Sa muling pagkakataon‚ humarap ako sa tv screen at sinabing‚

“Pinapatawad na kita‚ papa.”

“TRISTAN‚ papatawarin mo ba ang isang taong puro sakit lang ang ibinigay sa’yo? Papatawarin mo ba siya kahit iniwan ka niya? Papatawarin mo ba siya kahit pinerahan ka niya?” tanong ko sa aking kapatid.

Tumingin siya sa akin at marahang tumanggo‚ “Oo. Sabi nila di’ba‚ masama ang magtanim ng galit?”

Napangiti ako sa sagot ng kapatid ko‚ “Ibig sabihin ba niyan pinapatawad mo na si papa? Dahil ako Tristan‚ pinapatawad ko na siya.”

Nakangiting tumanggo siya sa tanong ko‚ napangiti rin ako at niyakap siya. Sabay kaming tumingin sa puntod ni papa. Magkatabi ang puntod ni mama at ni papa. Kaagad naming ipinalibing si papa. Si Rosa naman ay kinuha ng kamag-anak niya‚ dinala sa probinsiya.

Hinawakan ko ang puntod nina mama’t papa‚ “Ma‚ pinatawad na namin si papa. Sana mapatawad niyo na rin siya.”

Hindi ko namalayan ang pag-tulo ng aking luha kaya hinayaan ko na lang ito. Ilang oras kaming nanatili ni Tristan sa harap ng puntod nila papa’t mama. Marahan kong hinaplos ang buhok ni Tristan‚ ngayon ay natutulog na siya sa aking bisig.

“Tanya‚” napatingin ako sa kamay na nasa aking balikat “Let’s go?” marahan akong tumanggo sa tanong ng binata at dahan-dahang tumayo.

Inalayan akong tumayo ni Edmund habang karga-karga ko si Tristan. Nagpasalamat ako sa kaniya nang makatayo ako ng tuluyan.

Nang makarating sa kotse ay pumasok kaagad ako at umupo‚ pinaupo ko si Tristan sa aking kandungan. Mahimbing pa rin ang tulog nito.

“Do you know Tanya that your father using a illegal drugs?” napatingin ako sa binata ng magtanong ito habang nagmamaneho.

Marahan akong umiling‚ “Hindi ko alam. Gulat na gulat nga ako no’ng nalaman kong namatay siya dahil sa druga at gumagamit siya.”

“Di’ba siya iyong nakabangga mo lately?”

Biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari noong nakaraang araw. Iyon na pala ang huli‚ ang huli naming pagkikita ni papa. Kaya pala siya tumatakbo at hinahabol ng mga pulis noong araw na iyon dahil gumagamit pala si Drugs. Anong pumasok sa isip niya at nag-druga siya? Sila ni Rosa? Talaga bang sakim na sila sa pera? Dahil ang druga ay nakakarami ng pera.

Marahan akong tumanggo sa tanong ni Edmund at iniwas ang aking paningin sa kaniya. Hindi na siya muling nagtanong pa kaya natahimik ang paligid. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa mansiyon. Kaagad akong umakyat sa kwarto namin ni Tristan at marahan siyang inilapag sa kama.

A Contract with a Billionaire (completed)Where stories live. Discover now