Chapter 18

130 3 0
                                    

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang nakatitig sa bulaklak na ibinigay ni Edmund. Hindi ko alam kong ano ang bulaklak na ito‚ pero maganda ito at mabango.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang may ngiti pa rin sa aking labi habang sinisinghot ang bulaklak.

Maya-maya lang ay inilapag ko sa aking lamesa ang bulaklak at ipinagpatuloy ang pagtratrabaho habang may ngiti sa aking labi.

Hindi ko inaasahan na magkakagusto siya sa akin at liligawan niya ako.

Napatigil ako sa aking ginagawa at bahagyang namula ang mukha‚ kinurot ko pa ang aking pisngi dahil sa kilig.

Lumipas ang mga oras at dumating ang hapon‚ nasa aking labi pa rin ang ngiti. Inayos ko ang aking mga gamit at kinuha ang bulaklak na ibinigay sa akin ni Edmund. Sininghot-singhot ko ito habang lumalabas sa aking opisina. Nagulat pa ako nang makita ko ang binata na nasa labas ng aking opisina.

Umayos ito nang tayo habang may ngiti sa labi. Napaiwas ako ng tingin dahil alam kong nakita niya akong sinisinghot ko ang bulaklak na ibinigay niya. Namula ako sa isipang ‘yon‚ nakakahiya!

“Lets go?”

“Saan?” napangiwi pa ako sa tanong ko. Alam ko namang uuwi na kami, tinanong ko pa.

“Date‚ of course.” Napaayos ako ng tayo at napatingin sa binata dahil sa sinabi niya.

Mag-da-date na naman kami? So pangatlong date na namin ito? Napaiwas ako ng tingin at palihim na hinawakan ang pisngi.

“Di’ba sabi ko sa’yo liligawan kita? So this is it‚ nagsisimula na ako.” Muli akong namula dahil sa sinabi ng binata. Talagang seryoso talaga siya sa sinabi niyang liligawan ako. Muli akong namula at tuluyan nang hindi makatingin sa kaniya.

“So‚ lets go.”

Bumuntong hininga muna ako bago tumanggo habang hindi pa rin nakatingin sa binata dahil namumula pa rin ang pisngi sa kilig. Nauna akong mag-lakad patungong elevator‚ habang ang binata ay nakasunod sa akin. Tahimik lang kami habang nasa loob ng elevator‚ hanggang sa marating namin ang parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at nagpasalamat naman ako sa kaniya habang may ngiti sa labi.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa isang restaurant. Katulad kanina‚ pinagbuksan niya na naman ako ng pintuan. Bumungad sa akin ang pamilyar na pakainan nang ako’y nakalabas na. Naalala ko‚ dito niya pala ako dinala dati‚ dito pala ang second date namin.

Nangunot ang noo ko ng kunin ng binata ang bulaklak na bigay niya sa akin kanina. Napawi rin ang pangunot ng noo ko nang ilahad niya sa akin ang bulaklak at nagsalita.

“Dalhin mo ito. Para malaman ng mga tao na nililigawan kita dahil binigyan kita ng bulaklak‚ Tanya.” Sabi ng binata habang nakatitig sa aking mga mata nang may ngiti sa labi.

Napaiwas ako ng tingin at palihim na napangiti. Dahil sa sinabi ng binata‚ mas lalong kumabog ng malakas ang aking puso. Hindi ko rin maiwasang mamula ang aking pisngi.

Mabilis ang pangyayari‚ namalayan ko nalang na nasa loob na ako ng restaurant habang naka-alalay sa akin si Edmund.

“Welcome back Ma’am and Sir! May I know what’s your two order is? Here’s the menu‚ Ma’am and Sir‚” inilahad sa amin ng waiter ang dalawang menu. Tiningnan ko ito‚ bumungad sa akin ang mamahaling mga pagkain. Napangiwi ako sa mahal ng presyo nito.

“You can order what you want‚ Tanya.  Ako ang magbabayad.” Naiangat ko ang aking paningin sa binata nang magsalita ito. Ngumiti ako sa kaniya at muling tiningnan ang menu na hawak. At nang nakapili na‚ sinabi ko kaagad sa waiter kung ano ang napili kong pagkain. Sinabi rin ng binata sa waiter kung ano ang napili niyang pagkain pagkatapos kong magsalita.

Umalis ang waiter at naiwan kaming dalawa. Tanging ingay lang ng mga tao ang naririg ko sa paligid at tunog ng kusara’t tinidor na dumadampi sa pinggan. Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ng binata‚ wala ni kahit isa ang nagsalita sa amin. Nakayuko lang ako habang nilalaro ang aking daliri.

“Tanya‚” naiangat ko ang aking paningin ng magsalita ang binata.

“Hmm?” I asked without opening my mouth.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa aking mga mata‚ “Tanya‚ I want this contract to be real. Gusto kong maging totoo ang relasyon natin.”

Napatigil ako sa paglalaro sa aking daliri dahil sa sinabi ni Edmund at sinabayan ang kaniyang malamig na titig‚ “B-bakit?” ang tanging salita na lumabas sa aking bibig.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi‚ “Dahil gusto kita.”

Tila ba tumigil ang mundo ko dahil sa narinig ko mula sa bibig ni Edmund. Katulad ng naging reaksiyon ko dati‚ gano’n rin ang naging reaksiyon ko ngayon. Ito ang pangalawang beses na sinabihan niya akong gusto niya ako‚ at hindi ko maitanggi ang kilig na nadarama. Iniwas ko ang aking paningin dahil namumula ito‚ at upang hindi niya rin makita ang pagpigil ko ng ngiti dahil sa kilig.

Naramdaman ko ang paghawak ng binata sa aking panga at marahan na iniharap sa kaniya ang mukha ko‚ “Look at me‚ Tanya.” Sabi at muling ngumiti ang binata dahilan para kumabog ang aking damdamin.

“It is okay if you don’t like me back‚ Tanya. The important is‚ nasabi ko sa’yo ang naramdaman ko. Sana hahayaan mo akong ligawan ka upang maipadama ko sa’yo na gusto kitang talaga‚ Tanya.”

Sa muling pagkakataon‚ namula na naman ang pisngi ko habang nakatitig sa nakangiting binata na nasa harap ko‚ na nakahawak sa aking pisngi. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi‚ hindi ko ito mapigilan‚ tila ba nahahawa rin ako sa ngiti niya.

“Kanina pang umaga ako pumayag na magpaligaw sa’yo‚ Edmund.”

Nanlaki ang kaniyang mga mata‚ “For real?”

Tumanggo ako‚ “Sasama ba ako sa’yo ngayon kung ayaw kong magpaligaw?”

Muling na lanlaki ang kaniyang mga mata kasabay nang paghugis bilog ng kaniyang bibig. Kalaunan ay sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at napaiwas ng tingin.

Napatitig ako sa kaniya‚ ang cute niyang tingnan.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang aming order.

“Thank you‚” nagpasalamat ako sa waiter. Ngumiti lang siya bilang sagot bago umalis.

Tahimik kaming nagsimulang kumain. Hindi nagtagal ay natapos na rin kaming kumain.

Sabay kaming tumayo sa aming kinauupuan. Nakita ko ang paglapag ni Edmund ng pera sa lamesa, pagkatapos ay tumingin sa akin ng may ngiti sa labi. Nauna akong maglakad dahil hindi ko kayang tingnan ang nakangiti niyang mukha‚ dahil baka sasabog ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.

“Tanya wait‚” naramdaman ko ang paghawak ng binata sa aking braso.

“Alalayan na kita.”

Napatitig ako kay Edmund‚ wala akong nagawang sagot. Naramdaman ko nalang na nasa parking lot na kami. Lalong kinilig ako nang pinagbuksan ako ng binata ng pintuan ng sasakyan. Nakatitig lang ako sa binata habang umiikot siya patungong isang pintuan ng sasakyan.

Sa katitig ko sa kaniya‚ hindi ko maiwasan ang pag-ngiti.

Ang sarap pala sa pakiramdam na malaman mo na gusto ka rin ng taong gusto mo. At higit sa lahat‚ napapasaya ka niya at napapakilig ng hindi niya nalalaman.

A Contract with a Billionaire (completed)Where stories live. Discover now