Chapter 11

146 6 0
                                    

“Ang dami kong mga gamit!” manghang sabi ni Tristan nang makarating sa mansiyon.

“Woah. Andito si Thor!” manghang itinuro ni Tristan si Thor isa sa mga avengers na design sa kaniyang cellophane envelope “Andito rin ang lahat ng avengers!” dugtong niya habang nakangiti.

Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Tristan na masayang tinitingnan niya ang kaniyang gamit para sa pag-aaral. Ang lawak ng kaniyang ngiti habang nakatingin dito.

“Ngayong class niyo na Tristan‚ huwag magpasaway do’n ha? Atsaka‚ huwag titigil sa pag-aaral.” sabi ko dahilan upang mapatingin siya sa akin.

Marahan siyang tumanggo‚ “Opo‚ ate!” napangiti ako sa sagot niya‚ ginulo ko naman ang kaniyang buhok dahilan upang mapangiti siya.

Natapos ang isang araw at dumating naman ang panibagong araw. Ngayon andito ako sa opisina ko‚ nag-tra-trabaho. Kanina‚ as usual sa binata ako sumabay.

Habang nag-tra-trabaho hindi ko maiwasang mapaisip. Wala pang nagasto sa pera ko‚ fifty thousand pa’rin ito. Dahil ang mga gamit ni Tristan para sa paaralan ay si Edmund na ang nagbayad sa lahat. Napaisip ako kung paano ko mababayaran ang binata. Habang nag-i-isip‚ biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari no’ng isang araw‚ ‘yong dinalhan ko siya ng pagkain‚ at sa araw ring iyon nalaman kong hindi pala siya kumakain ng tanghalian.

Napangiti ako‚ alright dadalhin ko siya ng pagkain mamayang lunch! In addition‚ I will cook him pancakes later. Kumakain naman siguro siya ng pancakes ‘no? Masarap kaya ang pancakes. Paborito ko ‘yan eh!

Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi dahil sa naisip. Hindi nagtagal ay tumunog na rin ang bell kaya dali-dali akong bumaba papuntang cafeteria.

“Good afternoon‚ ate.” pagbati ko sa nagtitindi sa cafeteria.

“Good afternoon rin po‚ Ma’am.” bumati rin siya sa akin pabalik “Ano po ang inyo?” dugtong na tanong niya.

Tiningnan ko muna ang menu bago nag-order. Marami akong inorder dahil doon ako kakain sa opisina ng binata. Masyado nang makapal ang mukha ko. Pero malay natin‚ magkakagusto siya sa akin. Char!

Katulad ng dati‚ hindi niya ako pinalabas habang kumakain siya. Ang awkward kaya no’n‚ siya kumakain ako hindi.

Habang naghihintay sa order ko‚ nakaramdam ako na para bang naiihi ako. Kaya nagpaalam ako sa nagtitinda at babalikan ko na lang ito. Pumunta kaagad ako sa restroom upang umihi. Pagkatapos kong umuhi‚ naghugas muna ako ng kamay bago lumabas. Napatigil ako nang nasa labas na ako dahil may pamilyar na tao ang natagpuan ng mga mata ko.

Nagtagpo ang mga mata namin ng pansin ni Edmund. Oo ang pinsan ng binata ngayon ang kaharap ko. Kakalabas lang rin niya sa restroom ng mga lalaki. Magkaharap lang kasi ang restroom ng lalaki at babae dito sa ground floor. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin sa akin.

“Oh‚ Tzaliyah. The wife. What a coincidence.” iling-iling na sabi ng binata habang may ngiti sa labi.

“G-good afternoon‚ Sir.” bumati ako sa binata. Bahagya pa akong napalunok dahil sa ngiti nitong nakakatakot.

“No good in afternoon because I see you.” naiangat ko ang aking paningin sa kaniya dahil sa sinabi nito “Anyway‚ may name si Noah. But just call me Sir‚ only part of the family can call me by my name. At ang taong tanggap sa pamilya.”

“Tzaliyah‚ I wonder kung saan ka nakuha ni Edmund at magkano ang ibinayad niya sa’yo. Magkano ba ang ibinayad niya sa’yo? I can pay you doble Tzaliyah just stay away from him. Pera lang naman ang habol mo sa kaniya‚ tama di’ba ako? Moreover‚ we don’t like you as his wife.”

A Contract with a Billionaire (completed)Where stories live. Discover now