Chapter 21

145 3 0
                                    

Sinundan ko ng tingin si Lydia hanggang sa makapasok na siya sa loob ng elevator. Nakasuot siya ng fitted na dress‚ may dala-dalang mamahaling bag‚ tumutunog pa ang sandal niya sa tuwing lalakad siya. Kung titingnan ngayon si Lydia ay nagmumukha siyang mayaman‚ hindi katulong‚ dahil sa damit nitong sinuot‚ at dahil rin sa taglay niyang ganda.

Pero ano nga ba ang ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Bakit siya galing sa opisina ng binata? Bakit gano’n ang suot niya? Talaga bang hindi ko pa siya kilala?

Sa daming tanong na namumuo sa aking isipan‚ ni kahit isa ay wala akong nasagot. Iniwas ko ang aking paningin elevator at tumitig sa opisina ng binata.

Sino ba talaga kayo?

NANG matapos na ako sa aking ginagawa ay nauna na akong umiwi kay Edmund. May kinakausap pa kasi itong ka business partner. Ayaw ko rin namang hintayin siya dahil nilalamon na ako ng kuryusidad at selos.

Curious dahil hindi alam kung ano ang ginagawa ni Lydia sa opisina ng binata.

At oo‚ nagseselos ako. Sino bang hindi magselos do’n‚ eh may babaeng galing sa opisina niya at ang sexy pa. Alam kong wala akong karapatang mag-selos‚ pero gusto ko siya eh‚ at alam kong normal lang ang mag-selos.

Nang makarating na sa bahay‚ kaagad akong nagbihis at hinanap si Lydia. Wala siya sa kusina‚ kaya pumunta ako sa garden baka sakaling nando’n siya. Hindi nga ako nagkakamali‚ nandito siya sa garden nagdidilig ng halaman.

“Magandang hapon‚ Lydia.” Lumapit ako sa kaniya at binati siya.

Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin‚ “Magandang hapon rin‚ Tzaliyah. Kanina ka pa naka-uwi?” tanong at muling ipinagpatuloy ang pagdidilig ng halaman.

“Kakauwi ko lang‚” sabi ko.

“Nga pala‚ Lydia. Nakita kita kanina sa kompanya ni Edmund‚ anong ginagawa mo do’n?” tinanong ko ang dalaga.

Tumigil siya sa pagdidilig ng halaman at tiningnan ako‚ “Nakita mo pala ako‚” sabi.

“Soon‚ Tzaliyah‚ malalaman mo rin kung ano ang ginagawa ko sa opisina ni Edmund. Soon.” sabi ng dalaga at ngumiti sa akin. Ngiti na nakakataas ng balahibo.

Muli siyang ngumiti ng isang makahulogang ngiti pagkatapos ay iniwan akong mag-isa na naka-kunot ang noo. Sinindan ko ng tingin ang dalaga at namuo ang ilang mga katanungan sa aking isipan.

Ano ang ibig sabihin ng ngiti ng dalaga? Bakit siya nando’n sa opisina ng binata? May dapat ba akong malaman? Kung meron‚ ano naman iyon? At bakit Edmund lang ang tawag niya sa binata‚ di’ba dapat Señorito ang itawag niya dahil katulong lang siya? Bakit hindi mo nalang sabihin kung ano ang ginagawa mo do’n kanina‚ Lydia? Pinagulo mo lalo ang isip ko‚ Lydia.

Nandito pa rin ako sa aking kinatatayuan‚ hindi maka-galaw. Nanatiling nakatayo at nakatitig sa dinaanan ng dalaga. Pabalik-balik sa aking isipan ang pag-ngiti ni Lydia kanina‚ at hindi ko maiwasang tayuan ng balahibo.

“Ate‚” napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat nang may biglang yumakap sa akin.

“Tristan‚ pinakaba mo ako!” sabi ko habang naka-hawak pa rin sa aking dibdib na kumakabog dahil sa gulat.

Tumawa siya‚ “Nagulat pala kita ate.” Sabi at muling tumawa.

Napasimangot naman ako at ibinaba na ang kamay‚ “Bakit ka ba kasi nanggugulat‚ Tristan? Siguro pag-ako may sakit sa puso‚ tiyak tigok na ako ngayon.”

“Sorry ate‚ nakalimutan ko kasi na magulatin ka pala‚” humingi siya ng paumanhin sa akin at niyakap niya ako‚ niyakap ko naman siya pabalik. “Okay lang‚ Tristan.”

A Contract with a Billionaire (completed)Where stories live. Discover now