Chapter 19

125 3 0
                                    

"Naka-pambahay ka‚ Tzaliyah‚ 'ah‚ wala ka bang trabaho ngayon?" tanong sa akin ni Lydia. Marahan akong umiling‚ "Wala. Sunday ngayon eh."

"Oo nga pala‚ wala ka palang trabaho tuwing sunday. Nakalimutan ko‚" sabi ng dalaga at ngumiti sa akin.

Tumingin ako sa hinahanda niyang karne at mga sangkap‚ "Tulungan na kita‚ Lydia."

"Talaga?" tumanggo ako "O siya sigi‚ tulungan mo ako."

Ngiting tinulungan ko si Lydia sa pagluluto ng karne. Pagkatapos kong mag-hiwa ng mga sangkap‚ kumuha ako ng rice at inilagay sa rice cooker. Sunday ngayon at wala akong trabaho. Pati ang mga kasama ko sa kompanya ay wala ring trabaho ngayon‚ sabi kasi ni Edmund‚ dayoff namin ang araw ng dominggo.

Speaking of Edmund‚ namula kaagad ang pisngi ko ng maalala siya. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang pag-amin niya sa akin‚ at sa date namin noong nakaraang araw‚ lalong-lalo na no'ng ngumiti siya. Tila ba kinikilig ito.

After no'ng date namin ay palagi niya akong binibigyan ng mga bulaklak‚ hindi ko rin maiwasang kiligin.

"Tzaliyah?" napatingin ako kay Lydia ng hawakan niya ang braso ko. "Bakit?"

"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap 'ah. Wala kang imik‚ tulala at namumula pa ang pisngi. Ayos ka lang ba talaga‚ Tzaliyah?" may pag-alalang tanong ng dalaga.

Napaiwas ako ng tingin at kinurot ang aking pisngi. Kasalanan 'to ni Edmund‚ kung hindi niya ako pinakilig‚ edi sana hindi namumula ang pisngi ko at kikiligin.

"Ayos lang ako‚ Lydia." sabi ko at lumakad papunta sa rice cooker. Napatigil rin ng magsalita ang dalaga‚ "In-off ko na ang rice cooker dahil tumunog na ito. Tinawag kita upang ipa-off ang rice cooker kaso tulala at namumula ang pisngi‚ kaya ako nalang ang nag-off."

Namumulang bumalik ako sa aking kinatatayuan kanina.

Grabe ang epekto sa akin ni Edmund‚ wala sanang rice ang umagan namin kung hindi ino-off ni Lydia ang rice cooker.

"Pasensiya kana‚ Lydia. May iniisip kasi ako‚" sabi ko.

Tumingin siya sa akin ng mag panunuksong tingin‚ "Sino naman 'yang iniisip mo?"

"Wala."

"Si Señorito ba?"

"Hindi 'no! Mga trabaho ko ang iniisip ko."

"Talaga lang ha?"

"Oo!"

"Hindi ako naniniwala! Alam kong binigyan ka ni Señorito ng bulaklak kahapon at nag-date kayo. Iyan siguro ang rason‚ Tzaliyah‚ kung bakit tulala ka at kinikilig.

Nanlaki ang aking mga mata‚ "Paano mo nalamang binigyan niya amo ng bulaklak at nag-date kami?" kunot noong tanong ko kay Lydia.

"Sinabi sa akin ni Tristan‚" napatanggo ako sa sagot ng dalaga. Sinabi ko kasi kay Tristan ka-gabi na binigyan ako ng kuya Edmund niya ng bulaklak at nag-date kami. Siguro sinabi rin ni Tristan kay Lydia ang sinabi ko ka-gabi sa kaniya.

"Yay! Kinikilig si‚ Tzaliyah!" mas lalo akong namula dahil sa panunukso ng dalaga.

Tinutukso niya pa ako at sinisindot-dot ang tagiliran ko. Ang tanging nagawa ko nalang ay ang irapan siya habang nakangiti at namumula ang pisngi. Hanggang sa matapos kaming magluto ay tinutukso niya pa rin ako. Napatigil lang si Lydia sa panunukso sa akin ng dumating si Edmund.

"Good morning‚ Señorito." nakayukong bati ng dalaga sa binata.

Hindi niya ito tinapunan ng tingin‚ sa akin lang siya nakatitig. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

A Contract with a Billionaire (completed)On viuen les histories. Descobreix ara