Simula

74 8 0
                                    

SHE was breathing heavily. She's covering her mouth while her tears are running wildly to her cheeks. Pilit niyang isinisiksik ang sarili sa posteng pinagtataguan habang nag iingat na wag gumawa ng ingay kahit na sobrang lakas nang tibok ng puso niya.

Her breathing hitched when she heard voices. Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman niya. Nagpapasalamat siyang madilim ang pwestong kinaroroonan niya kaya hindi siya makita ng mga ito.

"Wala dito, Kuya. Umuwi na lang tayo't wala din naman tayong mapapala sa babaeng 'yon," ani ng boses babae. Narinig niya ang isang mura ng lalaki bago makarinig ng papalayong yapak.

She was glad when she heard the footsteps are slowly fading away. Parang nawala ang bigat na pasan pasan niya. Nanghihina siyang napaupo sa sahig at tuluyang humagulgol.

Sumakit na din ang katawan niya gawa ng sugat na natamo niya mula sa tinuturing niyang kamag anak. Unti unti bumigat ang talukap ng mata niya. Her breath was getting heavy too.

Hindi na siya makahanap ng lakas dala ng pagod sa ginawang pag takas hanggang sa tuluyang na siyang balutin ng dilim.

Savior of The MoonWhere stories live. Discover now