Kabanata 13

16 2 0
                                    

Ynarra spend the night with a heavy feeling. Hindi niya alam kung bakit galit ang babae sa kaniya ngunit may punto nga naman ito. Pinulot lang naman talaga siya ng pamilyang La Suante, if it weren't for them hindi niya na alam kung saan pupulitin.

Baka bagong impyerno lang ang harapin niya kung sakali.

"You know what? Para may silbi ka, wash the plates." Salubong ni Arcy ng buksan niya ang kaniyang pinto. Tinawag kasi siya nito at sa takot na magalit ito ay agad niyang binuksan ang pinto. Tinulak nito sa kaniya ang dalang tray na may pinagkainan nito at nag martsa paalis. Napaatras siya sa pag tulak nito ngunit hindi na lang siya nag reklamo.

She did what she was told. Nag urong siya at nilinis na din ang bahay. Gamay na naman niya ito dahil siya ang laging ginagawang taga linis ng bahay dati. Mas malala pa nga 'yon dahil pag uwi niya galing trabaho ay bugbog na agad ang salubong sa kaniya sa dahilang madumi ang bahay.

Wala siyang karapatang mag reklamo. Sampid lang siya sa pamamahay ng mga La Suante. Speaking of them, umalis pala ang pamilya ngayon. Ang dalawang anak ng mag asawa ay pumasok sa eskwelahan habang ang mag asawa nama'y inatupag ang kanilang trabaho kaya't naiwan siyang kasama ang pamangkin ng mga ito.

"My friends will come over here. Don't show your face until I say so, got it?" Napatango na lang siya sa utos ng dalaga. She get up stairs and stayed in her room. Napasalampak na lamang siya sa malambot na higaan. She's facing the yellow ceiling. She just noticed how sallow this room is, the owner of this room seem to love yellow so much.

Mula sa mga disenyo, palamuti, sahig, at pader. Yellow is also her favorite color that's why she also loves the sunset that really compliments the room's theme. Pinanood niya ang mga ibong lumipad sa magka-halong kahel at dilaw na kulay ng kalangitan mula sa bintana ng kuwarto. The ocean blend perfectly with the hue of sky that makes it pleasing to gaze at.

She can hear different voices from the first floor. Dumating na siguro ang mga kaibigan ni Arcy. Halos kalahating oras niyang pinapanood ang pag baba ng araw hanggang sa marinig niya ang matinis na pag sigaw ni Arcy sa kaniyang pangalan.

She immediately go down with the fear of Arcy getting more angry. Hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang may nagagalit sa kaniya, natatakot siyang baka saktan siya ng mga ito ng pisikal. Though she doubt that, Arcy's the only one who looks like someone that will hurt her physically.

"Get us some juice, Yaya." Maarteng saad nito. Her friends stared at Ynarra that left the three of them in awe. Ganito kaganda, katulong? Napansin naman ni Arcy ang tingin ng mga ito sa dalaga kaya galit na bumaling ito sa kaniya.

"Wala na palang juice sa kitchen. Just buy us some." Napangisi ito. This girl will totally get lost dahil hindi naman ito pala labas kaya impossibleng kabisado na nito ang lugar. Inabutan niya ng pera ang dalaga na hindi naman naisatinig ang kaniyang pag ayaw sa utos nito.

Napahinga na lamang siya ng malalim nang tuluyang makalabas. Onti lang ang alam niya sa lugar na ito, hindi niya kabisado ang lahat ng pasikot sikot dito. Ang tanging alam niya lang ay ang labasan na papuntang main road.

Pag labas ng gate ay agad siyang binati ng mga kapitbahay. Kaunti lamang ang mga taong nag kalat sa labas at halos dalawampung minuto na siya nag hahanap ng tindahan na bibilhin ngunit wala pa rin siyang makita ni isa. Lahat kasi ng nakahilerang estraktura ay kabahayan.

Hindi niya rin mapagtanungan ang mga tao dahil sa kahihiyan dulot ng kanilang paninitig sa dalaga. Kaya napagdesisyunan na lang niyang siya na lamang nag maghahanap, minadali niya pa ang pag kilos dahil dumidilim na ang kalangitan. Mabuti na lang ay nakasuot siya ng isang yellow hoodie pan laban sa malamig na hangin ng gabi.

Halos ilang minuto pa siyang nag lakad bago makahanap ng grocery store. Binili niya na ang dapat bilhin. It doesn't take her long dahil nahanap niya agad ang pinapabili sa kaniya pero kumabog ang dibdib niya pag kalabas ng store nang ma-realize na hindi niya alam ang daan pauwi.

Umihip ang malamig na hangin. She can't help but to scratch her head. Wala pa namang tao, wala siyang matatanungan. She feels so helpless but she just decided to continue walking. Hindi niya mapigilang matakot dahil kung minsan ay sira at walang streetlights and ibang nadadaanan niya. The night is peaceful but it does bring danger especially if you're alone.

"Hey." She stopped walking when a she heard a man's voice. Biglang dinaga ang kaniyang dibdib doon. She's on the darker side of the alley and may nakapark na kotse sa streetlight na sira kung saan malapit lang siya. She gripped the plastic bag tightly. Lalagpasan na sana niya ito pero nahinto din siya nang mamukhaan ang lalaking nakasandal sa poste malapit sa itim na kotse.

"Dmitri's girl, eh?"

DMITRI is furious. Umuwi siya nang wala ang dalaga sa kanilang tahanan at mas lalong nag init ang ulo niya dahil ang pinsan niya ang may gawa n'on. He knows his cousin so well, that girl likes pulling off tricks to the people she hates. At ngayon, ang biktima nito ay ang babaeng nag paparamdam sa kaniya ng kakaibang pakiramdam.

But despite of those unfamiliar feelings, being with that girl feels so...comforting, and she has that charm that makes him want to protect her at all cost. Ginulo niya ang kaniyang buhok, until now he still can't find her. Ayaw din kasing sabihin ng kaniyang pinsan kung na saan ito.

Nahinto siya sa kaniyang pag lakad nang mag vibrate ang kaniyang cellphone sa loob ng bulsa niya. Hindi niya sana ito ilalabas kaso nag vibrate itong muli kaya nag pakawala na lang siya ng isang malalim na hininga. He pull his phone out and saw his friend's message.

Ito ang naging kaibigan niya sa vulcanizing shop at ang anak ng may ari ng shop na 'yon.

From Eros:

Your girl's with me. Sinamahan ko na kasi nawawala daw siya sakto namang nasira kotse ko. Damn, lagot ako kay Papz.

Savior of The MoonWhere stories live. Discover now