1. Ice , Frost and Snow

12.7K 291 30
                                    

Kabilugan ng buwan at napakaliwanag ang dulot nito ngayong gabi nang biglang humihip ang malamig na simoy ng hangin.

Habang nakatanaw ang isang babae mula sa kanyang sasakyan sa isang pagtitipon na nagaganap sa isang mansyon na hindi kalayuan sa kanyang lugar.

Inayos niya ang kanyang hikaw na nagsisilbing kanilang komunikasyon.

Stand by guys! Everyone in position now!

Sabi ng babae at inayos na niya ang kanyang sarili at bumaba na sa kanyang sasakyan. Nakaagaw agad ng atensyon nang bumaba siya at taas noong naglakad papasok kung saan may nagaganap na kasiyahan.

Nang makapasok siya ay hinanap niya ng palihim ang kanilang pakay sa gabing ito. Umupo siya sa upuan na para talaga sa kanya at kumuha ng alak at pasimpleng ginagala ang kanyang mga mata.

Tumingin muna siya sa kanyang relo at pasimpleng inayos ang kanyang hikaw.

30 minutes before the show. Scritti do your thing now hack all the system here you only have 5 minutes!

Sabi nito at uminom ng kanyang alak. Tumayo siya upang makapag ikot at para mahanap narin ang kanyang puntirya ngayong gabi.

Samantala, isang babae naman ang pumasok mula sa bintana nang isa sa mga kwarto sa mansyon. Hindi naramdaman ng mga nagbabantay sa kwartong iyon ang kanyang pagdating dahil maikukumpara mo siya sa hangin dahil parang lumilipad ito kung kumilos.

Lumapit ito sa lalaking abala sa pagtipa ng keyboard habang naka tutok naman ang isang lalaki sa mga monitor at pinapanoof ang mga nangyayari sa party.

Nilagyan ng babae ng silencer ang kanyang baril at tinutok sa ulo ng lalaking nanonood lamang at pinaputok agad ito.

Napatigil sa pagtitipa ng keyboard ang isang lalaki nang makita niyang bumagsak ang kanyang kasamahan.

Naalerto ito at humugot ng baril sabay tayo sa kanyang inuupuan. Nilibot niya ang kanyang paningin para malaman kung sino ang gumawa ng ganun sa kanyang kaibigan ngunit miski isang anino ay wala siyang nakitang tao.

S...sinong andyan? Lu...lumabas ka kundi tatawag ako ng mga kasamahan ko sabi ng lalaki habang hawak nito ang kanyang baril.

Halata sa lalaki na kinakabahan siya dahil nanginginig ang kanyang mga kamay. Natuwa naman ang babae sa kanyang nasaksihan at nagpakita na sa lalaki.

Oopss. Baka maiputok mo iyan magiingat ka sabi ng babae habang palapit ito sa lalaki.

H..huwag kang lalapit! Sabi ng lalaki ngunit parang hindi narinig ng babae ang kanyang sinabi at patuloy parin ito sa paglapit.

Akmang pipindutin na ng lalaki ang pulang button para maalarma ang kanynag mga kasama na may ibang nakapasok pero agad itong napigilan ng babae. Hindi natuloy ng lalaki ang pagpindot dahil pinaputukan agad siya ng babae sa ulo at bumagsak ito.

Agad umupo ang babae upang simulan ang kanyang trabaho. Mabilis ang kanyang kamay habang hindi inaalis ang tingin sa mga monitor sa kanyang harapan.

Biglang tumunog ang kanyang earpiece.

What took you so long? Shit are you alright? Isang matipunong lalaki ang kanyang narinig mula sa kabilang linya. Napailing na lang siya sa inasta nito.

Don't english me dimwit! Nakipaglaro lang ako saglit! Sabi ng babae habang binalik muli nito ang kanyang tingin sa kanyang ginagawa.

Huwag mong sabihing lalaki yan mapapatay ko iyan! Sabi ng lalaki.

Huwag kang mag-alala pinatay ko na *chuckles* sabi ng babae

Good! Magiingat ka dyan! I love you babe sabi ng lalaki

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now