40. unleashed part 1

4.6K 133 14
                                    

Cl's POV

Pathetic Losers !

Hinugot ko ang samurai ko mula sa kanyang noo at pinagsisipa ang mga katawan ng mga reapers na nakalaban ko. Akala ko pa naman papagpawisan ako pero hindi man lang ako nag-enjoy! Tsk ! Hindi naman sa pagmamayabang pero ganun talaga !

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang samurai ko habang papunta ako kay Bom na halatang nakikipaglaro na lamang sa kalaban niya. Bagsak na rin ang apat at isa na lang ang natitira.

Bommie yah! Huwag ka ng makipaglaro dyan at magsayang ng oras!

Sabi ko. Agad naman niyang tinapos ang kanyang kalaban. Maarte niyang tinabig ang kanyang buhok habang papalapit sa akin. Napairap na lang ako at pumunta kung saan naroon si Minzy kanina.

Naaninag namin ni Bom si Cloe na walang ng buhay habang dilat ang mga mata nito.

Hindi naman halatang may galit si Minzy?

Naiiling kong sabi. Nilibot namin ang paningin pero miski anino nila ay hindi namin makita. Kinuha ni Bom ang kanyang tracker.

Pareho kami tumingin dito. Apat na berdeng kulay. Yung isa ay gumagalaw, paniguradong si Dara yan. Yung dalawa naman ay nakahinto, kaming dalawa ni Bom yan, yung isa naman ay nakahinto din malapit lang sa kinatatayuan namin. Kaya sinundan namin kung nasaan ito at laking gulat na lang namin si Minzy na walang malay.

Agad namin itong nilapitan at pinulsuhan.

Mahina na ang pulso niya. Mabuti pa dalhin na natin siya sa hospital

Sabi ko kay Bom. Agad naman namin siyang inakay at sinakay sa kotse. Nakita namin itong namumutla na at may dugo na nanggagaling sa kanyang bewang.

Nanginginig na si Bom habang naluluha itong nakatingin kay Minzy na nakahiga sa hita niya.

Mabilis kong pinaandar ang kotse makarating lang sa hospital. Nakatingin pa ang nga tao sa hospital sa amin ni Bom dahil sa itsura namin. Wala kaming pakialam kahit duguan pa ang damit namin mailigtas lang agad ang buhay ni Minzy.

Yakap ko si Bom at pinapakalma nang ipasok na si Minzy sa emergency room. Kanina pa kasi siya umiiyak. Nanginginig pa nga ito. Hindi ko din mapigilan ang hindi maiyak dahil napakaimportante sa amin ni Minzy. Siya na ang tinuring namin na nakakabatang kapatid. Nang mahimasmasan kami ng konti ay agad namin tinawagan ang mga asawa namin at binalita ang nangyari. Pinapunta ko din sila Scritti dito para magbantay, kailangan kong balikan si Dara.

Ang sabi ni Sol ay may natamo din siyang tama pero ngayon ay nagamot na. Sinabi din niya na sumugod din pala ang mga Gotti at tinangkang bawiin si Keiser pero hindi nagtagumpay. Ang huli niyang sinabi ay papunta na sila Gd at Dy dito. Gusto pa niyang sumunod pero pinigilan ko at sinabing magpahinga na lamang siya at samahan si Rhie na magbantay kay Virgo.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan nang tumigil kakaiyak si Bom kasabay nito ay ang pagdating nila Scritti. Binilin ko sa kanila si Minzy tapos ay umalis para puntahan na si Dara. Nang makasakay na ako sa kotse ay sumunod pala si Bom.

Im coming with you ..

Sabi niya at mabilis kaming bumalik sa abandonadong amusement park.

•••••

Dara's POV

*yawn*

Push mo pa te! Pati si baby naboboring sayo!!! Para kang senior citizen kung kumilos! Yung totoo todo mo na ba yan?

Sabi ko kay Kikong hipon habang umiiwas ako sa mga atake niya.

Try mong huwag umilag baka matamaan kita! Duh !

Tumigil muna ito sa pag-atake.

Bitch please! Ano ako katulad mong gunggong? Duh ka din!

Sabi ko nang may mapang-asar na tono.

Nuh! Im just warming up! Let me show you that Im gonna be the new queen ..

Sabi niya.

Agad siyang tumakbo papunta sa direksyon ko nang makalapit na siya ay agad siyang nawala na parang hangin.

Ilang segundo siyang nawala sa paningin ko, miski ang presensya niya ay hindi ko maramdaman.

Nagulat na lamang ako nang nasa likod ko na siya at nasipa ako.

Napadapa ako sa lakas ng sipa niya. Hindi ko akalain na may tinatago pala siyang galing.

Napahawak ako sa tiyan ko. Buti na lamang ay hindi ko masyadong nadaganan si baby. Nagsimula na namang humapdi ang aking likod. Nagsimula na rin na mag-init ang aking katawan.

Tumayo ako nang makita ko siyang aatakeng muli. Mabilis na naman siyang nawala. Naalerto ako kasi sobra siyang mabilis kumilos. Hinawakan ko maiigi ang aking gintong kadena at pinakiramdaman ang paligid. Naramdaman kong aatake siya mula sa aking kanan kaya mabis kong hinagis ang kadena ko pero nagulat ako nang lumitaw siya mula sa aking kaliwa at nasipa ako sa aking dibdib. Napasapo ako ng mawalang ako sandali ng hangin.

Nahila naman niya ang aking buhok at sinuntok ang aking mukha. Nalasahan ko ang dugo mula sa aking labi. Muli siyang aatake kaya sinangga ko ito at yumuko para hindi matamaan ang tiyan ko. Nakaramdam ako ng panghihina nang masipa niya kanina ang dibdib ko. Kaya nakahanap siya ng magandang tyempo at umatake.

Naramdaman ko ang paghampas ko sa bato nang masipa niya ako sa ulo.

Urgh!!!

Daing ko nang sumakit ang tagiliran ko. Tinignan ko agad ang aking mga hita at nagpasalamat na walang dugo. Akala ko kung ano na ang nangyari sa baby ko.

Nahawakan niyang muli ang aking buhok at inumpog ako sa bato kung saan ako tumilapon.

Naramdaman ko ang sakit sa bawat pagumpog niya sa akin. Nahihilo na ako.

Huminto siya at kumuha ng isang punyal mula sa kanyang bulsa. Naramdaman ko iyon sa aking tiyan tila ba ay parang may inuukit siya sa aking balat.

Nang matapos siya ay itinapat niya sa aking leeg. Napapikit ako dahil ramdam ko ang kirot na nanggagaling sa aking ulo.

Arrrrgghhhhh !!

Napasigaw ako ng sumakit lalo ito na parang pinipiga ang aking bungo.

A...anong nangyayari?

Rinig kong sabi ni Kiko. Hawak ko ang aking ulo habang nakaluhod na nakayuko.

Ang sakit. Sobrang sakit !!! Sobrang init din ng pakiramdam ko. Para akong nakalubog sa kumukulong tubig.

Farewell queen ..

Sabi ni Kiko. Naramdaman kong papalapit ito sa akin. Bago pa man bumaon ang punyal na hawak sa akin ay agad kong nahawakan ang kanyang kamay. Kahit sobrang sakit ng ulo ko ay hinagis ko si Kiko. Narinig ko pa itong dumaing hanggang sa nawala na ang sakit ng ulo ko at hindi na mainit ang pakiramdam ko kasabay nito biglang nagdilim ang paningin ko.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now