26. Queen Lord's reapers

5.9K 167 4
                                    

Jessica/Mantra's POV

Pangungunahan ko na kayo, short POV ko lamang ito. Hindi ko trip magkwento sa inyo dahil hindi ko talaga hilig ang magsalita ng magsalita.

Ako nga pala si Jessica, may nakakabata akong kapatid na nagngangalang Krystal. Wala na kaming mga magulang dahil pinatay sila ng Gotti Mafia.

Simula nang mamatay sila ay kinupkop na kami ni lolo (lolo ni Dara) kahit hindi nila kami kadugo ay hindi nila kami tinuring na iba.

Sinanay nila kaming lumaban, pero dahil mahina ang katawan ko ay hindi ko napalakas masyado katulad ng kay Krystal pero kung mahina man ang pangangatawan ko ay bumawi naman ako sa talino. Hindi naman sa nagmamayabag pero ganun talaga. Kaya imbes na sa field ako nilagay ay dito ako sa control room nilagay.

Ito ang tinuturing kong palasyo. Basta may kinalaman sa teknolohiya ay kaya kong gawin ano pa man yan.

Nakita ko sa monitor na papunta ang kapatid ko dito kaya hinintay ko siya hanggang sa makapasom na siya sa control room.

Ate ...

Bungad niya kaya napaharap ako sa kanya. Bigla niya akong sinunggaban ng yakap at tahimik na umiyak sa balikat ko. Ramdam ko, nabasa kasi yung balikat ko.

Mamimiss kita, ingat ka palagi ah. Huwag kang magpapalipas ng kain mo at lagi mong iinumin yung gamot mo sa oras ah. I love you ate ..

Sabi niya habang hinahagod ko ang kanyang ulo.

Sshhh para kang sira, huwag kang umiyak ng ganyan kutusan kita eh. Opo tatandaan ko po yung mga bilin mo, basta pagbalik mo gusto ko kayo na ni Chanyeol ah. Ayiiieeee

Pang-aasar ko. Alam ko kasing may gusto yan kay Chanyeol. Tumahan naman siya at niyakap ako sa huling pagkakataon.

Bye ate alis na kami. Tawagan kita palagi ah

Sabi niya. Tumungo lamang ako habang nakatingin sa kanya. Hanggang sa makaalis na siya. Bumalik na ako sa pwesto ko.

Hayst! Sa kanya lang kasi ako nakikipag-usap at sa kanya ko lang pinapakita ang tunay kong ugali. Sabi nga nila ako daw ang pinaka snob dito pero wapakels, hindi naman ako pinanganak para makipag-plastikan sa kanila. Oh siya, may mga gagawin pa ako. Adios !!!

•••••

Krystal/Equinox's POV

Hay! Mamimiss ko si ate, di bale alam ko naman na nasa mabuti siyang kalagayan.

Andito na kami sa private plane ng mga Park papuntang Pilipinas. Kamusta na kaya si ate Dara? Eh si ate Scritti kaya? Balita ko sila na ni kuya Thunder sa wakas at naging sila din. Sobrang lungkot kasi ni kuya Thunder nung malaman niyang may boyfriend na si ate Scritti.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now