41. unleashed part 2

5K 152 27
                                    

Napapaatras si Kiko habang nakatingin ito kay Dara. Ang alam niya kanina lang ay nanghihina na ito pero nabigla ito nang mag-angat ito ng tingin.

Nakaramdam siya ng kilabot nang makita nito ang nga pulang mata ni Dara habang nakatingin sa kanya. Nanghina siya ng biglang ngumiti ito sa kanya habang mabagal itong humahakbang patungo sa kinakatayuan niya. Nawalan siya ng lakas para humakbang paatras.

You better run now and hide forever before I take your priceless life ..

Maririnig mo ang nakakapanindig balahibong tunog ng kanyang gintong kadena habang hila-hila niya ito. Narinig na ni Kiko ang kwento tungkol dito pero hindi niya inaasahan na totoo pala ang mga huko-huko tungkol dito.

Sa takot niya ay tumakbo ito papasok sa abandonadong amusement park upang hindi siya maabutan ni Dara. Nang makakita siya ng pagtataguan ay mabilis siyang pumunta doon at nagtago. Pinapunta na rin niya ang lahat ng kanyang tauhan para matalo si Dara.

She's a monster ...

Sabi nito habang nakasilip ito sa maliit na butas ng kanyang pinagtataguan. Tahimik ang buong paligid, tanging mga kuliglig lang maririnig. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot lalo na nung makita niya ang malademonyong tingin ni Dara, duguan ang mukha dahil sa inumpog niya ito ng ilang ulit.

Sumilip ulit siya sa butas nang marinig niya ang nga sasakyang dumating. Napabuntong hininga siya at inisip na ligtas na siya. Bumaba ang kanyang mga natitirang tauhan. Umingay ang buong lugar dahil sa mga ito. Kanya kanya silang naghahanap kung nasaan ang kanilang pinuno.

Napatigil naman ang lahat ng makarinig sila lagaslas ng kadena. Kapwa sila nagpapakiramdaman hanggang sumulpot si Dara sa kanila. Hawak nito ang kadena at puro dugo ang mukha. Bahagya silang umatras para umatake pero bago pa man sila maka atake ay may narinig na naman silang tunog ng bakal at tunog ng takong.

Mas kinilabutan si Kiko habang nakasilip ito. Totoo nga na kikilabutan ka kapag narinig mo ang mga senyales na andito na ang Blackjacks. Pabagsak sumulpot si Cl habang hawak nito ang kanyang samurai. Si Bom naman ay lumabas habang pinapatama nito ang kanyang baril sa bakal ng nga rides.

Kahit tatlo lang sila ay ramdam ng mga naroon ang nakakatakot na aura ng mga ito. Kita mo na sabik na sabik silang pumatay at hindi magdadalawang isip na kunin ang kanilang mga buhay.

Nanlaki ang mga mata ni Kiko nang makita niyang nagkatinginan ang mga ito at bigla na lamang nawala.

Nakita niyang isa-isang bumagsak ang mga tauhan niya ng hindi niya malaman ang dahilan. Nagpanic ang mga ito at tumakbo at naghiwahiwalay.

May mga ungol at sigaw siyang naririnig mula sa pinagtataguan niya. Alam niyang mga tauhan niya ito dahil mga boses lalaki.

Samantala habang nakikipaglaban si Bom ay nakita niya ang isang malaking generator. Agad niya tinapos ang nga nagtatangkang lumapit sa kanya at ininspeksyon ang makina. May hinila siya doon at biglang lumiwanag ang buong paligid.

Not bad, the park is still functioning ..

Sa isip nito at ginala ang buong paningin sa lugar. Maganda ito at nagtataka siya kung bakit pinabayaan lamang ito. Lahat ng rides ay pinaandar niya at pinagana. Lalo niyang nakita ang mga kalaban kaya ginanahan siya sa naisip.

Si Cl naman ay namangha din sa buong paligid pareho sila ng naisip ni Bom. Lahat ng nakikita niyang kalaban ay paglalaruan muna niya bago ito hiwain ng pira-piraso. Una niyang tinatanggal ang mga kamay. Para siyang matadero sa kanyang ginagawa. Sinusunod niya ang mga paa at sinusunod ay hahatiin niya ito mula taas pababa.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now