30. trust

5.4K 167 19
                                    

Virgo's POV

Galit siya.

Alam kong galit siya. Base narin sa sinabi niya alam kong galit siya. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit naging ganon ang naging reaksyon niya. Ako ang nagsisisi sa nagawa ko.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay tila nawalan ako ng lakas kaya napabitaw ako sa kanya. Mabilis siyang umalis at umakyat nang hindi lumilingon sa amin. Tinatawag narin siya nila Gd oppa pero hindi man lang siya lumingon. Narinig kong ibinaksak niya ang pinto kaya lalo ako napahagulgol. Nilapitan ako ni Dara unnie pati narin ang iba.

Sshhh kausapin mo na lang. Nabigla lang iyon. Sundan mo na. Sabi nila at itinayo nila ako. Dahan dahan naman akong umakyat at pumunta sa guest room. Ilang minuto ang itinayo ko doon dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa pintuan.

Kasalanan ko ito kaya dapat ayusin ko ito. Gagawin ko ang lahat wag lang siyang mawala sa akin ng tuluyan. Tama na ang mahigit limang taon na pagtingin ko lang sa kanya sa malayo. Ito na ang panahon para magkasama na kami habang buhay.

Nang mahimasmasan ako ay pinahid ko ang luha ko at inayos ang sarili ko. Kahit papaano ay gusto kong maging maayos sa paningin niya.

Mabagal akong lumapit sa pinto at hinawakan ang hawakan. Unti -unti kong inikot ang hawakan at bahagyang sumilip.

Patay ang ilaw. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa banyo ang bukas.

R...riri

Dahan-dahan akong pumasok at inikot ang paningin ko sa buong kwarto. Inikot ko ang paningin ko pero kahit anino niya ay hindi ko makita. Nang makapasok na ako at tuluyan ng nasara ang pinto ay nagulat ako ng may biglang humatak sa akin at niyakap ako ng mahipit.

V..vivi ko tuluyan na siyang bumigay sa akin. Ramdam ko ang pangangatog ng buong katawan niya.

S..sorry. Sorry kung pinagtaguan kita. Sorry kung niloko kita. Sorry sa nagawa ko. Sorry sa panloloko ko sayo. Sorry Riri ko ...

Nakayakap narin ako ng mahigpit sa kanya.

Ilang minuto rin kami sa ganun na posisyon bago niya ako hinarap. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin din sa akin. Pangungulila ang nakikita ko sa kanya.

Ang mahalaga ay andito ka. Andito kana ulit sa harap ko. Nahahawakan na kita at nayayakap. Yun ang mahalaga. Sorry sa ginawa ko kanina. Nabigla lang ako. Magsimula tayo. Magsimula tayo ulit. Tayong dalawa. Huwag mo na ulit ako iiwanan hindi mo alam ang pinagdaanan ko nung mawala ka. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala mo. Please huwag ka ng lumayo sa tabi ko. Dito ka lang. Dito kana ulit. Sabi niya

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now