25. Prime

5.3K 153 12
                                    

Rhie's POV

Hmmm ...

Sino bang nag-iwan ng bintana na nakabukas? Nakakasilaw!

Ay oo nga pala, malamang Rhie sa sementeryo ka natulog kaya ka nasisinagan ng araw ngayon. Umaga na kaya.

Hmmm tinatamad pa akong bumangon ang lambot ng higaan ko, ang bango ng kumot ko at ang sarap yakapin ng mga unan ko.

Teka! Unan? Wala naman akong dalang unan kagabi!

Nang dinilat ko ang mga mata ko ay nasa isang kwarto ako. Kulay bughaw ang mga ding-ding miski ang kisame. Pati na ang mga kagamitan ay kulay asul, may ibang bagay na kulay puti pero nangingibabaw ang kulay asul. Panlalaki ang kwartong ito. Kaninong kwarto ito?

Naparami yata ang nainim ko kagabi kahit pagtayo ko ay ramdam kong umaalog ang mundo ko.

Napaupo ako habang hawak ko ang ulo ko nang may pumasok. Umalingasaw agad sa buong kwarto ang dala niya.

Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko bago ko inangat ang paningin ko.

Oppa! Alam kong masakit ang ulo mo kaya pinaghanda kita. Kainin mo lahat ito at pagkatapos ay may pupuntahan tayo.

Nakita ko si Minzy na may hawak na tray at naka apron pa ito habang may malaking headband sa kanyang ulo. Nagmukha siyang minnie mouse sa ayos niya ngayon.

Bakit ako andito? Paano ako nakapunta dito?

Tanong ko habang palapit ako sa kanya at sinimulang humigop ng hot chocolate. Hmmm sarap. Tinignan ko din ang inihanda niya, merong bacon, ham, fried egg at fried rice na may garlic chips sa ibabaw. Muntikan ng tumulo ang laway ko dahil sa amoy ng mga ito.

Bagong condo ko. Nabenta ko na si yung condo ko na katabi ng condo ni Dy kaya bumili ako ng bago. Nakita kita kagabi sa sementeryo sakto naman at naisipan kong dumalaw kay Virgo unnie. Nadatnan kita doon na natutulog, medyo umaambon kagabi kaya dinala na kita dito. Malapit lang naman dito yung sementeryo.

Sabi niya. Magkaharap kami ngayon at parehong kumakain.

Saan ka galing? Bakit bigla-bigla ka na lang nawawala?

May panunuring tanong ko sa kanya. Nakita kong nag-iwas siya ng tingin bago sumagot.

M...may inasikaso lang. Pero huwag kang mag-alala malalaman mo din sa tamang panahon

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now