42. moving forward

5.1K 146 9
                                    

Virgo's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Rhie habang natutulog. Nakapatong ang ulo nito sa kama habang nakaupo at nakahawak ang isa niyang kamay sa aking kamay. Kami lamang ang nasa kwarto at tanging tunog lang ng mga aparato ang maririnig.

Nagsisisi ako sa nangyari, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong ganito na ang sitwasyon. Pinipigilan kong mapahikbi baka kasi magising ko siya. Pero nabigo ako ng nakita kong unti-unting dumidilat ang kanyang mga mata. Agad itong bumangon at umupo sa aking tabi habang hindi binibitawan ang kamay ko.

Tumingin ako sa mga mata niya. Kita ko ang pag-aalala at awa.

Awa ..

Siguro nga ay naaawa siya sa akin matapos ang nangyari. Pilit kong inaalis ang kamay ko sa kamay niya.

Leave me alone ..

Sabi ko sa kanya pero hindi niya binibitawan ang kamay ko. Sa halip ay hinila niya ako at mahigpit na niyakap.

I wont leave you Vivi. Don't blame yourself for what happened. Please, dont leave me again Vivi please ..

Sabi niya habang mahigpit akong yakap.

You don't deserve me, you deserve someone pure and clean. Not a dirty rape victim like me. Im dirty, Im so fucking dirty ..

At tuluyan na akong sumabog. Maiisip ko pa lang ang nangyari, ang pangbababoy sa katawan ko ay nandidiri na ako sa sarili ko.

Hush babe .. No one deserve me but you.

Sabi niya sa akin.

Bakit ganito siya? Di ba dapat iniiwasan na niya ako kasi nandidiri na siya sa akin? Hindi kaya awa na lang ang pinapakiya niya kaya andito siya?

Kung awa na lang yang nararamdaman mo sa akin umalis ka na. Hindi ko kailangan ng awa niyo.

Sabi ko. Iniharap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.

Oo naaawa ako sayo. Naaawa ako dahil sa nangyari pero huwag mo akong ipagtabuyan kasi andito ako handa kang damayan. Andito ako na gustong mag-alaga at magmahal sayo. Mahal kita mahal na mahal. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo kahit ipagtabuyan mo ako. Kailangan kita at hindi ang katawan mo. Ang buong pagkatao mo ang kailangan ko kasi iyon ang nagpakumpleto sa buhay ko, sa pagkatao ko. Ayokong nakikita kang ganito kasi nasasaktan din ako. Nasasaktan ako kasi nasasaktan din ang taong pinakamamahal ko.

CMG 2: Demon UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon