10. kidnapped part 2

7.3K 234 11
                                    

Dara's POV

Tumayo na ako at lumapit sa dalawang lalaking nakaupong natutulog. Binuhusan ko yung isa ng isang tabong tubig at naglagay pa ng isang upuan sa harap niya. Pero hindi nagising ang lalaki kaya tinawag ko si Baekhyun at pinakuha siya ng bagong kulong tubig.

Binuhos naman niya yung tubig sa lalaki. Agad naman nagising ito at nagpupumiglas sa kanyang upuan. Tinanggal ko ang kanyang takip sa bibig at humugot ng isang kutsilyo.

Nagising narin ang katabi niyang lalaki nagwawala rin ito katulad ng lalaking nasa harapan ko.

Kahit magsisisigaw pa kayo walang makakarinig sa inyo. Sagutin niyo ng maayos ang itatanong ko para bati tayo. Maliwanag ba? Sabi ko

At bakit naman namin sasagutin? Sabi ng lalaki sa harap ko at ngumisi.

Aba matapang ka pala men! Itinusok ko sa hita ng kasamahan niya ang kutsilyo at hinugot ito.

Hmmmmmmmmm! daing ng lalaki. Hindi siya makasigaw dahil may tape pa ang kanyang bunganga.

Sino ang nag-utos sa inyo? Tinapat ko sa leeg niya ang kutsilyo. Napalunok ito. Alam kong natatakot na siya.

H...hindi k...ko k..kilala sabi niya.

Agad kong binaon ang kutsilyo sa kanyang leeg.

Urgghh!

Kinuha ko ulit ang kutsilyo nang masigurong wala na siyang buhay. Binaling ko ang tingin ko sa isa pang lalaki. Pawisan na ito at napaihi pa sa kanyang pantalon.

Kung ayaw mong matulad sa kasama mo ayusin mo ang isasagot mo. Maikli lang ang pasensya ko. Sabi ko at tinanggal ang kanyang tape sa bibig.

Si Madam K! Agad niyang sinabi pagkatanggal pa lang ng takip sa bibig.

Anong buo niyang pangalan? Tanong ko at tumayo na ako

Time is running my love singit ni Gd. Hindi ko na ipinahalata ang pamumula ng pisngi ko. God Dara nasa panganib na ang nga bata! Nabalik lang sa wisyo nang magsalita ang lalaking nasa harap ko.

H..hindi namin alam. Madam K lang ang sabi niyang itawag namin sa kanya! Maa- ....

Hindi na niya natapos ang sasahihin ng itusok ko ang kutsilyo sa kanyang ulo. Nagbago na isip ko. Hindi ko na dapat patagalin ang pagsagip sa mga bata. Baka kung ano pa ang mangyari masama.

Boring ... sabi ni Bom at pumunta na ako sa tabi ni Gd at inirapan siya.

Later Bom ... Later sabi ko at sinimulan na namin plinano kung paano namin masasagip ang mga bata.

••••••••

Ilang daang mga tauhan ang nagkalat sa buong isla at lahat ng ito ay mga armado.
Ang mag-asawang Top at Bom ang unang kumilos. Nasa bandang silangan sila ng isla kung saan may mga nagtataasang mga puno.

Maingat ang kanilang galaw para walang makapansin sa kanila. Dala nilang pareho ang malaking back pack kung saan may iba't-ibang uri ng baril. Nilagyan muna nila ng silencer ang mga baril nila bago tahimik na sumugod. Habang nasa dilim sila ay may rumorondang mga kalaban kaya bawat dumadaan sa harap nila ay hinahatak nila sa dilim bago paputukan sa ulo.

Nang masiguradong wala nang humihinga sa lugar na iyon ay inakyat na nila ang isang lighthouse. Agad na pinatay ni Top ang bantay doon ay inassemble na ang kanilang mga sniper rifles at pumuwesto na.

East coast is clear. Now targeting the west. sabi ni Bom sa kanyang wireless device na nakakabit sa kanilang mga tenga upang maging komunikasyon.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now