24. In your arms

5.1K 166 13
                                    

Rhie's POV

Gabi na ng makauwi kami nila Gd at Dara. Sumama narin sa amin ang mag-asawang may sira sa ulo pero iniwan muna nila ang kanilang unica hija kay Phantom hyung. Wala pa naman inuutos sakin ang mag-asawa kaya magliliwaliw muna ako, wala naman magawa sa bahay kaya pupunta muna ako sa PUB.

Habang papunta ako sa bar counter ay lahat ng mata ay napako sa pagdating ko. It's been years nang huli kaming pumunta dito at ang huling punta ko pa dito ay nung libing niya. Ilang taon narin pero andito parin siya sa puso ko.

Jack D. please sabi ko sa bartender habang pinagmamasdan ang buong bar. Bumalik na sa kanya-kanyang ginagawa ang mga andito pero ang ilang mga babae ay malagkit na nakatingin sa akin.

Y..yes Master S..shadow sabi ng bartender.

Napalingon ako sa kanya at namutla ng magtama ang aming mga mata napayuko na lang siya bigla. Namukhaan ko siya. Isa siya sa mga underling namin.

Shadow na lang and please dont be scared I wont bite sabi ko at sinerve naman niya ang isang bote ng J.D at isang baso.

Yumuko siya bilang respeto at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Any news? Tanong ko sa kanya sabay lagok ng alak sa baso

H..habang wala po kayo dito ay may isang grupo ang laging andito, sa pagkakaalam ko po ay hindi sila gangsters kundi kasali sa mafia kaya ang lalakas ng loob gumawa ng gulo dito. Hindi pa po alam ni Master Phantom kasi miski po siya hindi namin alam kung nasaan sabi niya

Napatingin ako sa grupong kakapasok lamang.

Sila po ang tinutukoy ko Shadow tumungo na lamang ako sa sinabi niya. Mukhang bigatin ang mga ito base narin sa kanilang mga aura. May awtoridad ang bawat galaw nila. Napansin ko ang kanilang pinuno na may kasamang babae. Teka! Kilala ko itong lalaking ito.

Gotti mafia ...

Kaya pala ang lakas ng loob manggulo. May ibubuga naman pala. Biglang may nagtext sa akin kaya binasa ko. Tsk ang mga kumag nandito na daw. Binalik ko na ang cellphone ko at tumingin ulit sa kanila.

Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito. Siguro ay nagaaway sila dahil nakita kong nagagalit si Keiser pero kapag tumitingin naman sa kanya yung babae ay agad naman siyang tumitiklop. Pansin ko lang siguro maganda ang babaeng ito base narin sa kanyang kutis at hubog ng katawan.

Women. Kahinaan ng mga lalaki. Kahit gaano ka kalakas at katapang kapag sila ang pinagusapan ay paniguradong titiklop ka.

I need to know who's that girl. Panigurado magagamit ko siya laban kay Keiser.

Biglang may yumapos sa akin mula sa likuran.

Wanna have some hot night with me? Malanding sabi ng babae sa aking likuran. Napansin kong nakatingin na dito yung kasamang babae ni Keiser. Tila naubusan ako ng dugo ng makita ko ang mukha niya. This cant be. Wake up Rhie hindi siya yan. ang layo ng itsura nila. Pero iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko siya iyon pero magkaiba ang itsura nila.

CMG 2: Demon UnleashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon