44. awake

6.2K 164 9
                                    

Isang linggo na ang lumipas pero hindi parin nagigising si Dara. Nag-aalala man si Gd ay pinipilit niyang magpakatatag. Nasasakgan siya tuwing pinapagmasdan niya si Dara habang wala pa itong malay. May benda ito sa ulo, at puro pasa ang mukha nito. Araw-araw din dumadalaw ang mga kaibigan nila para kamustahin ang lagay ni Dara. Isang malaking kwarto ang inokyupa nila dahil andito palagi ang triplets.

Si Ice ay tahimik lamang sa sofa habang nagbabasa ito ng libro, sa edad pa lang nito na apat ay marami na siyang nababasang libro. Si Frost naman ay seryosong pumipindot pindot sa kanyang tablet, minsan pa nga ay may mga binubuting ting ito na mga bagay. Si Snow naman ay laging may hawak na manika, hindi lamang ito basta manika kundi iba ang itsura nito sa mga pangkaraniwang manika.

Babies gutom na ba kayo?

Tanong ni Gd sa mga anak niya. Sabay sabay nasitanguan ang tatlo at pumunta sa pwesto ni Gd.

Daddy kailan po ba magigising si mommy?

Tanong ni Snow habang yakap nito ang braso ng ama.

Soon baby. Nagpapahinga lamang si mommy napagod kasi siya kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising.

Sabi ni Gd dito. Ang dalawang lalaki naman yumakap din sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya.

Hello Rhie, papunta ka na ba dito? Pakibili naman ng pagkain ng mga bata. Sige salamat.

Tinawaga ni Gd si Rhie. Nang umayos na ang lagay ni Virgo ay agad nilang pinuntahan ang mga kaibigan nila.

Ilang sandali pa ay dumating na sila Rhie, kasama nila ang mga kaibigan nito at mga anak.

Nang makita ni Ice si Gunther ay agad itong tumayo at lumapit dito. Sumunod din si Frost at nilaro si Lux, bunsong anak nilaCl at Sol. Si Snow naman ay nilapitan ng pinsan niyang ai Tabitha, anak nila Bom at Top. Hinatak niya ito at umupo sila sa sofa at nagsimula ng magbulungan. Habang si Snow naman ay nanlilisik na nakatingin kay Gunther habang namimilog ang mga kamao nito. Si Gunther naman ay nakangising nagkwekwento kay Ice.

Samantala si Gd naman ay nilapitan ng mga kaibigan niya habang ang mga babae naman ay inihahanda ang mga pagkain na binili nila. Andoon narin si Minzy na kakalabas lang noong isang araw habanh karga nito si Lux at katabi naman si Frost.

Ilang sandali pa ay nagsipagkainan na sila at nagkwentuhan. Hindi umaalis si Gd sa tabi ni Dara at lagi nitong hawak ang kamay ng babae. Lagi rin niyang hinagaplos ang tiyan nito para kamustahin ang mga anghel sa loob.

Nang sumapit ang gabi ay nagpaalam na ang mga kaibigan niya babalik na lamang sila bukas. Sinama na rin nila ang triplets pauwi para makapag pahinga sila ng maayos. Wala ang mga magulang ni Dara dahil may kailangan itong asikasuhin lalo na ngayon na hindi pa nagigising si Dara. Madami ang iniwang trabaho nito kaya pati ang kapatid niya ay hindi siya madalaw ng matagal.

Napabuntong hininga si Gd at tumayo. Kumuha siya ng isang bimpo at basin na may lamang maligamgam na tubig. Inumpisahan niyang punasan si Dara. Talagang inaasikaso niya si Dara kahit wala pa itong malay. Ganun ang naging buhay niya habang naghihintay parin siya sa paggising ng pinakamamahal niya.

Nang matapos siya ay naglinis siya sandali ng katawan ayaw kasi niya na tumatabi kay Dara ng hindi siya bagong ligo. Nag request siya na baguhin ang kama nito at palitan ng pang dalawahan. Maingat siyang tumabi dito. Sinuksok niya ang kanyang mukha sa leeg ni Dara hawak niya ang tiyan nito. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya.

Unti-unting namulat ang mga mata ni Dara. Teka! Bakit parang may kumikiliti sa leeg ko? Bakit hindi ko maikilos ang katawan ko? Tanong nito sa sarili. Nang makita niya si Gd na mahimbing na natutulog ay napangiti na lamang siya.

CMG 2: Demon UnleashedWhere stories live. Discover now