Ikalabimpitong Kabanata

1 0 0
                                    

Isa pang bagong araw sa,Blangkong Pahina.Title : TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04/12/20Date posted in BP : 04/12/20IKALABIMPITONG KABANATASheree's POVAlas diyes ng umaga, nagbalak akong pumunta sa mall. Mula nang nasangkot ako sa walang kwentang buhay ng mga multo, ngayon ko lang ulit naisipang pumunta sa mall."Oh? May lakad ka? Saan pupunta ang alaga ko?" tanong ni yaya nang magkasalubong kami sa hagdan."Gusto ko lang pong mag-relax." sagot ko."Ah, e, saan namang resort ang punta mo? Hindi mo nabanggit sa akin, hindi ko tuloy natawagan para sabihing pupunta ka. Eh, de bale ihahabol ko na lang habang nasa byahe ka.""Hindi po, ya. Magsa-shopping lang po ako." sagot ko uli."Ay buti naman at naisipan mo nang lumabas ng bahay. Oh, sige hintayin mo ako, magbibihis lang ako at sasamahan kita." hinawakan ko siya sa braso para pigilan."Hindi na po yaya." Napatingin ako sa ibaba ng hagdan. Bigla na lang lumitaw si Drake, nakangiti sa akin. "Hindi mo na ako kailangang samahan. Patay na ang mga kidnappers di ba? Saka, Naka-disguise po ako.""PERO iha, hindi pa rin ako mapapanatag. Kung hindi ako, mga bodyguards mo na lang." tumango na lang ako sa sinabi niya. Baka mapagalitan din siya ni daddy kapag di ako pumayag. "Oh, sige tatawag ako ng bodyguards mo.""Yaya, may ipapagawa ako sa 'yo." habol ko sa kaniya. Tiningnan niya ako at hinintay ang sasabihin ko. "Maghanap ka ng pinakamahusay na psychic o albularyo. Kahit ano na makakatulong sa akin.""Ano? Bakit? Nakukulam ba ang alaga ko? May sapi?" sinipat niya ang katawan ko dahil sa pag-aalala."Hindi po yaya. May itatanong lang ako.""Hay, buti naman. Pinag-alala mo ako.""Sige yaya, alis na po ako. ""Oh sige, papuntahin ko na sa labas ang bodyguards mo. Mag-iingat ka ha?" tinanguan ko si yaya at pagkatapos ay bumaba na ako sa hagdan.Huminto ako sa tapat ni Drake. "May lakad ka?" tanong niya.Naalala ko ang mga sinabi ni Zion sa akin. Sinisiyasat ko kung saang parte ba ni Drake ang pagiging demonyo niya. Pero, wala akong maramdamang bigat ng awra sa kaniya."Ah, oo. Magsa-shopping ako.""Wow. P'wedeng sumama?" Ang ganda ng ngiti niya. Kapag tintingnan ko siya pakiramdam ko ligtas ako sa lahat. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. Lumakad na ako at tinungo ang kotse. Naroon na ang dalawa kong bodyguards, naghihintay sa akin. Pinagbuksan nila ako ng pinto. Pumasok ako sa loob at sumunod si Drake.Naiilang ako. Hindi ko siya magawang tingnan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Iniisip ko kung ligtas pa ba ako?"May problema ka ba?" tanong ni Drake."Palagi naman akong may problema mula nang nakakakita na ako ng multo." sagot ko sa kaniya sa isip lang. Ayaw kong magsalita baka isipin ng mga kasama ko sa nababaliw ako."Para kasing kakaiba ang mga ikinikilos mo." sabi niya. Ramdam niya rin.Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Si Zion ba, nakita mo?" tanong ko sa kanya. Pero hindi ko siya titingnan."Tsk! Pabayaan mo na yon. May sarili na yong mundo. Hindi mo na siya kailangan. Nandito naman ako."Nagsimulang bumalot ang takot sa akin habang kasama ko siya. Tahimik lang ako sa buong byahe.Pagdating sa mall, kuha na lang ako nang kuha ng mga damit. Hindi ko na tinitingnan kung ayos ba ang mga 'yon o kung maliit ba o malaki? Basta ang dinadampot ko ay inilalagay ko lang sa cart na itinutulak ng dalawa kong bodyguards.Narinig ko ang pagsinghal ni Drake. "Aanhin mo ba ang mga damit na yan? Kakasya ba yan sa 'yo?" Tanong niya."Hindi yan para sa akin. Para kay Cauli yan." sagot ko.Nabigla siya sa sinabi ko. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. "Lahat ng ito? Sa kanya?" Tumango ako."Ah, alisin mo 'yung red, maliit na 'yan sa kanya.' Yung orange, hindi niya gusto ang orange. Mahilig siya sa doll shoes. Saka dress. P'wede ba akong pumili?" Tumango ulit ako.Kitang-kita ko ang tuwa sa kanya. 'Yong pakiramdam na sobrang saya niya para sa kapatid niya. Kitang-kita ko ang pagiging totoo niya."Ito... Saka 'yon! Pati 'yong ternong black and pink na 'yon!" Itinuro niya ang lahat ng mga gusto niyang bilihin para sa kapatid niya. Kinuha ko ang mga 'yon ang mga inilagay sa cart.Nang mapuno na ang dalawang cart, nagbayad na ako sa counter.Habang tinatahak namin ang daan patungo sa ampunan, nanatili lang akong tahimik. Pinakikiramdaman ko lang si Drake. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Iniisip ko rin kung paano ko ba siyang iiwasan. O sa madaling salita. Paano ko siya aalisin sa buhay ko. Sa kabila ng mga nalaman ko kay Zion tungkol sa kaniya, may takot akong nararamdaman pero naroon pa rin ang parte ng puso ko na nagsasabing, pagkatiwalaan ko siya."Narito na tayo!" Bumalik ako sa wisyo ko nang magsalita si Drake.Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Narito na nga kami sa bahay-ampunan."Bilisan mo para makilala mo na siya agad." Napakasaya niya. Napapangiti sa nakikita ko sa kanya. Tinatanong ko tuloy ang sarili ko, ito ba? Ito ba ang sinasabi ni Zion na, nakipagkasundo si Drake sa demons? Wala akong makitang bakas. Ang tanging nakikita ko ay si Drake. 'Yong totoong siya. Ramdam ko' yon.Pinuntahan ko ang namamahala sa bahay-ampunan at kinausap."Ang mga dala ko po, mga donations ko po." Namangha ang babaeng halos nasa kuwarenta na ang edad nang makitang ipinapasok ng mga bodyguards ko ang mga pinamili ko."Napakadami naman po ninyong pinamili. Maraming salamat po." sabi ng tagapamahala. "Maliban po ba dito, may iba pa po ba kayong kailangan?""Opo. Binabalak ko pong mag-ampon ng isang bata." nagulat ang babae sa sinabi ko. At pati si Drake ay nagulat din."Talaga po? Parang napakabata mo pa para mag-ampon?""Balak mong ampunin si Cauli?" sabat ni Drake sa usapan namin ng taga pamahala. Nginitian ko lang siya.Kinausap ko ulit ang taga pamahala. "Ang totoo po niyan, ang daddy ko ang mag-aampon. Nag-iisang anak lang po kasi ako. Para magkaroon ako ng kapatid." sagot ko."Kung ganoon, ipapakilala kita sa mga bata. Para makapili ka." Tumayo ang tagapamahala at tinungo ang pinto. "Pakihintay mo lang ako.""Sige po." sagot ko."Salamat." Sabi ni Drake."Wag kang magpasalamat sa akin. Hindi ko naman ito ginagawa para sa iyo, para ito kay daddy." Sagot ko.

Alam kong hindi ko masasabi ang mangyayari sa akin. Gusto ko lang magkaroon ng makakasama si daddy kung sakaling mawala ako. Para may dahilan siyang lumaban sa buhay at magpatuloy."Naiintindihan ko, pero salamat pa rin." Tinanguan ko ang sinabi niya."Miss Leybis, nakahanda na po ang mga bata." masayang sabi ng tagapamahala pagbalik niya.Tumayo ako at pinuntahan ko ang mga bata.Nakahanay silang paharap sa akin. Nakita ko agad si Cauli. Nakita ko ang malungkot niyang mga mata."Yong nasa pangalawa po sa kaliwa." sabi ko.Narinig ko ang mahinang pagtawag ni Drake sa pangalan ng kapatid niya. Hindi ko alam, pero naantig ang puso ko."Ah, Cauli ang pangalan niya. Tahimik siya at laging nag-iisa." pagkukwento ng tagapamahala. "Halika. May sasabihin lang ako sa iyo." Inaya niya akong muli sa opisina.Nakita ko si Drake na pinuntahan ang kapatid niya. Inutusan ko ang mga bodyguards ko hintayin na lang ako sa kotse.Sa opisina, ikinuwento sa akin ng tagapamahala ang nakaraan ni Cauli. Ang kwentong alam ko na dahil ikinuwento na sa akin ni Drake. Walang itinago si Drake sa mga kwento niya sa akin. Naging tapat siya. Napangiti ako."Kung talagang desidido po kayo, aayusin po namin ang mga papel para sa pag-aampon ninyo kay Cauli. Nagpapasalamat po ako sa inyo, Miss Leybis.""Wala po yon. Aasahan ko pong magiging mabilis sana ang pag-aasikaso ninyo." tugon ko."Makakaasa po kayo."Nagpaalam na ako sa kaniya. Naglakad-lakad muna ako sa paligid. Hinihintay ko si Drake na bumalik.Ilang saglit pa ay dumating na siya. Sinalubong ko siya ng tingin. Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Salamat uli." bungad niya.Ngumiti ako. Nagpakawala muna ako ng hangin bago nagsalita. "Bakit ka naging totoo sa akin?" Ikinagulat niya ang sinabi ko."Ano'ng ibig mong sabihin?""Di ba dapat dinadaya mo ako? Bakit ka nagpapakatotoo?""Hindi kita maintindihan." sagot niya."Di ba, nagsanla ka ng sarili sa diablo? Bakit ganito ka sa akin? Ano'ng binabalak mo? May nais ka bang makuha sa akin? Kung nagpapakatotoo ka, sabihin mo na ang lahat.""Si Cauli lang ang mahalaga sa akin. Kung isa man ako sa mga diablo ngayon, lahat ng ipinakita ko sa 'yo ay totoo. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko magawang magsinungaling kapag kaharap ka."Tumulo ang mga luha ko. Pinahid ko ito bago pa niya makita."Kung ano man ang mga sinabi sa' yo ni Zion, ikaw pa rin ang magpapasya kung alin ang paniniwalaan mo. Hindi ko kailangang magpaliwanag." Tiningnan niya ako sa mga mata. Punong-puno ito ng kabutihan. "Lahat ng sinabi ko ay gagawin ko ng tapat. Hangga't kaya ko, poprotektahan ko kayong dalawa. Kayo na lang ang mahalaga sa akin. Kayo na lang ang dahilan kung bakit ako nananatili sa mundo." pagkasabi niya no'n naglaho na siya.May kung anong kumurot sa puso ko. Hindi ako alam kung bakit ako nasasaktan at natutuwa sa mga sinabi niya.Lumakad na ako para sumakay sa kotse. Bago ako tuluyang pumasok sa loob, may nakita akong isang babaeng kaedaran ko. Nagtapat ang aming mga mata. Nakaramdam ako ng kakaiba. Bigla akong kinabahan."Miss Sheree, aalis na po ba tayo?" tanong ng isa sa mga bodyguards ko."O-oo." sumakay na ako sa kotse. Pagkasakay ko, hinagilap ko ulit ng tingin ang babae. Wala na siya. Nakapagtataka. Wala naman siyang ibang lilikuan dahil diretso lang ang kalsada.*******Itutuloy...

TorchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon