Ikalabing walong Kabanata

1 0 0
                                    

Pasensya na po kasi natagalan. Kasi po, iisa lang ang cp dito sa bahay hiraman lang po kami haha. Wala ii, nasisira na ang mga cp kakatuplok haha. Kaya tyaga tyga po muna tayo sa karampot na oras na paggamit ng cp hahaha de bale po, Malapit na itong magwakas. Nababasa po ko ang mga comments nyo, di lang talaga ako makapagreply po. Sa group po, nakakareply ako haha. Happy reading po.Title : TorchAuthor : Lyeoh NorahWritten Date : 04/15/20Date posted in BP : 04/16/20Ikalabing-walong KabanataZion's POV"Drake!" natagpuan ko rin siya. Nagkasalubong kami sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam kung saang lugar siya galing pero nakikita ko sa kanya na hindi naging maganda ang araw niya."Ano'ng problema mo?" tanong niya."Hindi ba naging maganda ang araw mo? Mukhang inaaliw mo ang sarili mo sa gitna ng dilim sa ganitong lugar?" Bihira ang mga dumaraang sasakyan sa lugar na ito dahil isa itong probinsya. Maagang natutulog ang mga tao."Ano'ng pakialam mo? Bakit kaya hindi na lang ang sarili mo ang pakialaman mo? Hindi ka dapat nanghihimasok sa buhay na hindi mo naman sakop!" Tumataas na ang tono ng boses niya. Mukha ngang may pinagdadaanan siya."Kung gano'n nagkausap na pala kayo?" Base sa sinabi niya, malamang kinausap na siya ni Sheree."Bakit ka ba nakikialam?" Nararamdaman kong galit na siya—sa akin."Alisin mo ang singsing sa kanya!" Maotoridad kong utos."At sino ka para utusan ako!?"Hindi ko siya sinagot, sa halip inatake ko siya gamit ang kwerdas ko. Paulit-ulit. Mula sa iba't ibang direksyon. Ngunit mabilis siya. Naiiwasan niya ang mga pag-atake ko. Huminto ako saglit upang humanap ng mas magandang lugar ng pag-atake. "Ipapakita ko sa 'yo kung sino ako!" sigaw ko. Pumaitaas ako para atakihin siya mula sa itaas.Ngunit bago pa lumapat sa kanya ang kwerdas ay nahawakan niya ang dulo nito at ibinalik sa akin ang atake ko. Iwinasiwas niya akong parang dahon lang sa hangin. Bumangga ako sa gilid kalsada. Kahit nakadapa'y hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya."Ikaw ba ang makikilala ko? Bakit? Sino ka ba? Paano mo ipapakilala ang sarili mo kung kahit ikaw ay hindi mo nakikila kung sino ka!" Nabigla ako sa sinabi niya."Paanong—" Hindi kung paano niya nalamang wala akong maalala."Gusto mo tulungan kitang makilala ang sarili mo?" Pumaitaas siya dala ang dulo ng kwerdas at idinikit sa linya ng kuryente. Hinigop niya ang kuryente at pinadaloy sa kwerdas ko patungo sa akin.Hindi ko na nagawang makaiwas. Sadyang mabilis ang daloy nito. "Nakalimutan mo bang hindi naman ako nasasaktan?" Ininis ko pa siya pero sa totoo lang, nabawasan ang lakas ko."Alam ko! Tss. Oo nga pala. Tinutulungan lang kita na makaalala. Pero, hindi nga pala kita matutulungan, lalo kung sinadya ito.""Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko.Bigla na lang siyang nasa harapan ko na. Parang kidlat sa bilis ang kilos niya. "Oo nga pala. Wala na nga pala rito ang gumawa no'n kaya ang tanging magagawa mo na lang ay mag-ipon ng torch para makahiling ka na. Para maalala mo na ang lahat! Para malaman mong hindi lahat ay dapat mong pakialaman!" Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Galit na hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan nito."Kung anuman ang problema mo! Wag mong idamay si Sheree dito!" sigaw ko. Ibinalik ko ang mga kwerdas sa aking gitara at inatake ko siya gamit ang tunog nito. Ilang kalabit ko lang sa kwerdas nito ay tumilapon siya. Mula sa tunog na ibinibigay ng gitara ko kapalit ay panghihina sa mga kagaya niyang kampon ng dilim.Tumayo ako at lumakad palapit sa kanya. Tinitipa ko ang aking gitara. Namamaluktot siya bawat tunog na naririnig niya. "Alisin mo ang sumpang ibinigay mo sa kanya!..." sigaw ko."Manigas kang ungas ka!" sigaw niya.Nabigla ako nang makita kong binalot siya ng apoy. Katibayan ito na ginagamit na niya ang apoy ng impyerno.Nagpakawala siya ng apoy papunta sa akin. Hindi ito kinaya ng gitara. Wala na rin akong torch na magagamit. Sa torch ko lang nakukuha ang kapangyarihan ng gitara ko. Kapag walang torch. Wala rin itong kwenta.Itinulak ako ng apoy hanggang sa maaabot nito. Bumangga ako sa bundok. Nang maparam ang apoy na nagtulak sa akin, nakita ko si Drake na nasa harapan ko. Naglalagablab siya galit. Sinakal niya ako."Kikilalanin mo ang kinakalaban mo! Ay mali! Dapat pala, kilalanin mo muna ang sarili mo bago mo kilalanin ang iba! Dahil ako, kilalang kilala kita! At sa pagkakataong ito, wala ka ng magagawa. Hindi mo na magagawang kunin ang hindi naman para sa 'yo!" sa tindi ng galit niya nagawa niya akong ilubog sa lupa, hindi ko masukat kung gaano kalalim.Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung dahil nakaramdam ako ng takot sa kanya o dahil tama siya, hindi ko nga kilala ang sarili ko. Sa tingin ko, pareho.SUMISIKAT na ang araw, ilang oras na akong nakatulala sa tabi ng dagat. Nabablangko ang utak ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari. Tama si Drake. Hindi ko nga kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong kakayahan ang mayroon ako. Paano ko maipagtatanggol si Sheree kung ang sarili ko nga hindi ko magawang ipagtanggol. Sa torch lang ako umaasa.Pero kung magagawa ko nang humiling. Maibabalik na ang lahat ng alaala ko.Tiningnan ko ang hourglass ko, wala na itong laman. Matagal pa bago ko ito mapuno."Torch ba ang kailangan mo?" Narinig ko ang isang tinig malapit sa kinaroroonan ko. Hinagilap ko siya.Nakaupo siya sa ibabaw ng malaking bato. Makisig. Maamo ang mukha ngunit ramdam kong matapang siya. Tila walang kinatatakutan."Sino ka?" Tumayo ako at hinarap ko siya."Depende sa 'yo kung sino ako para sa' yo. P'wedeng kaibigan, p'wede ring kaaway." sagot niya."Ano'ng kailangan mo sa akin?"Numgiti siya. "Hindi ba't ikaw ang may kailangan?""Wala akong kailangan sa 'yo.""Ayaw mo bang makilala na ang sarili mo? Nang mas maaga? Para matalo mo na siya?" Si Drake ang tinutukoy niya. "Pinanood ko ang laban ninyo. Tsk. Tsk. Kung ganyan ang kalagayan mo, hindi mo siya matatalo.""Anong kapalit?" Isa siyang diablo. Sila lang naman ang mukhang anghel na nanlilinlang at mahilig makipagkasundo."Wala naman. Gusto lang kitang tulungan na maalala ang lahat." Tumayo siya at iniunat ang kaniyang mga kamay.Segundo lang at nasa himpapawid na kami kung saan nakikita ko ang lahat ng kaganapan sa lupa. Bawat kumpas ng kamay niya ay isang sakuna ang naganap. May mga lumubog na barko. Bumagsak na eroplano. Nagkaroon ng sunog sa iba't ibang panig ng mundo. May mga pagbaha. Pagguho ng lupa. Naganap ang iba't ibang aksidente sa iba't ibang panig ng mundo. Dumami ang mga namamatay sa mga ospital. Kitang-kita ito ng mga mata ko.Bawat aksidente ay kumuha ng buhay.Unti-unting lumutang sa ere ang mga torch na mula sa mga namatay na tao."Kolektahin mo lang. Sa ngayon, wala kang kaagaw." mapang-akit ang tinig niya.Ngunit ang mga torch ang tunay na umakit sa akin. Kinulekta ko ang lahat at walang itinira. Hanggang sa mapuno ang hourglass."Wow. Puno na. Makakahiling ka na." Tulad niya'y, natutuwa rin ako.Ibinaliktad ko ang hourglass at hinayaang lumipat ang mga torch sa kabilang bahagi. Pumikit ako at humiling.Sa aking pagpikit, nakita ko ang lahat. Mula sa kung kailan ako unang isinilang sa mundo.Isinilang kaming magkakasabay nina, Sheree, Kashmira, Drake at ako. Magkakaibigan. Magkasangga sa lahat ng bagay. Magkakasundo na tila ba walang pag-aawayan. Pero nasira nang dahil sa pag-ibig.Nagsimula ang selos. Inggit. At galit. Nauwi sa pagkakagalit, alitan at palaging nauuwi sa patayan.Paulit-ulit na nangyayari. Kahit ilang beses pa kami isilang, sa ganoong sitwasyon din nauuwi ang lahat.Magkakadikit ang buhay naming apat na para bang hindi na magkakahiwalay pa.Subalit, gaano man katindi ang pagkakaibigan namin, kung ang pag-ibig ay para lang sa iisa...walang patutunguhan.

Sa buhay ko, minamahal ko si Sheree pero gan'on din si Drake. Pareho naming minahal si Sheree. Palaging ako ang pinipili ni Sheree dahil ako ang mahal niya pero laging gumagawa ng paraan si Drake para sa huli ay siya ang magwagi.Palaging sila ang nagkakatuluyan nang dahil sa mga kasinungalingan niya.Pero itong buhay namin ngayon ay kakaiba. Dahil maaga kaming namatay nang hindi pa kami nagkakakilala.Si Sheree na lang ang natitirang buhay sa aming apat.Nalaman ko rin na si Kashmira ang siyang pumatay sa akin.Bumalik na sa akin ang lahat.Dumilat ako dahil wala na akong makita pa sa nakaraan kong buhay. Tiningnan ko ang hourglass, nasa kabilang parte na pala nito ang lahat ng torch. Tapos na ang palabas.Hindi ako makapaniwalang mahigit sampung beses na akong ipinanganak. Nabubuhay sa iba't ibang katawan. At dito sa naging buhay ko ngayon...Si Drake, balak niyang angkining muli si Sheree!Hindi ako papayag!Kung ito na ang magiging huling buhay ko, gusto kong maging masaya sa piling ng mahal ko. Pero, kung hindi man 'yon mangyayari...hindi p'wedeng magkasama sila ni Sheree. Gagamitin lang siya ni Drake lalo pa't taglay niya ang unlimited blue torch.Hindi ako papayag na gamitin lang siya ni Drake!Hindi na sa pagkakataong ito!Hindi ko na hahayaang magtagumpay pa siya. Hindi na ngayon!"Zion!" Narinig kong may sumisigaw sa pangalan ko. Isang pamilyar na tinig. "Zion!""Kashmira?!" Nagbalik siya!Napakaganda ng ngiti niya. "Bumalik ako. Binalikan kita." Ipinakita niya sa akin ang hourglass na hawak niya. Kitang-kita sa mga niya ang tuwa. "Tingnan mo, pinayagan nila akong maging totoong torch collector.""Bakit?" tanong ko."Para makaalala ka na. Tutulungan kitang makaalala. Di ba sabi ko sa 'yo, akong bahala sa' yo?""Bakit mo ako nagawang patayin!?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Kung hindi mo ako pinatay, magkakakilala sana kami ni Sheree! Hindi na sana siya nasangkot pa sa ganitong sitwasyon! Hindi na sila nagkakilala pang muli ni Drake!" Lumabas ang galit ko sa kanya."N-nakakaalala ka na? P-paano?" nauutal niyang tanong."Hindi na importante. Sa ngayon, kailangan kong mahanap si Sheree. Kailangan niyang malaman ang buong katotohanan!""Hindi! Wag mong gawin! Delikado!" pigil niya sa akin."Bakit? Maliban ba sa nalaman ko, may ipapaalam ka pa? Alam ko na ang lahat. Mula noon, nagsisinungaling ka na sa akin! Palagi mong kinakampihan si Drake, tinutulungan mo siya kaya lagi silang nagkakatuluyang dalawa! Nang dahil lang sa pagmamahal mo sa akin? Paulit-ulit Kashmira! Paulit-ulit! Hindi ka ba nagsasawa?""Sino ba ang nagsabi sa iyo ng mga 'yan? Puro kasinungalingan ang lahat Zion!" sigaw niya."Pfft! Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa 'yo?" Saad ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin.Paalis na ako para hanapin si Sheree nang magbukas ang pintuan ng langit. Nagbukas ito para sa akin. Tinatawag na ako ng langit."Hindi! Hindi pa ako handa! Ayaw ko pa!" Ngayon pa lang bumalik sa akin ang lahat. Ngayon pa lang ako mag-uumpisa na ayusin ang buhay ko! Ayaw ko pa."Tutulungan kita. Kung gusto mo lang." Biglang nagpakita ang anghel ng dilim na tumulong sa akin kanina na magkaroon ng mga torch."Hindi Zion! Wag kang makinig sa kaniya! Kampon siya ng dilim! Umalis ka na! Pumasok ka na sa pintuan! Ako na lang bahala rito. Aayusin ko ang lahat. Pangako. Wag mong sayangin ang pagkakataon na ibinibigay sa iyo ng langit! Tinatawag ka na, Zion! Parang awa mo na." Gusto kong pakinggan ang pagsusumamo ni Kashmira pero, hindi pa ako handa."Ano'ng kapalit?" tanong ko sa anghel ng dilim."Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Ang gusto ko lang ay makatulong. Kagaya rin ng ginawa ko kay Drake. Ganito rin ang nangyari. Pinili niya ang manatili rito dahil tulad mo, hindi rin siya handa.""Ano ang mangyayari sa akin pagkatapos?" tanong ko ulit."Wala naman. Mananatili ka na lang dito sa mundo. Sa oras na mapagsarahan ka ng pintuan ng langit, pag-aagawan ka ng mga halimaw ng impyerno para ikulong sa dagat-dagatang apoy doon. Pero, kung hahayaan mo na tulungan kita hindi yon mangyayari. Mananatili ka lang dito sa mundo. Magiging pag-aari mo ang lahat."Hindi ko gusto na maging pag-aari ang lahat ng mayroon sa mundo. Ang gusto ko lang maging tiyak ang kaligtasan ni Sheree mula kay Drake."Wag Zion! Wag kang makinig sa kanya!" Hindi napapagod si Kashmira sa pagsigaw niya."Sige. Tinatanggap ko ang tulong mo.""Sige. Hindi ka magsisisi." Saad ng anghel ng dilim.Bigla na lang akong nilamon ng apoy. Napahiga ako. Para akong unti-unting namamatay."Hindi!"Matinis na sigaw ni Kashmira ang huli kong narinig. Ang pagsara ng pintuan ng langit ang huli kong nakita.~~~~~~~~~~~Malapit na po itong magwakas.Nahuhulaan nyo po ba ang ending?

TorchWhere stories live. Discover now