Ikalabing isang kabanata

1 0 0
                                    

Muli natin tunghayan ang kwento ng buhay ni Sheree dito sa,Blangkong Pahina.Title : TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04/01/20Date Posted in BP :IKALABING ISANG KABANATASheree's POVNakakaramdam ako ng kaba, takot at pangamba. Kinukutuban ako na may masamang mangyayari pero hindi ko alam kung paano. At lalong hindi ko alam kung paano ko ito iiwasan.Naunang umandar ang isang kotse, sumunod ang sinasakyan ko at ang isa ay sa huli.Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si daddy ang tumatawag."Yes, dad?""Baby, pinasundo kita. Nasaan na ang unica hija ko?" tanong niya mula sa kabilang linya."Wag po kayo mag-alala sa akin dad. Malapit na po ako." gusto kong umiyak pero ayaw kong iparamdam kay daddy ang takot ko. Ayaw kong mag-alala pa siya sa akin. "Dad, I love you.""O, ang baby ko naglalambing na naman. Uhm, sige pagdating mo dito bibigyan kita ng pang shopping. Basta, umuwi ka ng ligtas ahh. I love you too, darling."Napangiti ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy nilalambing ko lang siya kapag kailangan ko ng pera. Hindi niya ako binibigyan ng credit card kasi alam niyang baka maubos ko ang pera niya sa bangko nang ilang araw lang. Kaya cash ang binibigay niya sa akin para limitado raw. Pero kahit gan'on, binibigyan niya pa rin ako ng pera kahit kung saan saan ko lang inuubos. Minsan kapag galit ako sa isang tao, sa kaibigan, barkada o kung sino, sinasampal ko lang ng pera.Pero ngayon, bigla na lang nagbago ang buhay ko. Sa ganitong mga pagkakataon, walang saysay rin pala ang pera sa mundo."I'm fine dad. Kita na lang tayo sa bahay." pinatay ko na ang tawag.What ever happens dad, I love you so much.Sa kalagitnaan ng daan bigla na lang huminto ang sinasakyan namin. "Anong nangyari? Bakit tayo huminto?" tanong ko sa drayber ko."Huminto po yong nasa unahan Miss Sheree. Sandali lang po tatawagan ko." sagot niya. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang sakay sa naunang kotse."Anong sabi?" tanong ko ulit. Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang din napansin na wala na pala si Zion sa tabi ko. "Yong multong yon, kapag talaga kailangan ko saka nawawala!" pabulong Kong sabi."Po?!" lumingon sa akin ang drayber ko."Ah wala. Lumabas ka na lang at tingnan mo kung ano ang nangyayari!" sumunod naman siya agad sa utos ko.Pagkalabas niya, nakita kong umandar ulit ang kotse na nasa unahan namin. Pumahalang siya sa kalsada na para bang hinaharangan ang sinasakyan kong kotse. Gano'n din ang ginawa ng nasa likuran kong kotse.Lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi na ako mapalagay. Malakas kong sinigaw ang pangalan ni Zion sa isipan ko."Diyan ka lang, wag kang lalabas!" nabigla ako nang marinig ko ang sagot niya sa akin. Nati-telepathy niya ako?Pagtingin ko uli sa labas, nagsilabasan na ang mga taong sakay ng kotse. May mga hawak na silang baril."Miss Sheree! Yumuko po kayo!" biglang pumasok ang drayber ko sa kotse sa kinaroroonan ko at pinayuko ako. Pumatong siya sa akin. Kasunod no'n ang pagpapalitan ng putok ng baril sa labas.Hindi ko na alam kung gaano katagal. Pakiramdam ko'y napakahaba ng laban. Nakakabingi.Tumahimik ulit."Miss Sheree, a-ayos lang b-ba k-kayo?" nauutal ang pagsasalita ng drayber ko. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng dugo niya sa braso ko.Doon ako nagising sa katotoohanang nasa panganib kami.At dahil nakabukas ang pinto ng kotse sa tapat ko dahil sa biglang pagpasok ng drayber ko kanina, kusang nahulog ang katawan niya sa kalsada. Dilat ang mga mata niyang nawalan ng hininga.Napatakip ako ng bibig ko. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako.Hinagilap ko si Zion sa paligid. Nanginginig akong lumabas ng kotse para makita siya.Ang katawan ng mga tauhan ni daddy na nakahandusay na sa kalsada ang tumambad sa akin. Tadtad ng bala ang mga kotse."Z-zion..." hinahagilap ko siya sa paligid. Naglakad ako para hanapin siya. Nakita ko siya sa bandang unahan. "Zion!..." sinigawan ko siya.Kaharap niya ang tatlong tao. Mga nakaitim sila. Mga ilang dipa rin ang agwat nila sa isa't isa, parang naghihintay sila ng kung sino ang unang sasalakay.Lumakad ako para lapitan siya. "Diyan ka lang!" sigaw niya.Napahinto ako nang makilala ko na ang mga kaharap niya. Yong mga taong kumidnap sa akin. Pero nakapagtataka, kung bakit nakikita nila si Zion at kung bakit parang hindi sila natatakot?Ilang sandali pa'y sabay sabay silang sumugod. Tatakbo na sana ako palayo nang biglang may humawak sa braso ko."I-ikaw?" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking kumuha ng apoy sa dibdib ko. "Ano'ng kailangan mo! Kukunin mo ba ulit ang torch?""Hindi. Kailangan mo nang umalis dito. Hindi na sila mga tao. Mga halimaw na sila!" sagot niya."Paano ako magtitiwala sa isa ring halimaw!" sigaw ko.Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin. "Gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi porket may unlimited torch ka ay hindi ka na p'wedeng mamatay! Nabubuhay ka ulit dahil buhay pa ang katawan mo! Ang torch mo ay bumabalik dahil may katawan ka pang lumalaban! Pero sa oras na mawalan ka na ng hininga. At tuluyan nang hindi tumibok ang puso mo, hindi na rin babalik ang torch mo!""Bakit mo sinasabi sa akin 'to?""Isipin mo kung gaano ka kamahal ng tatay mo!" natauhan ako sa sinabi niya. "Yung mga kinakalaban ng prince charming mo, hindi na sila tao! Ikaw ang pinupuntirya nila! Ano sasama ka ba o mamatay ka?"Hindi na ako makapag-isip nang tama. "Zion!..." sinulyapan ko siyang muli at tinawag.Pero pag lingon niya sa akin, nabihag siya ng mga kalaban."Nakita mo na? Halika na!" pinilit niya akong hatakin.Napatigil kami nang biglang umulan ng mga palaso galing sa itaas. Napatingin ako sa mataas na puno. Yong babaeng laging kasama ni Zion, may hawak siyang pana."Tsk! Pag wala ako lagi ka na lang nasa panganib, Zion!" sigaw niya."Iligtas mo siya!" narinig kong sigaw ni Zion.Tumingin sa akin ang babae. "Kakainis!"sigaw niya. Nagbabalak na naman siyang magpaulan ng palaso at sa gawi ko ang puntirya niya.Mabilis akong niyakap ng maangas na lalaki. Napapikit na lang ako. Nakaramdam ako ng mainit na enerhiya. Mga ilang segundo ay lumamig na. Naramdaman kong parang nakasandal na ako sa pader. Pagdilat ko, kasama ko pa rin ang maangas na lalaki. Nakayakap sa akin.Hindi ko alam kung paano kaming napunta sa kuwarto ko.Zion's POV"Zion," Bumulong sa akin si Sheree matapos niyang makitang mahina na ang torch ng mga taong susundo sa kaniya. Alam kong, alam na rin niya ang kahulugan nito."Alam ko. Wag kang matakot nandito lang ako." kailangan kong palakasin ang loob niya. Masyado na siyang maraming pinagdaanan. Alam kong matatag siyang babae. Pero alam kong may kahinayaan din siya. Alam kong may hangganan din ang kaniyang katapangan.Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang protektahan.Sumakay kami sa kotse. Tahimik kami lang habang binabagtas namin ang daan. Pareho kaming nakikiramdam.Habang nasa byahe kami, nakakaramdam ako ng malakas na enerhiya. Hindi isa kundi marami. Tatlo, o apat o lima? Nalilito ako. Mabigat ang enerhiyang papalapit sa amin. Ibig sabihin hindi ito pangkaraniwang aura. Parang aura ng tao na may halong aura ng diablo.Bago pa man kami makalapit sa kinaroroonan nila, pumunta na ako. Nagteleport ako at pinuntahan sila. Nagulat ako nang makita ko 'yung tatlong lalaking kumidnap kay Sheree. Hindi na sila normal na mga tao. Sumailalim na ang ispiritu nila sa kapangyarihan ng diablo. Nasa katawan pa rin sila ng tao, hindi pa sila namamatay. Sadyang kinukontrol lang sila ng diablo."Umalis kayo sa daraanan namin!" pagkasabi ko no'n bigla na lang nila akong sinalakay.Nilabanan ko sila. Nakapagtataka lang, hindi naman nila ako nilalabanan. Parang gusto lang nila akong bihagin.Paulit-ulit kong tinatakasan ang pagbihag nila sa akin. Ilang sandali pa'y dumating na ang sinasakyan nila Sheree. Huminto sila dahil nasa gitna kami ng kalsada.Huminto ang tatlong lalaki sa paghuli sa akin."Hoy! Kayo! Tumabi kayo sa daraanan namin!" bumaba ang drayber ng naunang kotse at matapang na sumigaw.Naglabas naman ng baril ang tatlong nakalaban ko. Hindi sila nagsasalita."Zion..." narinig ko ang pagtwag ni Sheree sa akin."Dyan ka lang! Wag kang lalabas!" sinagot ko siya sa telepathy. Nagulat na lang ako nang pumasok ito sa kaniya.Muling pumasok sa loob ng kotse ang drayber. Pinaandar niya ang kotse at ipinahalang ito para protektahan si Sheree. Pagkatapos ay lumabas na lahat ng mga bodyguards ni Sheree na hawak kanilang mga baril.Wala silang takot na nakipagbarilan sa tatlo.Hindi tinatablan ng bala ang tatlo, tuloy lang sila sa pagpapaputok hanggang sa isa isa bumagsak ang mga bodyguards. Walang natirang buhay.Ayaw ko silang harapin. Ang gusto kong hanapin ay kung sino ang kumukontrol sa kanila dahil hindi sila nag-iisip. Kumikilos lang sila. Sinalakay nila uli ako.Wala naman saysay ang ginagawa kong pakikipaglaban dahil hindi naman sila tinatablan ng pag-atake ko."Zion!..." narinig ko ang pagsigaw ni Sheree.Pagtingin ko, hawak siya ni Drake. "Punyemas!" Tatakbuhin ko sana siya pero naigapos ako bigla ng tatlong kumag gamit ang lubid na apoy.Napatigil kaming lahat nang biglang umulan ng mga palaso galing sa itaas. Naramdaman ko si Kashmira. Hinagilap ko siya at nakita ko siyang parang ibong nakadapo sa sanga ng mataas na puno."Tsk! Pag wala ako lagi ka na lang nasa panganib, Zion!" sigaw niya."Iligtas mo siya!" sigaw ko kay Kashmira.Tumingin siya kay Sheree, "Kakainis!" nayayamot niyang sigaw. Sa inis niya, pinaulanan niya ng palaso ang dalawa.Niyakap ni Drake si Sheree at bigla silang naglaho."Ano ka ba! Tatanga-tanga ka!" galit na sigaw sa akin ni Kashmira nang makalapit na siya sa akin.Humigpit ang pagkakagapos sa akin para akong pinipiga. "Tulungan mo kaya ako.""Haist! Lampa!" sigaw niya ulit pagkatapos ay sinugod ang tatlo.Tulad ko, nahihirapan din siyang kalabanin ang tatlo. Nabigla na lang ako nang dukutin niya ang torch ng mga ito.Bumagsak ang tatlo sa kalsada. Nawala rin ang pagkakagapos sa akin."Kashmira, anong ginawa mo?"Natigilan siya. Humarap siya sa akin."Zion..." nabigla rin siya sa ginawa niya. Nakalimutan niya ang masamang dulot no'n."Bakit mo ginawa?" nanggigigil ako sa kaniya. Pero naawa ako. Siya itong panay ang paalala sa akin na huwag kong gagawin ang kumuha ng torch ng sapilitan pero siya itong nakalimot."Nakalimutan ko, e.""Ano'ng gagawin natin ngayon!""Hindi ko alam! Hindi ko alam!" sigaw niya. Bigla na lang siyang naglaho."Kashmira!..."~~~~~~~~~~~~~~~Itutuloy.....Note: feeling ko marami itong mali saka ko na eedit hahaha. Salamat sa pagbasa at paghihintay

TorchWhere stories live. Discover now