ikadalawampong Kabanata

2 0 0
                                    

Title : TorchAuthor : Lyeoh NorahWritten Date : 04/17/20Ikadalawampong KabanataNapunta ako sa makalumang panahon. Hindi ko alam kung anong taon ito. Nakikita ko ang mga tao na para bang nanonood lang ako sa kanila. Pero hindi nila ako nakikita.Nanganak ng babae ang isang ginang."Ikaw 'yan. Pinangalanan ka nilang Arie. Diyan nagsimula ang buhay mo." Naririnig ko ang boses ng babaeng kausap ko kanina."Nasaan ka? Bakit ako nandito?" tanong ko habang hinahagilap ko siya."Ipapakita ko sa iyo ang lahat." Sabi niya. Bigla na lang siyang lumitaw sa tabi ko. "Ang una mong mga magulang ay sila." Itinuro niya sa akin ang mag-asawang tuwang-tuwa nang makita ang anak nila. "Mandirigma ang iyong ama. Babaylan naman ang iyong ina. Hindi sila p'wedeng maging mag-asawa dahil bawal mag-asawa ang isang babaylan. Pero tumakas sila at itinuloy ang buhay. Isinilang ka. Pero—"Habang nagkukwento siya, bigla na lang may sumipa sa kubo na tinitirhan ng mag-asawa. Pinasok sila ng mga mandirigma. "Hulihin sila at dalahin sa pinuno!"Iniharap ang mag-asawa sa sinasabing pinuno. Kitang-kita ko kung paanong sinunog ng buhay ang mag-asawa bilang parusa sa ginawa nila."Nasaan ang bata bakit nawala?" tanong ko.Biglang nalipat ang pinapanood ko sa ibang lugar. Dala ng isang babae ang sanggol. "Itinakas niya? Sino ang nagtakas?" Nagulat ako nang makita ko ang may dala sa sanggol."Itinakas kita. Pero, hindi pa rin ligtas." Sabi niya."Bakit mo itinakas ang sanggol?""Dahil biktima lang siya."Hinahabol siya ng mga mandirigma. Pinasok niya ang gubat. Inilapag ang sanggol sa lupa at binigyan ng orasyon. "Isa ka ring babaylan?" tanong ko. "Para saan ang orasyon?""Upang iligtas ka. Subalit," biglang may dumating na babaeng nakasuot ng itim na damit. Tumatawa siya na parang baliw. Nagbigay rin ito ng isang orasyon sa sanggol."Bakit? Ano'ng meron? Itim na babaylan siya?" tanong ko ulit. Tumango siya. "Ano'ng ginawa niya?""Sumpa. Binigyan ka niya ng sumpa." sagot niya. "Dahil sa galit. Iniisip niyang inagaw ng iyong ina ang iyong ama. Sa iyo ibinaling ang galit niya.""Ano'ng sumpa ang ibinigay niya?""Ang mabuhay ka nang paulit-ulit hanggang sa mapagod ka at sumuko. At habang paulit-ulit kang isinisilang, ang lahat ng mga taong makikilala mo at magkakaroon ng matinding kaugnayan sa iyo ay madadamay din sa sumpa."Nakita kong pinatay din ng babaeng nakaitim ang sanggol. Kahit naglaban silang dalawa ay natalo pa rin siya ng babae."Ano'ng orasyon ang ibinigay mo sa akin para mailigtas ako kung namatay naman ako?" tanong ko ulit.Muli, ipinakita niya ang sumunod kong buhay. Isa na akong anak ng magsasaka. Sa buhay na iyon nakilala ko si Drake at Zion. Ang mukha pa rin nilang iyon, hindi nagbabago. Umibig sila sa akin pero namatay kaming tatlong sa isang aksidente. Simpleng aksidente lang. Nag-away ang dalawa sa ilog. Inawat ko kaya namatay kaming tatlo. Nalunod.Nabuhay ulit kaming tatlo. Nakilala naman namin si Kashmira.Paulit-ulit kaming nabubuhay at namamatay uli. Bawat pagkabuhay namin nadadagdagan ng isang tao ang nadadamay sa sumpa. Hindi ko alam kung nadamay din ang huling fiancé ni Zion. Pero nabuhay naman siya nang dahil kay Kashmira.Ipinakita siya akin ang lahat. Hanggang sa kung paano namatay sina Zion, Kashmira at Drake.Ang lahat ay dahil sa akin.Tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ilang beses na kaming nabubuhay at pagkatapos ay namamatay ulit. Hindi ko na nabilang kung ilang beses na."Ano nga uli ang orasyon mo sa akin?" tanong ko.Itinuro niya ang dibdib ko. "Ang apoy na nasa iyo. Gamitin mo sa tama. Yan lang ang sagot sa lahat. Mula noon, pinili kong manatili rito." Pagkasabi niya non, bumalik na kami sa kubo. "Dahil sa bawat panahong isinisilang ka, ako ang takbuhan mo. Paunti-unti kong sinasabi sa iyo ang lahat, hindi pwedeng biglain dahil makakasama. Kayong apat, nakulong sa tinatawag na reincarnation. Kailangan ninyong lumabas. Upang matapos na ang lahat. Ito na ang tamang panahon para maiayos ito dahil kung hindi, tuluyan na kayong makukulong sa ganitong buhay. Mas pinapalala pa ito dahil ang mga alagad ng dilim ay nakikialam na.""Ano'ng ibig mong sabihin?""Binaliktad ng diablo ang mga nakita ni Agustus nang bumalik siya nakaraan."Napaisip ako kung sino nga ba si Agustus. Ipinakita niya sa aking isipan si Zion. Dinaya ng diablo si Zion para magalit kay Drake."Kailangan mong kumilos maglalaban silang dalawa kahit alam nilang hindi naman sila maaari pang mamatay.""Bakit naman sila maglalaban?" Naguguluhan na ako. O baka sadyang gumugulo na nga dahil sa paulit-ulit kong pagkabuhay."Iyon ang nais ng mga diablo. Magkaroon ng mga ispiritung maglalaban ng walang katapusan. Hanggang sa mabuksan ang black hole upang makalabas ang mga halimaw ng Impyerno at maghari sa mundo. Upang ang mga namatay na tao hindi na makapasok pa sa langit. Dadayain at dadayain ng mga diablo ang mga tao para hindi ang pintuan ng langit. At magsisimula iyon sa oras na maglaban ang dalawa. Kailangan mo silang pigilan.""Paano? Anong laban ko doon?""Habang tumatagal kang nabubuhay dito sa mundo, nagkakaroon ka ng mga kakaibang kakayahan.""Ano'ng kakayahan?""Hindi ko rin alam. Ikaw ang siyang makakatuklas niyon. Alalahanin mong, nabubuhay ka para itama ang lahat. Wala na akong magagawa pa para sa iyo. Wala na akong natitira pang lakas para gabayan ka. Ito na ang huli kong pananatili rito. Ito na lang ang naiwan kong presensya mula nang mamatay ako. Ikaw na ang bahala sa lahat."Nakita kong unti-unti na siyang naglalaho."Teka lang. Ano'ng gagawin ko?""Sundin mo ang puso mo. Sa lahat ng oras. At iyan ang matuturo sa iyo ng lahat." Boses na lang niya ang naiwan para sagutin ako.Nang mawala na kanyang tinig, nawala na rin ang kubo. Nasa gitna na kami ng bukid. Ginising ko na si yaya."Ano'ng nangyari? Nasaan tayo?" Nagtataka niyang tanong nang magising siya."Umalis na tayo yaya.""Nasaan na 'yong babae?" tanong niya."Ilusyon lang ang lahat."Alam kong tulad ko ay nagtataka rin si yaya. Marami rin akong tanong. Hindi ko na alam kung sino ang sasagot ng mga iyon."Umuwi na tayo." Saad ko.**********Itutuloy...

TorchWhere stories live. Discover now