Ikatlong Kabanata

10 2 0
                                    

A/N: Hindi pa po ito edited kaya anuman po ang inyong nakikita na mga mali, at concern naman kayo char 😂 😂 paki-infom na lang po ako para alam ko kung anu-ano pa ang mga dapat kong ayusin kapag ako ay mag-edit na. Salamat nga po pala sa mga nagbabasa at si-share.

Muli na naman nating bigyan kulay at kuwento ang,

Blangkong Pahina.

Title: Torch
Written by: Lyeoh Norah
Written Date: 03/21/20
Date Posted in FB: 03/21/20
Date posted in Wattpad : 04/13/20

Ikatlong Kabanata

Wala na akong pakialam kung ano o sino sila. O kung ano ba ang pakay nila sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maaari na akong makatakas.

Bago ko tuluyang buksan ang pinto sinulyapan ko muna si Mr. Snobber. Wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha, pero ang mga mata niya—nag-aalala.

Sino ba siya? Sino siya para bigyan ko ng halaga? Sino siya para isipin ko pa? Isa lang naman siyang nilalang na naghihintay ng kamatayan ko. At sisiguraduhin kong hindi niya 'yon makukuha. Mas mahalaga sa akin ang sarili ko, at si daddy.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pasimple akong tumingin sa paligid. Mas malawak pa pala ito kaysa sa inaasahan kong basement na siyang sinabi ng kidnaper kanina. Parang hindi ito basement. Isa itong bahay. Dahan-dahan at maingat kong hinanap ang daan palabas hanggang sa nakita ko sa bandang unahan ang hagdan. Kumunot ang noo ko. Basement nga ito na nasa ilalim ng lupa dahil ang hagdan ay paitaas.

Tatakbuhin ko na sana ito nang marinig ang boses ng isang lalaki. Nagkubli ako sa mga karton na patung-patong. “Sige. Doon na lang tayo magkita.” aniya. Hindi ko alam kung si daddy na ba ang kausap niya o may iba pa.

Nang makalayo na siya sa akin, maingat kong tinungo ang hagdan. Paakyat na ako sa unang baitang nito nang may magsalita. “Oy! Sa tingin mo makakatakas ka?” napalingon ako sa kaniya. Hindi pala nag-iisa ang kidnaper.

Mabilis akong umakyat sa hagdan at binuksan ang pinto. “Bulaga!” Halos maubos ang hininga ko sa pagkabigla nang bumungad sa akin ang isa na namang lalaki. “Tsk. Tsk. Sinasayang mo lang ang oras mo.”

Nakakita ako ng tubo na nakasandal sa pader. Mabilis ko itong dinampot at inihampas sa kanya nang paulit-ulit hanggang matumba siya sa pagkakatayo.

Walang lingon akong tumakbo nang mabilis. Puro puno ang paligid. Nasa gitna ako ng isang gubat. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko nang makita kong sumusunod sila. Napahinto na lang ako sa gulat nang makarinig ako ng putok ng baril.

Bigla na lang naging kulay pula ang suot kong damit. Nakaramdam na ako ng takot at panlalamig nang maramdaman ko na ang kirot na dulot ng pagtama ng bala sa balikat ko.

Hindi ko alam kung sa takot lang ba kaya ako nahihilo. Unti-unti na akong nawawalan ng balanse pero pinilit kong tunguhin ang natatanaw kong kalsada.

“Hindi ako p'wedeng mamatay dito. Hindi sa gubat! Hindi ako papayag na kainin na lang ng mga hayop sa gubat ang katawan ko!” Pinapalakas ko lang ang loob ko dahil medyo nandidilim na ang paningin ko.

Nagawa ko pang sulyapan ang mga humahabol sa akin. Nakita kong nakatutok sa akin ang baril na hawak ng isa.

Pinilit ko pang tumakbo hanggang maabot ko ang kalsada. Magkakasunod na putok ng baril ang narinig ko.

Nagkaroon ako ng pag-asa nang makita ko ang isang kotse. Napangiti ako dahil may dumating na tulong. Pero, bago ko pa maipikit ang mga mata ko...naramdaman ko ang pagbasak ng katawan ko sa kalsada.

“Katapusan ko na ba? Dito na ba ako mamamatay?” napatingin ako sa langit.

Nakita ko ang mukha ni Mr. Snobber at 'yong babaeng kasama niya.

****
“Napakahina na ng apoy sa puso niya pero hindi pa rin siya namamatay. Ibang klase. Hindi ko alam kung maa-amaze ako o maiinis kasi hindi mo pa nakukuha ang inaantay mo. Ano na gagawin mo ngayon, ha Zion?”

“Hindi ko alam.”

“Kunin mo na lang kaya 'yong torch para hindi na natin siya bantayan. Para maka-move-on na tayo at makahanap na ulit ng ibang target.”

“Ba't di mo kaya gawin, idea mo naman 'yan.”

“Pero ikaw ang nakakita sa kanya. Binabantayan mo na nga, e. Unless na lang ayaw mo pa 'yan mamatay.”

“Hindi ako kumukuha ng torch kapag humihinga pa ang tao.”

“Wow! Amabait! Gusto mo ng award? Hahaha.”

Naiirita ako sa mga usapan na naririnig ko habang natutulog ako. Ayaw ko pa naman na may maingay na iistorbo sa pagtulog ko. Sino ba ang mga walang k'wentang 'to. Bakit hinayaan ni yaya na makapasok sa silid ko.

Idinilat ko ang mga mata ko para sawayin sila. Si Mr. Snobber at si cosplayer ang nakita kong nasa paligid.

“Kayo?!” gulat kong tanong sa kanila.

“Kami nga. Ano kumusta ka na?” tanong sa akin ni cosplayer girl na halatang hindi naman nag-aalala.

“Hindi ba ako nananaginip nang makita at makilala ko kayo? Alam kong panaginip lang ang lahat ng 'yon.” pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga pero hirap ako dahil pakiramdam ko ay binugbog ang katawan ko.

Tiningnan ko ang paligid matapos kong maiupo ang sarili ko sa kama. Nakita kong naka-dextrose ako. “Ospital?!”

“Oo. Mula ng makatakas ka at mabangga ng kotse, ilang araw ka ring humihinga pa. Kaya inip na inip kami.” Saad ni cosplayer na halatang bagot na nga.

“So, 'yung mga narinig ko kanina na usapan niyo...totoo 'yon?” tanong ko pa.

“Malamang.” muli niyang sagot.

“P-pero buhay pa ako di ba?” nangingilid ang mga luha ko. Tiningnan ko si Mr. Snobber. “Zion pala ang pangalan mo.” tinaasan niya lang ako ng kilay. Umismid ako at pagkatapos ay binigyan siya ng mapait na ngiti. “Nadismaya ka dahil buhay pa ako ano? Sabi ko sa 'yo...hindi ako papayag.”

Naningkit lang ang mga mata niya. “Doon ka rin naman pupunta. Ako pa rin ang huli mong makikita bago ka tuluyang pumikit.” sagot niya pagkatapos ay bigla na lang siyang naglaho.

“A-anong nilalang ba kayo! Bakit ba ninyo ako ginaganito!” sigaw ko.

“Dapat nga kami ang magtanong sa 'yo niyan. Anong klaseng tao ka! Dapat patay ka na dahil aandap-andap na ang torch sa puso mo pero humihinga ka pa. Tsk!” sagot ni cosplayer girl bago rin siya maglaho.

“Sheree?! Iha?!” biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si yaya. “Sabi ko na nga at ikaw ang narinig kong sumisigaw. Salamat kay madam bertud at ibinalik ka pa niya sa akin. Sa amin ng daddy mo.”

“Yaya, masama ang pakiramdam ko kaya wag muna ngayon. Alam kong pinagpapantasayahan mo si daddy at ipapaalala ko lang sa 'yo, hindi siya papatol sa bakla.”

“Ay, grabe din. Well, by the way. I will call the doctor.”

“Si daddy, kumusta siya? Nasaan siya?”

Napahinto siya sa paglakad at tiningnan ako ng malungkot. “Tatawagin ko ang doktor.”

Napaisip ako. Ano'ng nangyari kay daddy?

*********
Itutuloy...

TorchDove le storie prendono vita. Scoprilo ora