Ikalabintatlong Kabanata

1 0 0
                                    

Title : TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04/05/20Date posted in BP : 04/05/20IKALABINTATLONG KABANATAKashmira's POVNakita ko kung paano ako hanapin ni Zion. Kung paano niya isigaw ang pangalan ko. Gustuhin ko man na puntahan siya pero hindi na p'wede. Siya ang dahilan kung bakit ginusto kong maging torch collector. Para palagi ko siyang makasama. Kagaya nang dati, noong magkasama pa kaming nabubuhay.Pero dahil sa katangahan ko, isang desisyon ang kailangan kong gawin. Kung bakit kasi naisipan ko na dukutin ang torch ng mga ugok na yon kaya heto ako ngayon, kailangan kong magtago sa kaniya.Pero mabuti na rin ang nangyari. Kailangan ko muna siyang iwanan, para matapos ko ang naiwan kong trabaho. Siguro nga, nangyari ito para mabigyan ko muna ng oras ang dapat unahin.Nasa loob ako ng isang kuweba. Nasa harapan ko ang isang katawang walang malay na pinapalutang ng mga nakolekta kong torch. At ito ang nagpapanatili ng buhay sa katawang ito. Ilang sandali na lang ang kailangan kong hintayin, makakabalik na ako.Inilabas ko ang hourglass ko at tiningnan ito. Kaunti na lang ang torch na kailangan ko at mapupuno na ito. Kapag nangyari iyon, makakabalik na ako sa katawan ko. Kahit sandali lang, mabuhay lang akong saglit ay ayos na.Kapag nakabalik na ako magagawa ko na ang matagal ko nang dapat kong ginawa.Kung p'wede ko lang gamitin ang blue torch matagal ko na sana kinuha ang na kay Sheree pero hindi p'wede. Nagagamit lang ang blue torch kapag spirit lang ang gagamit nito at hindi ang nabubuhay na tao, kagaya ko. Pero ang mga ordinaryong torch kahit saan p'wedeng gamitin. Kaya nagtityaga akong mangolekta nito.Habang tinitingnan ko ang katawan kong nakalutang, naisip ko si Drake. Alam kong makakatulong siya sa akin.Umalis ako sa kuweba at hinanap ko siya. Nakita ko siyang nakaupo sa mataas na gusali at pinagmamasdan ang madilim na paligid. Naupo ako malapit sa kaniya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" bungad ko.Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. "Tss. Nandito ka pa? Hindi ka pa sinusundo?" nakakainis ang tanong niya."Kung kagaya ko ikaw o ni Zion, malamang nga nasa Impyerno na ako ngayon, pero hindi pa nila ako susunduin." sagot ko."Bakit? Malakas ka rin sa kanila? Katulad na rin ba kita?""Hindi pa sa ngayon, susundan ko rin ang yapak mo. Siguro kapag, tuluyan na akong namatay." nagkaroon na ng interes ang mga tingin niya sa akin. "Oo Drake, hindi pa ako patay. Comatose lang ang katawan ko. Hindi lang ako makabalik.""Paano—""Nang iwan ko ang katawan ko, napunta ako sa heaven's gate. Ang sabi sa akin, hindi pa raw ako patay. Bumalik daw ako sa katawan ko kasi hindi ko pa oras. Tapos bigla ko na lang nakita ang katawan ko na nasa ospital, nag-aagaw buhay. Pero hindi ako makabalik. Inideklara ng doktor na patay na ako, hindi man lang nila ako ni-revive. Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Sumisigaw ako ng saklolo. Hanggang sa may nagpakita sa akin. Tinulungan niya ako. Dahil walang nag-claim ng katawan ko, wala kasi akong kamag-anak o pamilya. Si Zion lang ang kaibigan ko. Kinuha no'ng spirit na tumulong sa akin ang katawan ko sa morge at dinala sa kuweba. Pinalibutan niya ng mga torch. Yon daw ang bubuhay doon habang hindi pa ako nakakabalik. Tapos ibinigay niya sa akin ang hourglass ang sabi niya, kapag napuno ko ng torch 'yon, makakahiling ako. Isa lamang kahilingan.""Tsk. Pustahan hindi mo hiniling na bumalik sa katawan mo." tama ang inisip ni Drake. "Ano'ng hiniling mo?""Makalimutan ni Zion ang lahat ng alaala niya no'ng nabubuhay pa siya." tinawanan lang ako ni Drake. Oo, nakakatawa nga ang desisyon ko na iyon. Desisyon ng isang hindi nag-iisip. "Mahal ko siya Drake. Siya lang ang meron ako."Tumawa siya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko, "Hahaha pag-ibig." nakita ko sa mga mata niya na hindi siya naniniwala sa pag-ibig. "Ano'ng ginawa mo no'ng nabubuhay ka pa at kailangan mong hilingin na makalimot siya?" tanong niya."Dahil ako ang pumatay sa kaniya." nabigla si Drake sa nalaman niya sa akin.Alam kong gusto niya akong husgahan pero hindi na niya ginawa. "Si Zion, alam mo ba ang gusto niyang hilingin kapag napuno na niya ang hourglass niya?""Oo, ang makaalala. Kaya nga, ginagawa ko ang lahat para hindi yon mapuno. Hindi niya ako dapat maunahan. Kailangan kong makabalik sa katawan ko, Drake.""Iniisip mo bang ako ang siyang makakatulong sa 'yo?" tumango ako sa tanong niya. "Sige nga, paano?""Wala na akong oras, hindi naman Gano'n kadami ang namamatay na tao para makuha ko ang mga kailangan kong torch. Sa dami ng mga torch collector, hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila.""Inuutusan mo ba ako na kumuha ng mga torch na kailangan mo?" tumango ulit ako sa tanong niya. Pero tumawa lang siya."Ibigay mo na lang sa akin ang torch na nakolekta mo." saad ko. Ipinakita niya sa akin ang singsing na nakasuot sa daliri niya. "Ano yan?""Wala na akong balak na mangolekta ng Torch. Aanhin ko pa yun kung mayroon na akong makukuhang unlimited torch? Kahit anong oras ko gustuhin na kumuha magagawa ko nang walang kahirap hirap. Blue torch pa. Wala naman ako mapapala sa 'yo. Bakit ako makikipagkasundo? Ang sabi mo nga, hindi ka patay? Aanhin naman kita? Saka, may kapalit na hihingin ang tumulong sa' yo. Maniningil yon." kita ko sa mata niya na hindi nga siya interesado sa mga sinabi ko."Kay Sheree yan di ba?" tinutukoy ko ang singsing na suot niya.Tumawa lang ulit siya. "Wag mo na ako iblackmail, kahit malaman pa niya ang mga sinabi ko, wala na siya magagawa. Hindi na mabubura ang kasunduan namin. Hindi niya mahuhubad ang singsing. Walang saysay ang mga salita mo kumpara sa mga salita ko. Kung ako sa 'yo, mag-isip ka na lang ng ibang ikatutuwa ko."Nagngingitngit ako sa galit, masyado siyang tuso at matalino. Wala na akong ibang maisip na pwede ko pang ialok sa kaniya."Ako na lang. Ako na lang Drake. Kahit alipinin mo na lang ako.""Seryoso?" tumango ako sa tanong niya. "Tsk. Haist. Ang sarap ng pamamahinga ko rito para lang abalahin ng isang alanganing multo at alanganing tao." iniabot niya ang hourglass niya. Pero iniatras niya ito bago ko pa mahawakan, "Saka ko na iisipin ang kapalit" sabi niya bago tuluyang iniabot ang hourglass na halos puno ng laman.Sa wakas, makakabalik na ako.Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Drake hanggang sa kuweba. "Ano'ng ginagawa mo dito?""Manonood? Baka mas maaliw ako rito kaysa manood ng mga ilaw ng mga sasakyan at mga gusali sa itaas ng building." nilapitan niya ang katawan kong nakalutang. "Wow. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko."Pinakawalan ko na ang mga torch sa palibot ng katawan ko. Pagkatapos ay itinapat ko ang kamay ko sa bandang dibdib ng katawan ko at pumikit. Kailangan kong maramdaman na nagkakaisa ang spirit at katawan ko.Unti-unti Kong naramdaman na hinihigop ako ng katawan ko. Hinayaan ko lang hanggang sa naramdaman ko na parang kakaiba na. Mabigat na ang pakiramdam ko. Gusto kong dumilat pero kahit ang mata ko ay mabigat.Hanggang sa maramdaman kong parang may kuryenteng tumama sa akin. Humigop ako ng hangin.Hangin?Habol ko ang bawat paghinga ko.Dumilat ako.Kinapa ko ang sarili ko. Nararamdaman ko na."Nakabalik na ako." may tumutulo na ring luha mula sa mga mata ko."Oo nga, congratulations." naring ko ang boses ni Drake."Nakikita rin kita?" tanong ko."Hindi ka bulag. O, ngayon ano na gagawin mo?" tanong niya."Mayroon lang akong kailangang buhayin.""Ha?!""Saka na ako magpapaliwanag sa 'yo. Dalahin mo ako sa ospital.""Tsk! Ang usapan ikaw ang alipin ko, parang baliktad na yata?""Wag ka na munang umangal ngayon. Last na ito, please?"Sinamaan niya ako ng tingin. Pero sa huli, dinala niya rin ako.***************Itutuloy...

TorchWhere stories live. Discover now