Ikalimang Kabanata

8 2 0
                                    

Muli na naman nating sulatan at kulayan ang,

Blangkong Pahina.

Title : Torch
Written by : Lyeoh Norah
Written Date: 03/23/20
Date Posted Fb page: 03/23/20 in Blangkong Pahina
Date posted in wattpad : 04/13/20

Ikalimang Kabanata

“Sheree!” Nasa kuwarto na ako pero naririnig ko pa ang matinis na sigaw ni yaya. Kanina pa niya ako hinahanap. “Nandito ka lang pala.” nag-aalala niyang sabi.

Lumapit siya sa akin. Umupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Nagtalukbong ako ng kumot. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya. Ayaw ko ng kahit anong sermon o payo. Hindi naman makakatulong ang mga 'yon sa akin ngayon.

“Natakot ka ba? Bigla ka na lang umalis kanina matapos ang nangyari sa labas. Natrauma ka. Sasabihin ko sa daddy mo na Kailangan mo ng doktor para maging okay ka na. Alam Kong hindi biro ang mga pinagdaanan mo, lalo pa't nakidnap ka. Sheree, iha. Nandito ako. Dapat sinasabi mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo.”

Hindi ko siya kinikibo. Panay tulo lang ng luha ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang mga nakikita at nararanasan ko. Alam Kong hindi siya maniniwala. Iisipin niyang nababaliw lang ako. Sino ang maniniwalang nakakakita ako ng nilalang na pumapatay ng tao? Nilalang na hindi nakikita ng iba?

“Com'mon iha. Tell me what's your problem. Aside from your dad, I am here. You can trust me. Inalagaan kita mula nang isilang ka. Mas naging nanay mo ako kaysa sa mommy mo. Alam Kong may diramdam ka. 'Wag mong sarilinin 'yan kundi, lalabas 'yan na mabaho. Sige ka.”

“Ya, gusto ko muna mapag-isa. Kahit ngayon lang. Saka 'wag mo na sabihin kay daddy. Magiging okay din ako. Kagagaling lang din niya sa ospital. Baka mamaya bumalik uli 'yon do'n.” sagot ko.

“Okay. Hahayaan muna kita ngayon, pero bukas, mag-usap uli tayo ahh.” naramdaman ko nang tumayo na siya. Narinig ko ring humakbang na siya palayo.  “Sigurado ka bang gusto mong mapag-isa? Ayaw mong mapagdal'wa?” habol pa niya.

“Yaya...'wag muna ngayon please.”

“Ah,okay. I just want to make it clear. Sige. Bukas na lang.”

Nang marinig ko na isinarado na niya ang pinto saka ako nag-alis ng kumot. Malaki ang kuwarto ko pero para ako nitong sinasakal sa hindi ko maipaliwang na dahilan. Pumikit na lang ako at pilit na pinatulog ang sarili.

......

Parang mababaw lang ang tulog ko dahil naramdaman kong parang may umaakyat sa kama ko. Tila gumagapang itong palapit sa akin. Pilit kong idinidilat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Inisip kong baka panaginip lang ito. Pinilit kong igalaw ang daliri ko sa kamay o sa paa para magising ako pero hindi ko magawa. Parang napakabigat ng katawan ko. Nararamdaman ko siyang lumalapit sa akin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay ko. Gusto kong sumigaw. Tawagin si yaya o daddy. Kahit sino na baka may malapit lang sa kuwarto ko, pero hindi ko magawa. Gusto kong umiyak. Pero iyon ay wala akong lakas na gawin.

Unti-unti kong nararamdaman ang init. Parang apoy na gumagapang sa katawan ko. Sinusuyod ang bawat parte ng aking katawan. Hanggang sa huminto ito sa tapat ng aking dibdib. Naramdaman ko ang tila kuko nitong matutulis na nakaambang dukutin ang puso ko.

Sino siya?

Ano'ng nilalang siya?

Wala akong lakas para labanan siya. Para akong kandila na unti-unting nauupos.

“Yaya...”

“Daddy...”

Pagtawag na sa isip ko lang kayang gawin.

Ayaw ko pang mamatay. 'Wag muna ngayon. Hindi pa ako handa.

“Z-zion!” hindi ko alam pero, tanging siya lang ang nasa isip ko na p'wedeng tumulong sa akin. O baka maaaring, “wag muna ngayon Zion.' Wag mo muna kunin ang buhay ko. Hindi pa ako handang iwan si daddy. Hindi ko kaya.” inisip kong baka siya ito, dahil alam kong siya lang naman ang naghihintay sa kamatayan ko.

Bigla na lang lumakas ang hangin na para bang may kung anong humampas sa kama ko. Umangat ang katawan ko dahil sa lakas ng hampas nito. Saka ko naidilat ang mga mata ko.

Nakita ko si Zion, galit na galit ang kaniyang mata niya. Nagliliyab ang hawak niyang gitara. “Wala kang karapatang kunin ang hindi iyo.” matigas niyang sabi.

Tiningnan ko ang kausap niya. Isang nilalang na kulay itim. Hindi ko makita ang kaniyang mukha.  Mas maitim pa siya sa anino. “Tsk! Walang nagmamay-ari sa kahit na sino. Kukunin ko ang alinmang gusto ko.”

“Pfft, tingnan natin kung kaya mo.” pinutol ni Zion ang isang kwerdas ng kaniyang gitara. Iyon ang ginawa niyang latigo para sa kalaban. “Tikman mo ang pait ng aking musika!”

Mabilis akong nagtago sa malaking kabinet malapit sa aking kinaroroonan. Nangangatog akong sumuksok sa kasuluk-sulukan nito. Niyakap ko ang aking sarili.

Wala akong maintindihan.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Bakit ba nila ako gustong kunin?

Takot na takot ako habang naririnig ko paglalaban nila. Parang ginigiba nila ang buong kuwarto ko.

Ilang sandali pa'y pumayapa na ang lahat. Hindi ko alam kung sino ang nanalo. Isa lang ang alam ko, natatakot akong lumabas.

Hanggang sa narinig ko ang pagtugtog ni Zion ng gitara. Sa ngayon, hindi ito sintunado. Pumayapa ang puso ko.

“Lumabas ka na.” dinig kong sabi niya.

“Ayaw ko. Papatayin mo rin ako.” sagot ko.

“Sige, pumili ka ng papatay sa 'yo, ako o 'yang nandyan sa loob kasama mo?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kumaripas ako nang paglabas mula sa kabinet. Napaluhod ako sa harapan niya habang hinahabol ko ang aking hininga.

“Kaya pala may sumusugod na sa 'yo, ilang segundo na lang ang buhay mo.” nabingi ako sa sinabi niya.

Hindi magawang tanggapin ng sistema ko. Tumingin ako sa kaniya. Lumuhod siya para pantayan ang lebel ko. “Kung nahuli pala ako, iba ang makikinabang sa 'yo.” nakaamba ang kamay niya sa dibdib ko.

“Wala ka bang awa? Sadyang papatayin mo ako? Bakit iniligtas mo pa ako!” galit kong sigaw sa kaniya.

“Hindi kita iniligtas. Prinotektahan ko lang ang pag-aari ko.”

“Kahit kailan, hindi ako naging pagmamay-ari ng kahit sino!”

“Bawat pagsalita mo, bumibilis ang kamatayan mo. Uubusin mo ba ang natitirang segundo mo sa pakikipagtalo?” Inilbas niya ang hourglass.

'Yon din ang ginamit niya no'ng nabaril ang babae.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Wala na akong lakas. Kahit ang huminga hindi ko na yata magawa.

Dito na ba ako magtatapos?

Wala pa akong nagagawang tama sa buhay ko.

Hindi pa ako naging mabuting anak.

Ayaw ko pang iwan si daddy.

“Hindi ako papayag!” Nilaan ko ang huling lakas ko sa paghablot sa hourglass.

“P-paano mong nahawakan 'yan?” Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at pagkabigla.

Binalot ng liwanag ang paligid. Wala na akong makita. Wala na akong marinig. Wala na akong lakas. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

The end na ba? 😂
Itutuloy pa?

Comment na. ⬇ ⬇ ⬇ ⬇ ⬇

TorchKde žijí příběhy. Začni objevovat