Ikalabindalawang kabanata

1 0 0
                                    

Muli, isulat natin ang buhay ni Sheree sa,Blangkong Pahina.Title:TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04/05/20Date posted in BP : 04/05/20IKALABINDALAWANG KABANATASheree's POV"Bakit mo ako tinulungan?" nag-umpisa na akong magtanong sa kaniya dahil nakakapagtataka na ang lahat. Alam kong may kapalit ang pagtulong niya sa akin."Kung hindi ako, sino ang aasahan mo? Si Zion? Kung hindi ako dumating baka may iba pang susugod doon para kunin ang Torch mo." sagot niya."Wow. How convincing! Sa 'yo talaga nanggaling? Di ba isa ka rin sa mga tinutukoy mo na gustong kunin ang torch na' to? Saka, may tiwala ako sa kaniya. Alam kong hindi niya ako pababayaan." sagot ko sa kaniya."Oo, hindi ka nga pababayaan pero hanggang kailan?" napaisip ako sa sinabi niya."Ano'ng ibig mong sabihin?""Kapag namatay ang isang tao, napupunta siya sa heaven's gate at makakausap niya roon ang naka-assign na magtanong kung handa na ba siya na harapin ang bago niyang buhay. Kung hindi pa, bibigyan siya ng chance para bumalik dito bilang isang torch collector, para sa isang kahilingan. Depende na kung ano ang hihilingin ng taong yon. Kapag nagawa na niya, susunduin na siya ng mga angels. At si Zion, iiwan ka rin niya kapag natapos na niya ang kailangan niyang gawin. Pero ikaw, maiiwan ka rito. Aalis siya sa ayaw niya at sa gusto dahil yon ang nakatakda. Sinong maiiwan sa 'yo? Lalo pa't rechargeable Torch ka? Kahit paulit - ulit pang kunin ang torch mo hangga't hindi pa namamatay ang katawan mo mananatili kang buhay. Paulit-ulit. Nakakapagod yon. Di ba?" nakakainis ang sagot niya.Napaisip tuloy ako sa mga sinabi niya. Kung totoo nga 'yon, tama nga siya na mabubuhay ako para lang pakinabangan ng iba. At hangga't hindi ako namamatay, para lang akong isang puno na tuwing may bunga ay pipitasin nila kapag hinog na."Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito? May kinalaman ba ito sa pagliligtas mo sa akin? Maliban do'n, ano pa ang kailangan mo? Iniisip mo bang, hingin ko ang serbisyo mo para bantayan ako? Gano'n ba?" puro tanong ang ipinukol ko sa kaniya, ramdam kong may pagkatuso siya. Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Kaya, ang katulad niyang nangunguha ng torch ay galit din sa tulad niya. "Balak mo bang solohin ang torch na nasa akin kaya gusto mo akong bantayan para wala ni isang makasalisi sa 'yo?" dugtong ko pa."Kailangan natin ang isa't isa, Sheree." napataas ako ng kilay sa sagot niya."Talaga? Paano naman?" binigyan ko siya ng ekspresyong hindi naniniwala.Inilabas niya ang hourglass at kumuha ng isang torch. Naging tila hologram screen ito at ipinapakita nito sa akin ang isang batang nasa lima o anim na taong gulang na nasa bahay-ampunan. "Kapatid ko siya." umpisa niya. Mula sa screen na 'yon napanood ko ang kwento ng buhay niya—nila. "Siya na lang ang nag-iisang buhay sa amin.""Ano naman ang magagawa ko sa kaniya? At ano naman ang gusto mong ipagawa sa akin kapalit ng kung sakali mang gustuhin ko na maging bantay kita?""Handa akong bantayan ka, gagawin ko 'yon, bantayan mo rin ang kapatid ko."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Hindi ko maintindihan. Di ba, kaya mo naman siyang bantayan?""Si Cauli, kailangan niya ng tao, literal na tao na gagabay sa kanya. Masyadong traumatic ang mga nangyari. Hindi niya makukuha sa ampunan ang pagmamahal at kalinga na kailangan niya. At hindi ko rin yon maibibigay. Kapag mananatili siya roon, baka lumaki siyang may galit sa puso. Ginawa ko na ang paghihiganti. Ang gusto ko lang, lumaki siyang mabuting tao. Kaya, makikipagkasundo ka ba sa akin?" nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya. Naramdaman ko na totoo ang mga sinabi niya."Pag-iisipan ko."Tumango siya sa sagot ko.Ilang sandali pa'y narinig ko si daddy na isinisigaw ang pangalan ko. Tumakbo ako at hinanap ko kung nasaan siya. Nakita ko siyang nanlulumo sa harap ng TV. Pinapanood niya ang balita tungkol sa nangyari sa mga bodyguards ko."Daddy!" Tinakbo ko siya at agad na niyakap. "Daddy, I'm fine. Nandito ako, dad. Ligtas po ako."Nagtataka si daddy nang makita ako. Panay ang haplos niya sa buhok ko habang tumutulo ang mga luha. "Paanong nangyari?""Di ba po, no'ng tumawag ka, ang sabi ko malapit na ako? Lumipat po ako sa taxi dad. Natatakot kasi ako na baka may masamang mangyari. Nauna po akong nakauwi." paliwanag ko. Yan na lang ang naisip kong dahilan na paniniwalaan niya."Thanks God. Hindi pa niya binabawi ang Guardian Angel mo, anak." niyakap ako ni Daddy nang mahigpit.Guardian Angel?Napatingin ako kay maangas, Drake nga pala ang pangalan niya ayon sa napanood ko kanina. Nginitian ko siya.Siguro nga ay tama si daddy. Pero, hindi mukhang anghel si Drake.~~~~~~~~~~~~Nasa terrace ako at umiinom ng wine."Drake," tawag ko sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid at pinaglalaruan ang bote ng wine. Nag-aala bar tender. Huminto siya at tumingin sa akin. "Ang sabi mo, kapag nakahiling na si Zion, aalis na siya. Ikaw ba? Wala ka bang balak humiling? Ayaw mong umalis dito?""Tapos na akong humiling." nabigla ako sa sinabi niya."Ha?! Eh, bakit nandito ka pa?""Yon ang hiniling ko, ang manatili lang dito...para kay Cauli." nakaramdam ako ng lungkot para sa kaniya. "At ngayon, para na rin sa 'yo.""Paano yon? Forever ka na nandito?""Hindi ko alam. Hindi tayo ang nagdidikta ng lahat. Alam naman nating ang lahat ay may katapusan." Tumango ako sa mga sinabi niya.Naisip kong mas may sense siya kausap kaysa kay Zion.Speaking of Zion, lagi siyang wala. Ni hindi ko alam kung babalik pa siya. Kung babalikan pa niya ako o wala na ba siya. Maliban pa doon, wala akong alam tungkol sa kaniya. Wala siyang ikinukwento sa akin tungkol sa buhay niya. Kung sino siya? Kung ano ang hihilingin niya kapag napuno na ang hourglass niya.Sasabihin niya ba sa akin kung aalis na siya? Para naman kasing wala akong halaga sa kaniya.Tiningnan kong muli si Drake. "Payag na ako." Tiningnan niya ako na may matang nagtatanong. "Payag na ako sa kasunduan. Bantayan mo ako, at aalagaan ko si Cauli." sabi ko.Napatayo siya sa sinabi ko, "Seryoso ka?""Ang totoo, hindi pa ako lubos na nagtitiwala sa 'yo. Sa ngayon, sapat na ito. Kapag hindi ka na tumupad, puputulin ko na rin ang ugnayan ko kay Cauli." isang tusong sagot din ang ibibigay ko sa kaniya.Nagpakawala siya ng mapait na ngiti. "Gusto ko yan, usapang tuso." inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Deal?"Inabot ko ang kamay niya, pero hindi ko siya nginitian kagaya ng ginawa niya. "Deal." Pagkaalis ng kamay niya, bigla na lang akong may suot na gintong singsing sa daliri ko."Ano ito?" nagtataka kong tanong."Wala lang yan. Para lang alam ko ang nangyayari sa 'yo. Para kahit saan man ako o ikaw mapunta, asahan mong magliliwanag ang singsing sa oras na kailangan mo ako. At pangako, kahit ano pa ang ginagawa ko ikaw ang uunahin ko." ipinakita niya sa akin ang daliri niyang may suot din na singsing tulad ng sa akin.Kinakabahan ako pero, sa ngayon, ito ang usapang may kasiguruhan. Ramdam ko.~~~~~~~~~~Itutuloy...

TorchWhere stories live. Discover now