Ikawalong Kabanata

12 3 0
                                    

Halina't muli nating tuklasin ang hiwaga ng,

Blangkong Pahina.

Title: Torch
Written by : Lyeoh Norah
Written Date : 03/27/20
Date Posted : 03/27/20 in Blangkong Pahina (page)
Date posted in Wattpad :04/23/20

Ikawalong Kabanata

Zion's POV

Nakasandal ako sa puno ng niyog sa dalampasigan. Pinagmamasdan ko ang payapang alon ng dagat.

“Oy!” napatingin ako sa biglang gumulat sa akin. Si Kashmira, bigla na naman siyang sumulpot. “Yun na 'yon?” inis niyang tanong.

“Ang alin?” sagot ko.

“Yong reaksiyon mo sa panggugulat ko.”

“Tss. Gulat pala' yon.” pang-iinis ko pa lalo.

“Haist, de bale na nga. Nga pala, ano'ng nakain mo?”

Naningkit ako mata ko sa tanong niya. Alam niyang matagal na akong patay pero tinanong niya pa kung ano ang kinain ko? “Lumanghap ka ng ipinagbabawal? Saan ko naman ilalagay ang pagkain?” sarkastiko kong tanong.

“Hahaha, ang ibig kong sabihin, ano ang tumakbo sa isip mo at bakit bigla kang pumayag na bantayan ang babaeng kinaiinisan mo?” tanong niya.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Matapos niya akong kausapin no'ng gabing 'yon, nag-isip ako. Inisip ko na baka totohanin nga niya ang sinabi niyang makikipagkasundo siya sa isang demonyo para lang sa kaligtasan niya. Kapag nagkataon, hindi ko makukuha ang torch. “Hindi ko rin alam.” sagot ko kay Kashmira.  Tumayo ako at naglakad palayo sa kaniya.

“Saan ka pupunta? Nag-uusap pa tayo ah! Bastos mo!” sigaw ni Kashmira sa akin. Hindi ko na lang pinansin.

Pinuntahan ko si Sheree na mukhang nag-eenjoy sa pagbibilad niya. Pagkalapit ko agad kong sinipa nang bahagya ang paa niya. “Ano ba? Wag kang istorbo dyan! Nagpapa-tan ako. Magliwaliw ka muna.” angal niya. Ibang klase rin ang babaeng ito. Nag-i-improve ang kakayahan niya. Ngayon, nararamdaman na niya ang ginagawa ko sa kaniya.

“Hanggang Kailan ka ba magbibilad? Kaya kong sunugin ang balat mo para mapabilis. Gaano ba kaitim ang gusto mo?” tanong ko. Bumalikwas siya at humarap sa akin. Nakataas ang kilay at mukhang manlalapa ang itsura.

“Ano ba ang problema mo? Kadarating lang natin dito sa beach tapos mag-iinarte ka na agad? Kung naiinip ka, languyin mo muna ang dagat. Pag nakarating ka na sa kabilang pampang bumalik ka ulit baka pagbalik mo, tapos na ako. Kuha mo?” inis niyang sagot.

“Tss, ang sabi mo sa akin, ihahanda mo lang ang sarili mo. Mahigit isang buwan na. Di ka pa handa? Gaano ba katagal ang paghahanda mo?” ginantihan ko siya ng matalim na tingin.

Tumayo siya at tinapatan ako. “Ikaw. Kung gaano kagwapo ang mukha mo, ganyan kagaspang ang ugali mo! Palibhasa, matagal ka ng patay, kaya hindi mo na alam ang pakikiramdam ng mamamatay pa lang at kung paano mo ito tatanggapin! Kung hindi ka na makapaghintay talaga, oh, eto!” inilapit pa niya sa akin ang dibdib niya at iniaamba ito sa akin. “kunin mo! Kunin mo na para matahimik ka!”  sigaw niya.

Sa sobrang inis ko sa kaniya, pinalakas ko ang hangin na ikinatumba niya. “Ah gan'on! Sinusubukan mo ako ah! Sige, maiwan ka dito mag-isa! At kung may lumusob man sa 'yo, bahala ka sa buhay mo!” pagkasabi ko no'n iiwanan ko na siya.

....................

Sheree's POV

Bwisit na multo 'yon! Pang-asar talaga! Ngayon na nga lang ako lumabas nang bahay, nag-iinarte pa! Di makapaghintay. Atat na atat.

TorchWhere stories live. Discover now