Ikasiyam Na Kabanata

12 3 0
                                    

Guys, paalala lang po. Wag po tayong mag copy/paste ahh. Share nyo na lang po. Salamat sa mga nagbabasa. 😊 para laging updated, pa-like po ng page salamat. Salamat po sa mga nagko-comment. Sa mga nagrereact. Sa mga nagmimessage po sa inbox😊 di po ako makapagreply sa mga comments nyo pero nababasa ko. Salamat 😊

Happy reading.

Ang kuwento ng buhay ni Sheree ay nasa,

Blangkong Pahina.

Title: Torch
Written by: Lyeoh Norah
Written Date : 03/29/20
Date Posted in Blangkong Pahina : 03/29/20
Date posted in Wattpad :

Ikasiyam na Kabanata
(hindi ko na ito na-proof read. Sorry na po agad sa mga mali😊)

Zion's POV

“Zion!” paalis na ako nang tawagin ako ni Kashmira. Lumingon muna ako sa kaniya. “Saan ka pupunta? Susundan mo siya? Tapos ano? Nakita mo ba ang ginawa niya! Alam mo ba kung sino na ang kinakampihan niya! Gusto mo bang ipahamak ang sarili mo?” galit siya. Naintindihan ko naman dahil sa sobrang pag-aalala niya.

Pero galit din ako. Kinuha niya ang torch na kailangan ko! “Wag kang mag-alala. Titiyakin kong hindi ako mapapahamak.” Nagsasalita pa siya pero hindi ko na pinakinggan. Umalis na ako at sinundan ko si Drake.

Nakita ko siyang pinasok ang isang magarang mansion. Sinundan ko siya. Nagkubli lang ako para hindi niya mapansin ang pagpunta ko. Tiningnan ko kung ano ang pakay niya sa bahay na ito.

Pinalakas niya nang bahagya ang ihip ng hangin. Sapat lang para maramdaman ng tao na tila ba may kung ano sa paligid.

“Naramdaman mo ba 'yon, Julio?” tanong ng isang matandang babae na nakaupo sa tumba-tumba sa isang matandang lalaki na nagkakape sa veranda.

“Hindi. Tumahimik ka na nga lang. Kung anu-ano ang sinasabi mo.” tugon ng matandang lalaki.

“Hmm, palibhasa manhid ka. Wala kang pakiramdam.” inugoy ng matandang babae ang tumba tumba at nagrelaks na lang.

“Tss. Wala pala huh!” inis na saad ni Drake.  Kasunod ng pagsalita niya, magkakasunod niyang binasag ang mga gamit sa loob ng bahay. Walang itinira kahit maliit. Ginawa niya sa isang iglap lang gamit ang kapangyarihan niya. “Ngayon, ramdam mo na ba tanda!” galit niyang sigaw.

Napaluhod ang dalawang matanda sa nangyari. Katulad ko, gulat na gulat din sila. Matapang ang matandang lalaki. Naglakad-lakad siya at hinanap ang may kagagawan. “Sino ka! Magpakita ka duwag!” galit niyang sigaw.

Sumenyas si Drake sa kasama niyang halimaw. Lalong pumula ang mga mata nito. Unti-unti itong nagkaroon ng anino na makikita na ng tao.

Unti-unti na itong nakikita ng matandang lalali. “H-halimaw?! Saan ka galing? B-bakit ka nandito? A-ano'ng kailangan mo sa amin?” nauutal ang pagsasalita ng matanda. Tumayo siya at matapang na hinarap ang halimaw.

“Julio! Sino ba ang kausap mo? Ano ba ang nangyari?” tanong ng matandang babae habang lumalapit siya sa lalaki. “Diyos ko po!” Nang makita niya ang halimaw nanikip ang dibdib niya at unti-unting bumagsak sa sahig.

“Miranda!” sigaw ng matandang lalaki. Niyakap niya ang babae. Nakita kong tumulo ang kaniyang mga luha. “Asawa ko.” Iniwan niya ang babae at muling hinarap ang halimaw. “Kunin mo na rin ako! Wala nang saysay ang buhay ko!” matapang niyang sabi.

“Tsk! Kung ganito lang pala kadali, sana no'ng buhay pa ako ay ginawa ko na!” anang Drake.

Narinig ng matanda ang pagsasalita ni Drake. “M-multo?” takot ang bumalot sa matandang lalaki nang makita si Drake.

TorchWhere stories live. Discover now