Chapter One

38.1K 1K 311
                                    

Kyla Marigold Endrano

Maybe I was really born to be unfortunate my whole life. Maybe being happy wasn't for someone like me.

"Ate..."

Natigilan ako sa pagpunas sa braso ni Kobe nang tawagin niya ako. I just smiled at him and held his hand. He smiled at me too... as if he wasn't hurting, as if he wasn't suffering.

"Hmm? May kailangan ka ba? May gusto ka ba?" tanong ko saka hinaplos ang kamay niya.

He shook his head, he remained smiling at me. "Tulog ka muna, ate. Kagabi ka pa nakabantay sa'kin. Okay na ako."

Umiling ako. "Hindi naman ako pagod. Okay lang ako. Ang mahalaga, magpalakas ka lang. Hmm?"

Kobe and I grew up having an abusive father. Pumanaw ang ina namin simula pa lang ng ipanganak si Kobe, kaya si Papa na lang ang nagpalaki sa'min. Pero wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-inom... at pagbuhatan kami ng kamay sa tuwing malalasing siya.

I was 20 years old and Kobe was just 15 when we left the house. We were both young when we escaped from our abusive father... with bruises all over our young bodies.

I started working my ass off at an early age. I applied to a scholarship program, and luckily, I passed and became a registered dentist at the age of 28. Napagtapos ko rin sa pag-aaral si Kobe at naging ganap siyang accountant.

I was 30, and Kobe was 25... He was planning to apply at law school to become a lawyer. Marami na rin kaming ipon kaya naman suportado ko siya sa gusto niyang gawin. Maayos naman ang kita ko sa dental clinic na pinagtatrabahuhan ko at plano ko rin magpatayo ng sarili ko kapag nakapagtapos na si Kobe sa law school.

Pero saglit lang pala kami pinagbigyan nang maayos na buhay. Sa kabila ng ilang taon na paghihirap at pagsasakripisyo naming magkapatid... binigyan na naman kami ng unos sa buhay namin.

Kobe was diagnosed with leukemia last year. I was so devastated at that time. I cried for hours. Kobe hugged and comforted me even though he was the one suffering the most.

"A-ate... Sorry. S-sorry kasi nagkasakit ako. Mahihirapan na naman tayo. S-sorry, ate..." he apologized as he cried.

I hugged him and shook my head. "Hindi... Hindi mo kailangan mag-sorry, Kobe. Hindi mo 'to ginusto... 'Wag kang mag-alala. Ipapagamot kita. Kahit anong mangyari... gagaling ka. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka."

Maliban sa pagtatrabaho sa dental clinic sa umaga, nagtatrabaho rin ako sa bar at club kapag gabi. Hindi alam ni Kobe ang tungkol doon at wala rin akong balak sabihin. Mas lalo siyang makokonsensya. Ayokong isipin niya na pabigat siya sa'kin.

Kahit ano, handa akong lunukin para gumaling ang kapatid ko.

Siya na lang ang meron ako. Si Kobe na lang ang natitirang pamilya ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa'kin. Hindi ko na magagawang magpatuloy.

Oo, mahirap. Sobrang hirap. Ilang beses na akong napatanong sa sarili ko kung bakit ko pinagdadaanan ang lahat ng 'to... Bakit kung kailan masaya na kaming magkapatid, bigla pang nangyari ang ganito.

Halos lahat ng naipundar naming gamit, ibinenta ko na. Pati ang bahay na nabili namin three years ago, ibinenta ko na rin. Sa maliit na paupahan ako nakatira ngayon. Hindi biro ang perang kailangan sa chemotherapy at mga gamot ni Kobe. Halos wala ng kaso sa akin kahit araw-araw akong mag-ulam ng itlog o de-lata, makaipon lang ng pera.

Kobe doesn't know about that. I have no plans on telling him. He doesn't need to know what I'm going through right now. Ang gusto ko lang... gumaling siya. Gagawin ko ang lahat... kahit ano. Wala na 'kong pakialam sa sarili ko... Basta gumaling lang si Kobe.

Boundless Worth (SERIE FEROCI 14)Where stories live. Discover now