Chapter Sixteen

27.7K 812 265
                                    

My whole body was shaking due to unknown emotions I couldn't name. I was nervous... I was scared... But at the same time, there's a lingering feeling that I don't want to admit to myself.

I have no time for that. Nandito ako para sa mga anak ko... Gusto kong makabawi sa kanila... kahit saglit lang.

"Z-Zevero..."

"What are you doing here?" mariin pang tanong niya.

I played with my fingers out of nervousness. I gulped and bit my lower lip hard... I bet I look horrible right now. Ni hindi ako nakapag-ayos... baka isipin niya na nagpapaawa ako sa kaniya.

"C-can I talk to you about something?" I stuttered.

"We have nothing else to talk about the moment you left for money... Now fucking leave before I have you dragged out of this place."

Napalunok ako nang lagpasan lang ako nito. Akmang papasok na siya sa loob pero agad akong humawak sa damit niya. Alam kong wala na sa lugar ang ginagawa ko. Tama naman ang sinabi niya. Wala na rin naman talaga kaming dapat pag-usapan pa dahil pinili ko ang pera.

"Z-Zevero... G-gusto kong makabawi sa mga anak ko... S-sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Saglit lang... k-kahit ilang araw lang." 

He faced me. He roughly removed my grip on his shirt and glared at me... his jaw clenched as if he's restraining himself from pushing me away.

"Why are you doing this, huh? Wala ka nang pera? Inubos mo na ang binayad ko sa'yo?" tanong niya.

"I-I'm not here for money..."

He smiled bitterly and put his hands in his pocket. "Damn... your hypocrisy is pissing me off."

I bit my lower lip hard. I did my best to restrain myself from crying... Ayokong isipin niya lalong nagpapaawa lang ako. Kailangan kong tatagan ang loob ko. Alam ko naman noong una pa lang na hindi ito magiging madali.

"Z-Zevero... please." 

Humawak siya sa palapulsuhan ko saka hinila ako palapit sa kaniya. Kitang kita ko ang matinding galit sa mga mata niya.

"Have you got no shame, Kyla? I can't believe you can be this desperate and shameless..."

Masakit ang mga salitang ibinabato niya sa akin... pero kailangan kong lunukin lahat. Lahat iyon tatanggapin ko.

"Zevero... nakikiusap ako sa'yo. K-kahit saglit---"

"I don't have even a little respect for you as my children's mother... No, you're not their mother, Kyla. If you think you can still leech off of me using my children, you're fucking wrong."

Marahas niyang binitiwan ang pagkakahawak sa akin na para bang nandidiri siya. Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos no'n at agad na pumasok sa loob.

I took a deep breath as tears started escaping from my eyes as soon as he left me here. I know this would never be easy anyway... I know I'm desperate and shameless... but I don't want to end my life without doing anything for my children. I lost my will to live ever since Kobe died... the only thing that motivates me to continue is my children.

Kahit na sa maliit na paraan... gusto kong makabawi man lang sa mga anak ko

* * *

"Masakit man tanggapin, sis. Pero wala ka talagang laban. Maayos ang nakalagay sa kontrata niyo na wala kang karapatan sa bata sa oras na manganak ka... Isa pa, si Zevero Montalvo iyon. Talagang gagawin niya ang lahat para hindi mo mahawakan man lang ang mga bata."

Mabigat sa loob ko ang mga sinasabi ni Ica, pero alam kong tama siya... Wala naman talaga akong laban, simula pa lang.

"S-susubukan ko ulit kumbinsihin si Zevero... H-hindi ako titigil... pagbigyan niya lang ako."

Boundless Worth (SERIE FEROCI 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon