Chapter Nine

25.7K 726 95
                                    

I was silent the whole time. I was just staring at the floor. I couldn't even talk to Draxon... Masyadong marami ang tumatakbo sa isip ko. Nag-aalala ako para kay Zevero.

Napatingin ako kay Draxon na abala sa pagpapa-ikot ng susi ng kotse sa daliri niya. Ngumiti lang siya sa akin na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari... Kaibigan ba talaga siya ni Zevero?

"B-baka may mangyaring masama kay Zevero," nag-aalalang sabi ko.

"Pft!" Nagpigil siya ng tawa, bago tuluyang napahagalpak ng tawa. "Si Zevero? Sus..." tila natatawa pang sabi niya.

"W-what if Mr. Sanoza has back-up men with him or something? Paano kung hindi makalaban si Zevero sa mga 'yon?" I asked, worried.

Draxon just laughed at me and shook his head. "Honestly... You don't have to worry about Zevero."

"P-paano kung makasuhan siya sa ginawa niya?" nag-aalalang tanong ko pa.

"No one will know, pretty miss... Well, maliban na lang kung magsusumbong ka sa mga pulis." Humalakhak pa si Draxon na para bang natatawa lang siya sa sitwasyon habang ako nagpa-panic na rito.

I sighed and stroked my hair. I feel so tired and drained after what happened. Madalas ko talagang maranasan ang ganoon noong nagtatrabaho pa ako sa bar, pero nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung hindi dumating sina Zevero.

"You're Kyla, right?" biglang tanong ni Draxon.

I just gave him a faint smile and nodded.

"You're the one he hired to bear his child, right?" tanong pa niya.

Halos masamid ako. "D-did he tell you that?" tanong ko. "H-hindi ko alam na siya ang tipo ng tao na magsasabi ng personal na bagay."

"No, he didn't tell me. I just know," sabi niya saka nagsindi ng sigarilyo. "Are you sure you don't want me instead? Zevero doesn't know how to treat women properly. He's a jerk... Kung ako, hindi ako gano'n..." sabi niya at kumindat pa.

Alanganing ngumiti na lang ako saka umiling. "Uhm... No, thanks."

Napabuga na lang ako ng tingin saka tumingin sa wall clock. Ang tagal ni Zevero. Halos isang oras na yata ang nakalipas, hindi pa rin siya umuuwi.

"Hindi pa ba uuwi si Zevero?" tanong ko kay Draxon.

Draxon chuckled. "Maybe he's taking his sweet time... That's new. He prefers using guns and rifles than his fists," he muttered in the last part.

"Huh?" tanong ko. Hindi ko talaga maintindihan ang ibang sinasabi niya. May bro code ba sila ni Zevero o ano?

"Nothing... Let's just wait a little more... Don't worry, baka naman nambababae na lang 'yon at—"

"You want to die, Laurent?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Zevero sa bandang likuran ko. Agad akong napatayo at hinarap siya.

"Okay... Nandito na siya. Mauna na 'ko," sabi ni Draxon saka tumingin sa akin. "Bye, pretty." He even winked at me.

Zevero grabbed the vase nearby and threw it at Draxon. I gasped hard. Buti na lang at mabilis ang kilos ni Draxon at agad na nailagan. Halos mabingi ako sa lakas ng pagkabasag nito. Ni hindi rin mukhang kinabahan si Draxon at tumawa pa bago tuluyang umalis.

I looked at Zevero with disbelief in my eyes. "What's wrong with you? Paano kung natamaan mo si Draxon?"

Zevero just stared at me. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at lumapit sa akin. He held both of my arms and looked at me from head to toe.

Boundless Worth (SERIE FEROCI 14)Where stories live. Discover now