Chapter Fifteen

23.9K 816 289
                                    

WARNING: suicide attempt

* * *

For the past month, I did nothing but grieve over Kobe's death. It wasn't easy... It was the hardest. Ang laki rin ng ipinayat ko dahil hindi ako nakakatulog at nakakakain nang ayos.

Umuwi na rin kaagad kami ni Bea sa Pilipinas dahil gusto namin na dito siya mailibing. Naging mabigat sa akin ang proseso... ganoon din kay Bea. Hindi na namin pinatagal pa ang lamay dahil wala naman kami gaanong kakilala... pero dumalaw ang hindi ko inaasahang tao... si Papa.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!"

Hindi ko napigilang magtaas ng boses nang makita ko siya. It's been years since the last time I saw him... but the rage in my heart was still there as if everything that we went through in his hands just happened yesterday.

Noon, takot ang nasa puso ko sa tuwing nakikita ko siya... Wala na ang takot ngayon... kundi matinding galit na lang. Hindi ko akalain na sariling ama ko pa ang pinaka kamumuhian ko nang ganito sa buong buhay ko.

"G-gusto ko lang naman makita si Kobe... Anak ko pa rin naman kayo, Kyla... Nagbago na ako. May bago na akong pamilya ngayon, pero hindi ko kayo nakalimutan ni Kobe."

I looked at him from head to toe... It seemed like he's living a good life now. Maayos na ang damit niya, at tila may hawak siyang susi na sa tingin ko ay sa kotse. Hindi na mapula ang mga mata niya. Maayos na rin ang gupit niya at wala ng balbas. Napakuyom ako sa kamao ko... Hindi ko alam kung bakit imbis na matuwa, naiinis ako...

"Bakit ka pa nagpakita? B-bakit ngayon pa?! Sa lahat ng pinagdaanan namin ni Kobe... nando'n ka ba?! K-kung talagang gusto mong bumawi, bakit ngayon lang?! Ang kapal ng mukha mo! M-maayos na ang buhay mo ngayon?! B-bakit?! Ano'ng gusto mong gawin ko?! G-gusto mong palakpakan kita?! Gusto mong maging masaya ako para sa'yo?! Bakit?! Dahil mabuting pamilya ka at ama sa iba?! Tinanong mo ba 'yung sarili mo kung naging mabuting ama ka sa'min?!"

Humawak si Bea sa braso ko at marahang hinaplos iyon, tila pinapakalma ako... pero nararamdaman ko rin na nanginginig ang mga kamay niya, tila nagpipigil ng galit. Naikwento ni Kobe sa kaniya ang tungkol sa Papa namin... Kobe told us that he no longer holds a grudge against our father... but Bea and I felt otherwise. Kahit sa kwento pa lang ng pinagdaanan namin, ramdam ko na ang galit ni Bea.

Kumuyom ang mga kamao ko. The horrible memories that he gave us came back... Muli ko na namang naalala ang mga panahon na nakikiusap si Kobe sa kaniya na siya na lang ang saktan... 'wag lang ako. Muli ko na namang naalala ang mahihinang daing ni Kobe noon at ang pagsalo niya ng mga palo at pananakit para lang hindi ako masaktan.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Napailing ako at pumikit nang mariin kasabay ng pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko.

"U-umalis ka na, Vicente!" asik ko. Tinawag ko siya sa pangalan niya... dahil wala na 'kong nararamdaman sa kaniya bilang ama.

Kobe might have forgiven him... but I won't. Kobe was too good for this world. Kobe was too good for him. Siguro nga ay wala ng pagdadamdam at galit si Kobe para sa kaniya... kaya ako na lang... Ako na lang ang magagalit para sa kaniya... para sa aming dalawa.

"Kyla... I'I'm sorry... P-please hayaan mong tulungan kita. Gusto ko lang makabawi," tila nakikiusap na sabi ni Vicente.

Nagbubulungan na ang ibang tao... Siguro nasa isip nila na masyado akong masama... na masyadong matigas ang puso ko, pero wala akong pakialam. Habang buhay kong dadalhin sa puso ko ang galit na nararamdaman ko sa kaniya.

Wala silang alam. Hindi nila alam ang pinagdaanan namin ni Kobe sa kamay ng sarili naming ama... kaya wala akong pakialam sa kahit anong iniisip nila.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Hindi ko masisikmurang tumanggap ng tulong sa'yo dahil hinding hindi kita mapapatawad! W-wala kang alam sa pinagdaanan namin ni Kobe!" Tuluyang nabasag ang boses ko. "W-wala kang alam... H-hindi mo nakita... d-dahil abala ka sa pagiging mabuting ama sa bago mong pamilya. H-hindi mo alam kung gaano kami katakot sa bagong mundo na kami lang dalawa... d-dahil pinabayaan mo kami, sinaktan mo kami... ni hindi tao ang trato mo sa'min noon. T-tapos gusto mong patawarin kita? K-kahit anong gawin mo... Hinding hindi kita mapapatawad! Nasusuklam ako sa'yo! Kaya 'wag ka nang magpapakita sa'kin ulit! K-kung may natitira ka pang kahihiyan diyan sa katawan mo... 'wag mo nang ipapakita ang pagmumukha mo sa'kin ulit! Wala na akong tatay! Hindi na kita tinuturing na tatay!"

Boundless Worth (SERIE FEROCI 14)Where stories live. Discover now