Chapter Fourteen

20.7K 800 345
                                    

A/N: omsim mga teh... naubos brain cells q nung sinulat q si lorden at rheus kaya walang natira for zevero's story. galet siya. korique 😔🤌 anyways bwahahhah babawi na lang me kay remor (feroci 15),,, pagtyagaan niyo muna ang gani2 na unnecessary drama for now,,, sa next stories, necessary na... omshik 😔🤌

p.s. light story lng i2 (based on my standard) 🥺🫶🫶🫶 very kering keri ng mga bebe ghorls q

last update q muna i2 ngaun, baka mga next next week na ulit next update. pero err, ewan q kung matutupad, marupok kac aq sa inyo 😔😔😔 alam niyo kung pano aq kunin 😔😔😔🤌🤩 chariz lang

btw, happy bday pala sa pinakamamahal kong si cadence 🤩🤩🤩🫶 (charot, baka lumaki ulo)

pagpasensyahan niyo na pagiging sabog q today, dare lng i2 sakin. hayz 😔😔😔🤌







* * *

Gusto kong makita man lang ang mga anak ko... pero pinilit kong tigasan ang puso ko. Kapag nakita ko sila... baka mawala sa isip ko ang tunay na pakay ko kay Zevero...

I know I'm probably the most cruel mother for leaving my children. No matter how it breaks my heart. No matter how hard it was for me... I still chose to leave them. I don't even deserve to be called a mother.

Sa mga nakalipas na araw, hindi na ako binisita pa ni Zevero sa silid ko. I understand him... it was for the better. Mas maganda na kung hindi ko na siya makikita pa.

Nabayaran na rin niya naman ako. Wala nang dahilan para magkausap pa kami. Mas mahihirapan lang din ako. Si Zevero... alam ko sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. Naamin ko na sa sarili ko na nahulog na ang loob ko sa kaniya... at mabigat sa dibdib ko na mapapalayo na rin ako pati sa kaniya.

"Ma'am, sure po ba kayo na kaya niyo na?" nag-aalalang tanong ng nurse sa akin.

I smiled at her and nodded. "Kaya ko na. Salamat. Bayad na naman ang hospital bills, 'di ba? Pwede na akong umalis?" tanong ko saka tipid na ngumiti sa kaniya.

"Y-yes, ma'am. Mr. Montalvo already paid for everything... But uhm..." panay ang tingin niya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.

Naiintindihan ko siya. Malamang naguguluhan din siya sa sitwasyon namin ni Zevero. Hindi na ako binisita ni Zevero, hindi ko rin sinisilip ang mga anak namin... kaya malamang nagtataka siya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin sa nurse. "Uhm... K-kumusta naman 'yung triplets? Nakikita mo sila, 'di ba? Malusog naman ba sila? Okay lang sila?" tanong ko sa mahinang boses.

The nurse gulped and sighed. "Mr. Montalvo told us not to update you about the triplets..."

I smiled bitterly and nodded. "O-okay... I understand."

Napabuga ng hangin ang nurse. "O-okay naman po 'yung triplets. Malulusog sila. Naalagaan din sila nang ayos. Palagi silang binabantayan ni Mr. Montalvo."

Napalunok ako sa sinabi niya. "B-baka malaman ni Zevero na sinabi mo sa'kin 'yan... B-baka mapagalitan ka pa," nag-aalalang sabi ko.

Pero hindi ko mapigilang makaramdam nang kaunting tuwa sa nalaman ko... Sabi na nga ba at magiging mabuting ama si Zevero sa mga anak namin.

"P-pero salamat, ha..." Humawak ako sa kamay ng nurse at ngumiti sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin at agad na napatingin sa mga gamit ko na nasa sahig. Ipinadala na ni Zevero sa tauhan niya ang mga gamit ko noong nakaraang linggo. Mabuti na rin at wala na akong babalikang gamit sa bahay niya... Talagang wala ng dahilan para magkita kami.

Boundless Worth (SERIE FEROCI 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon