CHAPTER I

4.1K 47 1
                                    

Louise POV

Kunot noo akong nag lalakad ngayon dito sa corridor , wala lang gusto ko lang mag pagala gala ngayon sa bawat building ng university na ito . Wala kasi yung jowa ko may pupuntahan daw ito kaya naman lonely ako yung bestfriend ko naman na sobrang sipag ayun nasa classroom .

" Mukhang naliligaw ka ata bata " inirapan ko ang babaeng halos mapunit ang labi kaka ngisi .

" Wala ako sa mood makipag asaran sayo " pag susungit ko dito , sa daming studyante dito sa University na ito bakit sya pa ang naka salubong ko.

" Kasungit naman , bakit kasi maliligaw dito ang isang BSHRM student dito sa mga taga Criminology ah ?" inirapan ko lang ito at tinalikuran na.

" Hon masyado kang masungit ngayon " jusko naman may pag sunod pa talaga sya sakin . " Hey pandak "inis ko itong nilingon .

" Pwede ba ms. Smith 'wag ngayon " cold kong sabi sa kanya at dali dali naman ako umalis ng building nila .

Buti na lang hindi na sya sumunod jusko makabalik na lang sa room mainit na rin eh sayang kapogian ko.

After ng pag e-explore ko ay naka dating na ako sa room namin nandun na pala yung prof namin na sobrang sungit sakin pero deadma lang sya sakin . Dumeretsyo ako sa tabi ng bestfriend ko .

" Girl papatayin ka ni prof oh " aniya ng bestfriend ko.

Pag tingin ko sa unahan ay halos hubaran este lamunin ako ng buo ng prof namin .

" Hangin ba ako para sayo ms. Alfonzo ? " tanong nya sakin.

" May multo yata dito best may naririnig kaba parang may umuungol na babae eh " maang maangan ko nag si tawanan naman ang mga kaklase ko pati ang bestfriend ko ay hindi na rin napigilan hindi matawa.

" Gagi ka best tignan mo si ms. Fuentes pulang pula ang mukha " tumatawang sabi nito .

" Get out ms. Alfonzo ! " Halos sumabog na ito sa inis sakin pero hindi ko na lang sya pinansin at nag lagay ng earphone sa tainga .

Nakaramdam naman ako ng kamay sa braso ko kaya naman napalingon ako sa bestfriend ko na patay malisya lang hinayaan ko na lang sya at nakinig na lang ako sa prof kong pikunin .

After ng mahabang discussion ay niyaya ako ng bestfriend ko sa canteen . Syempre libre nya dapat ako .

Ewan ko ba dito sa bestfriend ko kung bakit palagi nya bina basted yung mga lalaking nag babalak na ligawan sya, sino ba naman kasi hindi mag kakagusto dito eh sobrang ganda at halos pang model na ang katawan  .

" Hoy earth toh louise ! " napakunot ang noo ko sa pag sigaw ng kaibigan ko shotaa! ang lapit lapit nya nasigaw pa sya.

" Ano ba !, wala tayo sa bundok! " inis na sabi ko sa kanya.

" Kanina pa kasi kita tinatanong kung ano ang iyo hindi ka naman nasagot kana tulala ka lang! " iritang sabi nito ay hala tatalbugan pa ako .

" Carbonara with siopao na lang then ice cream yun lang " aniya ko inorder nya agad yun at agad akong hinila sa bakanteng upuan.

" Maiba ako louise nasaan ba yung girlfriend mo ? " tanong nito  , mukha bang alam ko kung saan sya pumunta duhh.

" Ewan ko sabi nya sa  call namin may pupuntahan sya , hindi ko naman alam kung saan " nakangiting aniya ko ilang beses na kasing ganun ang set up namin ni Kie so ayun medyo nasasanay na ako tsaka hindi pa nga alam ng magulang nya na may relasyon kami patago tago lang kaming dalawa .

" Owws , oh ayan na pala sya eh " aniya ng bestfriend ko at alam kong sininyasan nya ang babaeng paparating sa pwesto namin .

" Hi guys " bati nito . Hindi ako tumayo para salubungin sya nag hila na lang ako ng isang bangko para paupuin sya .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now