CHAPTER X

743 12 0
                                    

Louise POV

Ilang araw na nakalipas ng umuwi ako dito sa condo , hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng malaman kong may fiance sya . Hindi ako nag online sa lahat ng site ko at palagi na lang akong nag paka busy sa project ko.

Ilang araw na lang din naman tapos na ang klase namin at mag end school year na . Balak kong puntahan yung bahay na pinapatayo ko .

Balak ko ngayon mag open sa facebook dahil mag popost ako ng picture namin ni xai kaso maling desisyon yata ang ginawa ko.I saw their picture with that arrogant jake, they were both smiling in that picture as if they really liked the wedding.  Nag off na ako at nag send na lang ng email kay lesley para dun sa report na gagawin nya . Balak kong pumasok ngayon sa company wala naman akong ginagawa dito.

Nasa office ako ngayon sinabi ko kay lesley na huwag mag papasok ng kung sino man sa office ko dahil ayaw ko ng istorbo.

" Ms. Alfonzo nandito po si ms. Kiera " aniya  ni lesley .

Kinuha ko yung radio at sinabi ko sa kanyang papasukin nya . Mukhang may mababadtrip akong tao.

Pag pasok ni kiera ay nakasimangot ito . Kinuha ko yung plastic bottle na naka lagay sa lamesa ko.

" Flaty salo ! " sabi ko at hinagis yung plastic bottle sa kanya . Nasalo nya naman yun at tinignan ako ng masama.

" Raulo ka ! " aniya nya at binato pabalik sakin yung bote.

" Naligaw ka ata hindi mo ba makita yung tinik na iniwan ko sa plato ? " asar ko sa kanya kaso hindi effective.

" Hindi ako pusa noh ! " pag tataray nya.

" Ano bang ginagawa mo dito ? " tanong ko.

" Wala lang gusto ko lang tumambay dito " aniya nya at umupo sa couch nitong office.

Napailing na lang ako dahil ngayon na nga lang sya nag paramdam ginawa nya pang tambayan itong office ko .

" Kumain kana flaty ? " tanong ko .

" Hindi pa mamaya na ako kakain
" sagot nya at humiga sa couch at mukhang pagod na pagod sya . Siguro madami syang ginawa sa bahay nila. Always naman kasing ganun ang ganap ng buhay nya kapag nasa bahay sya.

" Ako kasi nagugutom na pag luto mo kaya ako flaty  " aniya ko.

" Sige pancit canton na may sabaw tapos hotdog na sunog " napairap na lang ako bwisit talaga akala ko pa naman ako yung mambwibwisit sya pala.

" Dali na flaty " aniya ko pero inirapan nya lang ako.

" Lesley order ka nga ng pag kain nagugutom ako " utos ko sa secretary ko .

" Pag timpla kaya kita ng lason " napatingin ako kay kiera na nakalagay pa ang  hintuturo sa baba na akala mo talaga may isip eh .  Lason pati amp.

" Gusto mo na akong mamatay ah broken na nga ako papatayin mo pa " masamang tingin ang pinukol ko sa kanya pero inirapan nya lang ako.

" Balita ko kasal na si xai ikaw ba kailan ka ikakasal ? " inirapan ko sya.

" Ngayon na agad tara sa japan " may pag ka sungit na sabi ko sa kanya .

" Papakasalan moko hahahaha "  tawang sabi nya . Konti na lang talaga mapipikon na ako hahaha.

" Ay hindi sarili ko papakasalan ko ! " nakakapikon talaga sya seryoso.

" Pikon HAHAHAHA " gosh ayan na yung tawa nyang parang
mangkukulam .

" Ms . Alfonzo nandito na po yung pag kain " aniya ni lesley sa radio.

" Pakipasok na lang " utos ko .

Sobrang daming inorder ni lesley anong akala nya sakin baboy pati ba naman sya nakiki sabay sa trip nitong si kiera pag buhulin ko sila eh.

" Lesley ang dami nito halika nga ! " sigaw ko . Agad naman syang pumasok .

" Nandito po kasi si ms. Kiera tsaka pwede naman pong bigyan nyoko " nakangiti sabi nito.

" Abnormal ka kumuha ka ng table dun at duon mo lagay yan lahat " utos ko na agad nya namang sinunod. Ginaganyan nya talaga ako kapag nandito itong si kiera syempre nakahanap ng kakampi.

" Oh tamang tama lang pala ang dating ko " napatingin ako kay mommy na kakapasok lang ng office .

" What are you doing here mom ? " tanong ko.

" Hi tita " bati ni kiera dito at nag mano pa .

" Oh nandito ka rin pala ija kamusta ka ? " tanong nya.

Wow hindi man lang sinagot yung tanong ko tapos si kiera pa ang unang kinamusta eh ako itong anak nya.

" Inalis na ng mga Aguirre ang shares nila sa company natin " aniya ni mom " balita ko mag  business partner na sila nung pamilya ni jake yung asawa ng kaibigan mo "

" Edi mag sha-shares ako sa company natin "  simpleng sabi ko .

Hindi ko alam kung anong problema ng pamilya ni xai pero need namin mag usap . Kung tinanggal  nila shares nila edi ayos lang hindi ikakabagsak ng company namin yun . Kung inaakala nila yun ang paraan para ilayo ako kay xai nag kakamali sila . Kilala nila akong magalit kaya mali ang binabangga nila .

" Sige na mag iingat kayo yun lang naman pinunta ko dito tsaka pupunta ako sa condo mo pero hindi ko sasabihin ang exact date "  aniya ni mom at umalis na.

Lumapit naman sakin si kiera at pinitik ako noo ko. Sinamaan ko sya ng tingin dahil noo ko na naman ang pinag didiskitahan nya.

" Ano bang nangyari at mukhang may problema sa pagitan ng pamilya mo at pamilya ni xai ? " tanong nya.

" Hindi ko rin alam , basta umalis ako sa province nila nung malaman kong may fiance sya " aniya ko.

" So tinakot mo sila ganun ? " tanong ni kiera .

" Mukha ba akong multo tsaka hindi ko sila tinatakot noh " aniya ko tunawa sya sa sinabi ko kaya naman napairap ako.

" Lesley i pa pull out mo lahat ng shares ko sa mga Aguirre  " utos ko kay lesley ng makabalik sya .

Takang tumango na lang sya sa utos ko , alam nya na ako ang pinaka may malaking shares sa pamilya mg Aguirre gusto pala nila ginagalit ako eh pag bibigyan ko sila .Hindi naman makakasira ng friendship namin yun , inaamin kong gusto ko na si xai.

" Hoy kumain kana mamaya ka mag drama ! " sigaw ni kiera na kumakain na pala , hindi man lang ako inalok amp.

Kumain na rin si lesley katabi ni kiera aba nauna pa sa nag pa order ah .

" Teka nga asan ang bills nyan ? " tanong ko .

Inabot sakin ni lesley yung bills at shit lang sobrang laki ang mahal ng pag kain na inorder nya pag kain pa ba ito o ginto .

After ng mahabang kainan at usapan namin ni lesley about dun sa project  ay niyaya ko na si kiera na umuwi medyo pagod na ako pakiramdam ko talaga bibigay ang katawan  ko ngayon na nga lang ako naka kain ng madami.

" Hatid na kita " tumango naman sya .
" Kakausapin ko si mama "

" Bakit mo naman kakausapin si mama ? " tanong nya.

" Itatanong ko lang naman kung pwede ka ng anakan ng isang dosena .... Aray! hahaha  " nakatikim tuloy ako ng hampas sa kanya .

" Bata pa ako noh " masungit na sabi nya.

" Oh ayan na bumaba kana " aniya ko.

" Thank you sa pag papatambay sakin sa uulitin HAHAHAHA " baliw na nga talaga sya .

Pag ka hatid ko kay kiera ay dumeretsyo ako sa condo para maligo para talaga akong pagod na pagod kahit kakaunti ang ginawa ko . Padating na rin pala si ms. Montefalco  makikita nya na yung project malapit na naman yun matapos .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now