CHAPTER XVIII

624 13 0
                                    

Louise POV

" Hoy babae  akala ko ba may date tayo ! " sigaw ni xai dito sa office ko .

Isang buwan na kami mag ka relasyon at ayos naman isa pa rin akong kabit hahaha aayusin naman ng pamilyang Aguirre yung annulment at syempre kami ang ikakasal ni xai .

May pasok na rin kami at kakahatid ko lang kanina kay nics bago ako pumunta sa office isang buwan na rin ng manakawan ko sya ng halik .

" After nito bruha ka sigaw ka ng sigaw " aniya ko, sa totoo lang bumalik na yung mga tratuhan  namin ni xai bilang mag bestfriend at bilang mag girlfriend .  Sabi ko sa kanya ayaw ko ng masyadong sweet baka langgamin kami .

Isa pa natuloy pa rin ang pag aaral ni xai sa ibang , nag bakasyon lang sya ng dalawang linggo para sakin habang ako naman ito busy sa work .

" Ang tagal nyan ako na nga dyan " inagaw nya yung laptop ko at may kung ano syang ginawa dun sa laptop ko. Tinitigan nya muna at nag simula na syang mag type .

Nag simula na akong mag pirma ng mga papeles na natitira madami pala ang nag donate dun sa orphanage . Need ko siguro bigyan ng reward si lesley halos sya ang gumawa nun eh .

After thirty minutes ay natapos na ako at saktong tapos na rin si xai pina check na muna sakin at maganda ang pag ka arrange nya . I pepresent ko na lang ito siguro bukas about yun sa Capsule X   . Naka hanap na rin ako ng model dun si mishi yung anak ni mr. Shan . Maganda naman yun malaki ang hinaharap kaya pwedeng pwede sya dun.

" Oh tara na " yaya nya sakin.

Tumayo naman at kinuha yung black suit ko at inayos ko ang pag katali ng neck tie ko .

" Saan ba gusto pumunta ng sanggol ko " asar ko sa kanya.

" Iww don't call me sanggol nga ang cringe " maarteng sabi nya at inirapan pa ako. Tinawanan ko lamang sya at hinawakan na ang kamay nya.

" Wala ka bang virus hon baka mamaya may virus kamay mo tapos mahawa ak.... Aray ! " sinamaan nya ako ng tingin . Kurotin ba naman ako ang sakit kaya nya mangurot daig nya pang aswanv sa kanto.

" Parang di moko girlfriend kung maka virus ka! " inis na sabi nito. Ang dali nya talagang pikunin grabe .

" Cute mo kasi mainis hahaha " naka tanggap naman ako ng irap sa kanya .
" Seryoso na " hinapit ko sya palapit sakin dahil mga tingin sa kanya ng mga tao dito ang lagkit.

Nakarinig naman ako ng impit na tawa tumingin ako kay xai at inirapan sya . Nang makarating kami sa kotse ay agad ko syang pinasakay alam ko na kung saan kami pupunta. Manonood kami sa sine .

" Hoy babae kung saan-saan ka na naman nakatingin ! " inis na sabi ni xai , natawa na lang ako ng makita ko mukha nya mag kasalubong ang dalawang kilay nito nag mukha syang angry bird hahahaha.

" Grabe ka naman tumitingin lang ako ng bibilhin " aniya ko  , totoo naman eh may dumaan lang na dalawang babae sa mismong tinignan ko .

" Asus dun tayo sa fun world tignan laban tayo sa shooting " hamon nya sakin. Tulad nga ng sinabi nya pumunta kami dito sa fun world . Bumili agad ako ng token . Wrong timing ata toh kasi masakit balikat ko pero tatalunin ko pa rin sya walang .

" Mag kano pusta ? " tanong ko.

" Anong mag kano ka dyan , ganito kapag nanalo ako ikaw mag babayad lahat ng pamimilhin ko mamaya. Kapag ikaw nanalo pakasal na tayo " natawa ako sa kondisyon nya hindi naman sa ayaw ko ng kondisyon nya ah pero bakit ganun hahaha lugi ako .

" Ganito na lang kapag nanalo ka lilibre kita ng kahit ano at mag papakasal tayo kapag naayos na yung annulment then kapag ako nanalo gawa tayo baby hahahaha charr lang bibili mokong tatlong sports car tsaka isang montero " napaisip muna sya sa deal ko .

" Sige kapag nanalo ka gagawa tayo baby " napanganga ako ng kindatan nya  ako matapos nyang sabihin yun. Alam na ni xai na intersex ako ikaw ba naman kandungan araw-araw .

Halos tumalon sya sa tuwa ng mataasan nya score ko . Ginugulo nya kasi ako kapag nag shoshoot na ako may pahalik halik pa sya kaya naman hindi ako makapag focus. Malapit ng matapos ang oras pero kinarma sya dahil puro sala na yung kanya . Nakasimangot syang tumingin sakin ng mataasan ko ang score nyang 184 hahaha 205 ang score ng akin kung hindi lang masakit itong balikat ko baka hindi lang 205 yan .

" Ginalingan mo naman ih " parang batang sabi nya at yumakap sakin . Napatingin ako sa paligid namin . Pinanood pala nila kami shit meron pang kumukuha ng video .

" Paano ba yan panalo ako dapat bukas nasa bahay ko na yung mga reward ko " bulong ko sa kanya .

" Ang galing nyo naman girls " aniya ng isang lalaki .

" Thank you " malamig na sabi ko at hinila na si xai palabas ng fun world .

"  Sa bahay moko tutulog mamaya ah "  aniya nya . Naka pila kami ngayon dito sa sinehan panonoodin namin yung bagong movie na one-piece .

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng tumunog ang cellphone ko kaya naman nag suot ako ng earphone at nilakasan ang volume.

" Hello ms. Alfonzo pwede ka bang pumunta dito ngayon sa University emergency lang " aniya ni ms. Klea adviser ni nics.

" Fuck " mahinang usal ko. " Osige pupunta na ako "

" Hon im sorry " tumingin sya sakin na nag tataka . Bago pa sya mag tanong ay hinila ko na sya.

" T-teka nga ano bang problema? " tanong nya .

" Tumawag sakin adviser ni Nicollete need ko syang puntahan sorry babawi na lang ako sa next date natin " aniya ko .

Hindi na sya nag salita pa kaya naman ng makarating at x to kami ng kotse ay agad ko na itong pinaandar mabuti na lang at hindi traffic kaya nakapag maneho ako ng mabilis wala pang kalahating oras ay nasa loob na kami ng university sa clinic ng senior na ko nag deretsyo nakita ko naman agad si ma'am klea na adviser ni nics.

" Nasaan sya ? " agad na tanong ko ng maka baba ako ng kotse.

" Nasa loob po sya " sagot nito at pumasok naman agad ako sa loob . Nakita ko si nics na ginagamot ng isang nurse .

" Sinong may gawa nyan sayo ? " tanong ko at kinuha yung bulak ss nurse . Nakita ko naman na umupo si xai sa may gilid . Alam nya naman na over protective ako kay nics kaya alam kong naiintindihan nya ako.

" Tumama po kasi sakin yung siko ng kaklase kong lalaki , tsaka okay  na po ako " aniya nito. Nakita ko ang pasimpleng pag ngiwi nya ng idampi ko sa gilid ng labi nya yung bulak na may gamot.

" Okay pala ah " asar ko sa kanya at inirapan nya lang ako.

" Kumain na ba kayo ng girlfriend mo ? " tanong nya tumango na lang ako at pinag masdan ang labi nya habang ginagamot ito . Pinipigilan kong maakit sa labi nya lalo na at alam kong sobrang lambot nun .

* Ate ayos na po yan " inagaw nya na sakin yung bulak at humiga na .

" Kumain kana ba Janixen? " napatingin kami parehas kay xai . Himala at kalmado sya .

" Hindi pa po mamaya na lang ako kakain " aniya ng katabi ko.

" Ibibili kita ng pag kain " pag kasabi ni xai nun ay umalis na sya .

" Ano nakain ng girlfriend mo " tanong ni nics.

" Ewan ko teka nga bakit nay pasa ka pa dyan sa may bandang noo mo ? " tanong ko .

" Nauntog ako kanina , oo nga pala ate kay mommy kuna ako uuwi mag stay ako sa kanya ng one month " nag tataka ko syang tinignan.

" Sige basta mag call tayo ah para alam kong safe ka " tumango lang sya.

" Ate isang buwan na diba bakit ate mas pinili mong maging kabit nya ? " tanong nya hindi naman ako nakasagot agad .

" I love her at kahit mali gagawin ko for her " hinawakan nya kamay ko at tinignan ako sa nata.

" Kung ano gusto mo sige susuportahan kita nandito lang ako " napangiti naman ako at hinalikan ang kamay nya na alam kong kinagulat nya .

" Thank you ! " Masayang sabi ko.

Nakita ko sa mata nya ang saya dahil siguro sa alam nyang masaya ako sa pag mamahalan namin ni xai at todo support talaga sya.


YOU are The ONE  Where stories live. Discover now