CHAPTER IX

566 12 0
                                    

Louise POV

Nasa room ako ngayon at lumilipad ang isipan nasa bahay lang kasi si xai ngayon at mag isa lang sya dun .

" Ms. Alfonzo ! " sigaw ni ms. Fuentes bakit ba naging teacher ko na naman sya .

" Yes ? " patay malisya kong tanong .

Inirapan nya ako bago tignan ng masama . Problema ng babaeng ito may ubo yata utak nya .

" Ano ang natutunan mo sa klase ngayon ? " tanong nya.

" Front office is to give any information and idea to guest " simpleng sabi ko at kinindatan pa sya nakatikim naman ako ng hampas kay montefalco bwisit kasi bakit naging kaklase ko pa sya.

" Susunduin ko si nics mamaya ysa kaya hindi ako makakaattend sa meeting then i have a special surprise for lesley " aniya ko tumango lang sya.

" Alam mo na ba ang balita ? " tanong nya.

" Balita? " takang tanong ko.

" Kalat sa buong university na pila ang manliligaw ng step sister mo then one time na may nag tatake advantage sa kanya inaakbayan at hinawakan sa beywang " uminit ang ulo ko bigla ng marinig ko ang lahat ng sinabi ni ysa.

" Humanda sila sakin " nasabi ko na lang at tahimik ng tumingin sa labas ng binta.

After ng class namin nag deretsyo agad ako sa building ng mga senior high na stem strand . Nasa labas ako ng room nila at may mga naka tambay na nalalaki dito.

" Alam mo maging kami lang talaga aaraw arawin ko sya pre "

" Ang sexy ba naman "

" Oo pre ang sarap pa "

Na curious ako kung sino pinag uusapan nila kaya naman di ako naka tiis na tanungin sila.

" Excuse me boys matanong ko lang kung sino tinutukoy nyo " tanong ko sa kanila.

" Walang iba kundi ang future girlfriend ko na si Janixen " tila may kung anong masamang demonyo ang sumapi sakin ng marinig ko ang pangalan ni nics so sya pala ang binabastos ng mga ito.

" Pwede ba kayong sumama sakin saglit ? " tanong ko nag katinginan muna silang tatlo bago sila sumunod sakin . Pag ka baba namin ng building ay pumunta kami sa likod nitong building binaba ko agad yung bag ko.

" Tigilan nyo pambabastos kay Janixen" malamig sa sabi ko. Tinawanan lang nila ako.

" Pinasama mo kami para sabihin lang yan ?" tumatawa tanong ng lalaki .

" Sino ka naman para sundin ka namin ? " aniya naman ng isa .

Hindi ko na sila pinag salita pa at binigyan agad sila ng suntok ,nag suntukan kami may mga time na natatamaan nila ako kaya alam kong mag susugat ito .Hanggang sa mapuruhan ko sila for sure na hindi sila makakapasok ng one week.

" Sino ako ? Im your nightmare  , Stay away from my girl  or else i will ruin your life " malamig na sabi ko at hinawakan gilid ng labi ko may ibang part ng mukha ko ang natamaan ng suntok nila .

After ng bardagulan namin ay umakyat na ako nakita ko rin na nag text si xai sakin na pinatawag sya ng parents nya . Kahit naman okay na kami hindi na ako pumupunta sa kanila sinabi ko na lang na mag text sya sakin.

Pag ka kita ko kay nics ay agad itong lumapit sakin at hinawakan ang gilid ng labi ko.

" Napaano ito ate ? " tanong nya  .

'Di ko pinansin tanong nya at kinuha na lang yung bag nya . Ang lambot kasi ng kamay nya tapos may kung ano pa akong nararamdaman na sobrang weird. Palagi naman itong nangyayari kapag nandyan or sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko . Kahit kasi nasa bahay na kami ayaw nya ng humiwalay ng kwarto sakin kaya naman isang kwarto lang ang ginagamit naming dalawa.

" Ate tinatanong po kita " pangungulit nya sakin nasa kotse na kami ngayon at hindi pa rin nya ako tinitigilan sa kakatanong kung bakit daig ko pang nakipag suntukan sa sampo . Kaya lang naman ako natamaan kasi nanlalabo ang mata ko dahil sa pag pupuyat sa work .

" Ate nakipag away ka noh ? " Kulit pa rin nya sakin ng makadating kami sa bahay .

" Opo " maikling sagot ko at pumasok sa kwarto sanay na naman syang naka sport bra lang ako at naka short ayaw kong malaman nya yung totoong pag katao ko .

" Sasagot din naman pala pinatagal pa so bakit ka nakipag away ? " tanong nya.

" Kasi pogi ako " inirapan nya lang ako .

" Anong connect? " halatang napipikon na sya sa mga sagot ko. Kaya naman hinila ko sya paupo at niyakap sya .

" Dito ka ba tutulog ? " malambing na tanong ko sa kanya nya.

" Hindi. Gagamutin ko lang yang sugat mo at pag luluto ka tapos uuwi na ako kila mommy " sagot nya . Mas lalo kong hinigpitan yakap sa kanya . Minsan nya na rin nasabi sakin na nakakailang ang pagiging clingy ko ang creepy ko daw .

" Dito kana matulog wala akong kasama eh " aniya ko pero umiling lang sya .

" Ayaw ko baka mamaya nandyan na naman girlfriend mo marinig ko lang pag haharutan nyong dalawa " inilayo nya na ako sa kanya at talagang inirapan nya pa ako.

" Kadiri ka ate ang lagkit mo " reklamo nya inirapan ko sya.

" Tse liligo muna ako then kain sa labas na tayo kumain bago kita ihatid " after kong sabihin yun ay pumasok na ako sa cr.

Nicollete POV

Napangiti ako ng kusa ng pumasok na si ate sa loob ng cr hinihanda ko na yung first aid kit nakipag bardagulan ka pwes harapin mo itong pang gagamot ko sayo mamaya.

After kong ihanda yung gagamitin ko ay naligo na rin ako sa may ibaba may isang cr pa kasi dun kaya dun nako naligo . Binilisan ko na ang pag ligo ko dahil mag rereklamo na naman yun na ang tagal ko maligo kahit mabilis naman . Pang tapis lang sa katawan ang nadala ko kaya naman binilisan ko ang pag akyat kaso huli na .
Pag open ko ng pinto ay agad kong nakita ang gulat na mukha ni ate tapos na sya mag bihis at yung polo na lang nya ang inaayos nya.
Nakita ko ang pasimpleng pag landas ng mata nya sa buong katawan ko kaya naman namula ako. Ang manyak nya talaga.

" Ate labas ! " sigaw ko natauhan naman sya at agad agad na lumabas .

Pag ka lock ko ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko sobrang lakas kasi ng tibok nito . Hindi naman dahil sa kaba o hiya ewan ko ba ang weird . Nang makapag bihis na ako ay lumabas na ako . Nag short na lang muna ako at nag oversized t-shirt gagamutin ko pa lang naman sya so mamaya na ako mag papants.

" Ang sexy mo naman  " namula ako sa papuri ni ate hindi kaya ako sanay na sinasabihan nya ako ng ganun.

" Umupo kana nga dyan ate gagamutin pa kita " aniya at kinuha na yung first aid kit . Nag lagay na ako gamot sa bulak at dinampi yun sa sugat ni ate na nasa gilid ng labi nya.

" Aw , wag mo na kaya lagyan nyan masakit " reklamo nya .

" Masakit pala edi sana hindi ka nakipag bardagulan" sermon ko sa kanya.

" Ayaw lang naman kitang binabastos you're my princess right " malambing na sabi nya hinawakan nya ang kamay ko . Kaya naman napatingin ako sa kanya hindi ko alam pero may kung anong ispirito ang humihila sakin para halikan sya .

Papalapit na ang mukha nya sakin kaya naman napapikit ako mga ilang segundo pa ay wala akong naramdaman kaya naman mumulat na sana ako ng maramdam ko na ang labi nya sa labi ko . That's my first kiss  shit hindi ito pwede . Nag mulat ako ng mata at tinulak sya palayo .

" I-im sorry ate mag papalit lang ako " aniya at nag madaling umakyat sa taas.

Fuck hindi ito pwede parehas kaming babae at may jowa sya ano ba yan ang saklap naman nito nakuha nya first kiss ko tapos iniwan ko sya dun shit bakit kasi ganito nakakainis.

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now