CHAPTER XXXI

661 9 0
                                    

Louise POV

Umaga na at sobrang bigat ng katawan ko . Pamulat ko ng mata ay nakitang kong nakayakap sakin si nics . Namula ako ng mapag tanto ko kung saan nakalagay ang kamay ko . Agad ko yun inalis at tinignan ang maamong mukha ng baby ko.

Nakaisip ako ng kalokohan at umayos ako ng higa at mas nilapit ko mukha ko sa mukha nya . Inilapat ko ang labi ko sa malambot nyang labi . Nasa ganun kaming position ng bigla syang nag mulat at naitulak nya pa ako ng malakas . Nahulog ako sa kama .

" A-aray ! " daing ko at tinignan si nics ng masama , tumingin din sya ng masama sakin . " Bab..." hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng isang unan ang tumama sa mukha ko .

" Aray ko nakakailan kana ! " tumayo ako kahit ang sakit ng likod ko dahil sa pag ka hulog . Matapos nya akong dantayan ihuhulog nya pa ako.

" Ang manyak mo kasi ! " aniya nya at binato pa ako ng isang unan na nasalo ko naman.

" Ahh ganun manyak pala ako sa paningin mo " aniya ko at binato sya ng unan.

" Ate ang aga aga ng iinis ka ! " tinawanan ko lang sya at sinunggaban sya ng yakap naka upo kasi sya kaya naman napahiga ulit kaming dalawa.

" Ate naman . Diba mag rereport pa tayo kay mommy hindi tuloy ako nakapasok ngayon dahil sa nangyari last night " aniya nya . Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng seryosong expression ang mukha ko .

" Mamaya pupunta tayo kay mommy " seryosong sabi ko hinawakan ko mukha nya " sa susunod kapag wala ako sa tabi mo dapat aware ka sa paligid mo ah dapat tawagan mo agad ako " tumango tango sya . Napangiti na lang ako at ninakawan sya ng halik sa labi , mabilis akong umalis sa tabi nya .

" Ate ! " sigaw nya . Tinawanan ko lang sya at lumakad na papuntang cr.

" Mag prepare kana po ng breakfast natin konti lang kasi aalis na agad tayo ! " sigaw ko mula sa loob ng cr.

" Sige po ! " rinig kong sigaw nito.

Nag simula na akong maligo at inabot pa akong ng siyam siyam dahil sa sobrang lamig nakalimutan kong paikutin sa warm water lang yung shower .

Natapos ako sa pag liligo at ganun na lang ang pag kamot ko sa ulo ko ng  makalimutan kong dalhin yung towel ko . Baka naman kapag lumabas ako ng walang saplot at biglang pasok ni nics ay masampal ako.

Nag babad pa ako ng ilang minuto sa cr ng katukin na ako ni nics .

" Ate ang tagal mo po " aniya nito.

" Paki abot mo nga yung towel ko nakalimutan ko kaya di ako makalabas " aniya ko.

" Pasok kasi ng pasok ng walang dalang towel " reklamo nya napangiti na lang ako ng makita kong nilusot nya na sa awang ng pinto yung hinihingi ko.

Ibinalot ko sa katawan ko yun at lumabas na ng cr nakataas ang kilay ni nics ng tignan nya ako . Nag taka naman ako kung bakit . Napangiti na lang ako dahil napaka inosente nya wala kang makikita sa mga mata nya na kung ano man .

" Kumain na po tayo bilisan mo mag bihis " aniya nya at lumabas na ng kwarto .

Nag madali naman akong nag bihis dahil baka mainis pa yun at ubusan ako ng pag kain.

Pag kalabas ko ng kwarto at nasa hagdan pa lang ako ay nasira na ang araw ko . Bakit nandito itong lalaking ito nakakasira ng umaga .

" What are you doing here nathan ? " masungit na tanong ko dito ng tuluyan na ako maka lapit sa kanila ni nics.

" Kinamusta ko lang love ko bakit ba " napakunot ang noo ko at naiyukom ko ang kamao ko .

" Bakit mo naman sya kakamustahin ?" malamig na tanong ko sa kanya at nag smirk pa.

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now