CHAPTER XV

657 11 0
                                    

Louise POV

Nag tataka akong tumingin kay Nics na ngayon ay natutulog na mukhang wala kasi sya sa mood at halatang inis , hindi naman sya ganun kanina napaka moody nya pala hahahaha nahh cute pa rin naman sya . Wala sana akong balak pumunta kaso mapilit si mommy tsaka sabi nya sama ko si nics kasi nandun ang mommy nito close pala sila pero bakit step sister ko si nics don't tell me mag jowa ang mommy naming dalawa hahahaha napasapo ko na lang noo ko sa iniisip ko.

Bumuhos na naman ang malakas na ulan kaya naman naging traffic na naman at mukhang nilalamig pa yung kasama ko . Hinubad ko na rin yung white long sleeve ko at inilagay yun sa katawan nya bahala na kung amoy pawis yun pero hindi naman siguro . Naka sports bra na lang ako at malapit lapit na naman kami sa mansion kaya okay lang na ganito ang suot ko .

Nag soundtrip na lang ako habang hinihintay na umabante yung nasa unahan ko , kung kailan malapit na tsaka pa umulan may bagyo siguro sobrang sama ng panahon eh. Umabante na ako ng mag simulang umabantihan yung mga nasa unahan ko. Nilalamig na ako kaya pinatay ko na yung aircon sa kotse nasakit din kasi ulo ko hindi talaga ako pwede sa matataas ang pressure ng aircon .

Napangiti na lang ako ng hindi na mag traffic sa nilikuan ko kaya naman nag tuloy tuloy na ang pag mamaneho ko . Madulas ang kalsada kaya masarap mag patakbo ng mabilis . After ng mahaba - habang pag mamaneho  sa wakas nakarating din kami . Tinapik ko na si nics pero hindi naman magising . No choice akong buhatin sya kahit naman matangkad sya sakin malakas naman ako noh hindi ko naman sya pwedeng ipahawak na lang basta basta sa mga bodyguard dito sa mansion.

" Tita ynzo pasalubong " bungad ng isa kong pamangkin na anak ng isa kong ate .

" Hindi ako naka pamili naulan eh sa susunod na lang ah " aniya ko sa pamangkin ko .

" Lola nandito na po si ate ynzo ! " sigaw nya sa loob.

Pumasok na ako at nakita ko silang masayang nag uusap ng isang babae na nakatalikod sakin . Inakyat ko muna si nics sa kwarto ko . Kumuha na rin ako ng t shirt na black at bumaba na pumunta agad ako kila mommy .

" Mommy " tawag ko , napairap na lang ako ng tignan nya lang ako at nag focus ulit ss kausap nya na may pag kahawig kay nics siguro ito yung mommy nya . Alam ko na kung saan mag mamana si Nicollete ng kagandahan .

" Nandyan kana pala Louise si tita Jaica mo nga pala mommy ni Nicollete " pakilala ni mommy dun sa mommy ni Nicollete.

" Hello po nice to meet you tita" ngiting turan ko , nginitian nya ako na parang naka kita sya ng pogi charrr.

" Nice to meet you too ija , where's my daughter ? " tanong nya.

" Nasa  kwarto na po sya nakatulog po kasi sya sa byahe , don't worry po ako po nag buhat sa kanya at hindi ko sya pinapahawak basta basta sa iba " ewan ko pero feel ko nagiging maamong butiki este tao ako dito eh.

" Tita Ynzo pasalubong namin , Lola ang ganda nung jowa ni tita ynzo nasa kwarto nya " napangiwi ako sa sinabi ng pamangkin ko bwisit pahamak .

" Jowa ? " tanong ng mommy ni nics.

" Louise nag dala ka pa ng babae dito ? ! " grabeng reaction yan napaka OA .

" Ikaw talaga hindi ko yun jowa " aniya ko sa pamangkin ko , kung hindi yung isa ito naman napaka daldal pa " Si Nicolette po yung tinutukoy nya "

" Jowa mo anak ko ? " tanong ng mommy ni nics at tumingin pa ito kay mommy ng masama " Bawal mag jowa ang anak ko ng kapwa nya babae " straight to point nitong sabi.

May kung anong kumirot sa puso ko ng sabihin ng mommy ni nics yun pakiramdam ko hindi ko matatanggap yung sinabi nya pero diba step sister ko sya .

" Mommy paano ko sya naging step sister? " seryosong tanong ko.

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now