CHAPTER XXX

698 16 0
                                    

Louise POV

Nakangiting naka tingin ako kay nics habang tinataw sya dito sa ilalim ng puno . Mahilig pala syang kumuha ng mga picture na nature same vibes pala kami . Habang kumukuha sya ng picture ay na isipan ko na rin na kunan sya ng picture.

Dito kami mag papa abot ng hapon kasi mamayang 3 pm pa ang baba namin dahil sobrang init kung ngayon kami aalis tsaka may maliit na kubo na ginawa yung mga tauhan ko. Nakakalat na rin sila sa paligid in case na mag ka problema.

Palagi akong handa para sa safety ng taong mahal ko. Sana naman mahalin nya ako pabalik. I know na hinahayaan nya lang ako sa gusto ko at wala pa syang feelings sakin. Siguro yun yung way nya para mag karoon sya ng feelings sakin pero sana nga sa huli ako ang piliin nya sana nga .

Hindi na ako mag tataka kung bakit mahal na mahal ko na sya . Nasa kanya lahat yung bagay na hinahanap ko sa taong mag mamahal sakin. Oo may pag ka manhid sya .

May mga bagay sya na hindi pa nagagawa ng iba sakin. Ang swerte ko na lang kapag ako ang pinili nya at hindi si nathan.

" Ang seryoso mo naman po  " sabi nito sakin at tumabi sya sa tabi ko. Hinilig nya ang ulo nya sa balikat ko na palagi nyang ginagawa .
Hinawakan ko naman ang kamay nya at hinalikan yun.

" Mamaya ay baba na tayo " aniya ko .

" Gusto ko mapanood ate ang sunset " aniya nya. Nag katinginan kaming dalawa at dahil pilya ako ninakawan ko sya ng halik sa labi ng mabilis.

" Ate naman nakakarami kana ! " hinampas nya ako na kinatawa ko na lang.

" Kapag naging tayo dapat hindi na ate tawag mo sakin " aniya ko . Naging seryoso ang mukha nya na kinawala ng ngiti ko.

" Alam mo naman ate diba " aniya nya.

" I know na straight ka at malabo ka mag kakagusto sakin pero gagawin ko lahat nicole hindi ako susuko na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal " seryosong sabi ko at niyakap ko sya .

" Hayst ate naman eh " aniya nya .

" Hayaan mokong mahalin ka yun lang " malamig kong sabi.

Sumapit na ang hapon at napanood nya naman ang sunset . Masaya ako dahil alam kong masaya sya . Gabi na at nasa kalagitnaan pa lang kami ng bundok. Gindi kasi kami pwedeng hindi umuwi dahil baka mag kasakit si nicole buhat buhat ko na nga sya kahit maliit ako malakas naman ako. Natisod kasi sya kanina at medyo naliay ang paa nya . Kaya ito at naka piggy back sya sakin . Hindi ko naman sya pwedeng ipabuhat sa mga tauhan ko baka mapatay ko lang sila ng wala sa oras.

Mga ilang oras pa ay naka baba na kami ng bundok . Naka handa na rin ang sasakyan kaya naman sumakay na kami hindi ako ang mag d drive dahil sa backseat kami uupo at balak ko rin na hilutin ang paa ni nics .

" Aalis na po tayo boss " aniya ng tauhan ko.

" Sige " alam na nila ang mga gagawin nila kaya mas nag focus ako sa babaeng mahimbing ang tulog.

Pinag hubad ko na sya ng sapatos kanina kaya malaya kong mahihilot paa nya .

" Boss sabi ni eric may mga sasakyan na sumusunod satin " aniya ng tauhan ko .

" Bilisan mo ang pag dadrive ako na ang bahala " aniya ko at kinuha yung baril ko sa loob ng bag ko.

" Anong kulay ng mga sasakyan ? " tanong ko.

" Kulay puti at gray boss " sagot nito.

" Tignan mo nga naman . Hindi pa sya na kuntento sa pag papahirap sa dalawa at talagang gigil na gigil syang patayin ako " bulong ko . Baka kasi marinig ni nicole delikado na.

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now