CHAPTER XXXVIII

630 19 0
                                    

Louise POV

Habang bumababa ako ng hagdan ay naririnig ko na ang boses ng magulang ko at ang magulang ni nics.

" Nicole next month na namin iseset ang engagement party nyo " rinig kong sabi ni tito kaya naman napahinto ako bigla.

" Ayos lang po talaga sa inyo na makasal agad ako ang bata ko pa eh " hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti dahil siguro parang ayaw nya pang makasal dun sa fiance nya ayyy ewan assuming ko " pero sige po papayag ako " napaikot ang mata ko at naka simangot na pumunta sa dining table .

" Good morning louise " ngiting bati sakin ng ate ko tinanguhan ko lang ito .

" Good morning sa inyo " bati ko sa kanila at inikot ko ang paningin ko dahil parang lumiit dining table namin. Nag tama mata namin ni nics kaya naman napikot mata ko.

" Oh brielle saan ka pupunta? " tanong ni dad .

" Sa labas . Manang padala naman pong hot chocolate sa may garden "  aniya ko . Wala kasi ako sa mood at halata naman siguro yun .

Nicollete POV

Nagulat ako sa pag irap sakin ni ate kanina at sa attitude nya ngayon , para syang namatayan ng sampong langgam charr.

" Palagi mo na lang pinag titripan anak mo tignan mo hindi na naman kumain " sita ni tita kay tito .

" Ako lang ba kasama si Juanito dito " tukoy ni tito kay daddy.

" Haynako kayong dalawa talaga tignan nyo dinamay nyo pa tong si nicole sa kalokohan nyo hindi tuloy naka tanggap ng good morning dun sa isa " asar naman ni mommy .

" Ah manang ako na po mag dadala nyan " aniya ko kay manang ng makita ko syang dala yung request sa kanya ni ate.

" Huwag mong dalahin yang hot chocolate sa kanya ipag timpla mo sya ng normal coffee bawal sa kanya yan " biglang sabi ni tita sakin.

" Bakit po bawal palagi nya po kaya ito request tuwing umaga ?" takang tanong ko kay tita.

"  Hindi mo ba nahahalata na napapangiwi sya after nyang maubos ang hot chocolate ? Once na mapangiwi sya ibig sabihin nun sumasakit ulo nya at nasusuka sya oo favorite nya ang chocolate pero noon yun " aniya ni tita .

" Hayaan mo sya , sige janixen bigay mo yan then tignan mo ang magiging effect nyan sa kay brielle para maniwala ka na din " halata pala sa mukha ko ang di maka paniwala hahahaha imposible kasi eh .

" Sorry po " nasabi ko na lang at nilapag yung hot coffee at pumunta ako sa kitchen para mag timpla ng normal na coffee tsaka lumabas ng bahay pumunta ako sa may gilid kung saan nandun ang garden nila tito.

Nakasimangot na mukha ang bumungad sakin na kinatawa ko ng mahina ang cute talaga nya kapag ganun sya tapos magkasalubong pa ang dalawa nyang kilay na parang nasa angry bird na cartoon.

" Bakit ikaw may dala nyan ? " pag susungit nyang tanong sakin.

" Gusto ko eh bakit ba " sagot ko sa kanya . Inalagay ko sa tabi nya yung sandwich at kape nya .

Umupo naman ako sa kabilang side nya . Nang biglang mag ring phone nya.

" Oh lesley napatawag ka ? " halatang naiinis sya ngayon lalo na sa boses at sa mukha nyang hindi maipinta .

" What?! Ginawa ni dad yun ?! " nag tataka naman akong tumingin sa kanya dahil sa pag sigaw nito . Hindi nya kasi ni loudspeaker na madalang nya lang ginagawa kapag ayaw nyang iparinig sakin.

Naging kalmado ito ng binaba nya yung phone nya . Nag titipa sya sa cellphone nya at parang may nirereplyan na nag paganda sa mood nya. Tsk pake ko naman .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now