CHAPTER XXXIII

662 13 0
                                    

LOUISE POV

Nakatitig ako ngayon sa kawalan nasa room ako at hindi nakikinig sa klase,gusto ko sana mag uli kaso ayaw ako palabasin ng ms. Fuentes na ito akala mo naman di ka ano ano eh charrr wala naman talaga kaming connection nag kataon lang na fuentes din ako at ganun din sya.

" Alfonzo palagi ka na lang ganyan sa tuwing nag kaklase ako ! " nagulat ako sa pag sigaw nyang yun kaya naman lahat ng kaklase ko ay tawang tawa pati si ysa ay tumatawa rin sinamaan ko sya ng tingin .

" Init ng ulo mo ms. Fuentes! " inis na sabi ko . " Iniisip ko lang naman kung gaano ka ka sexy masama ba yun ! " tinignan ko sya ng masama at nakita ko ang pag silay ng pag pula ng mga pisnge nya.

" Ayieeee si ma'am nag bablush ! "

" Kinikilig si ma'am! "

" Ehem magiging alfonzo na si ma'am nyan ! "

Pang aasar ng mga kaklase ko na lalong kinapula ni ma'am nag walk out ito na kinatawa naming lahat.

" Pikon talaga " aniya ko na umiiling pa.

" Lagot ka naman kay janixen " biglang sabi ni ysa .

Napakunot naman ang noo kong nilingon si ysa .

" Nakita ko sya sa bungad ng pinto kanina habang lutang ka " aniya nito . Nanlamig ang palad ko dahil sa kalokohan na ginawa ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong may text nga sya sakin .

" Ate punta po ako dyan "

" Dala ko po pag kain mo baka kasi hindi ka kumain"

" Malapit na po ako sa room nyo ate "

" Nakakainis ka ate ! Mag kita na lang tayo mamaya kainis ! "

Ngiwing tinignan ko si ysa na nakatingin ng nakakaloko sakin. Inirapan ko sya at agad-agad kinuha ang bag ko .

" Saan ka pupunta may quiz pa tayo ? " tanong ni ysa sakin.

" Pupuntahan ko sya " maikling sabi ko .

" Do you think matutuwa syang makita ka at malaman nyang 'di ka mag tatake ng quiz ? " ngising tanong nya padabog naman akong umupo na kina hagikgik nya sarap bulasan bibig nya.

Natapos ang buong araw at puro pang aasar ang ginawa sakin ni ysa humanda sya sa ganti ko. Nag dadrive na ako pauwi dahil nauna ng umuwi sakin si nics tinopak na naman siguro nako naman . Pag ka dating ko sa bahay at dumeretsyo agad ako sa kwarto at nakita ko syang  nakahiga . Isinabit ko muna yung bag ko at tsaka lumapit sa kanya. Hinalikan ang forehead bago ang lips nya . Nag palit na ako ng suot ko at lumabas muna ng kwarto ,pumunta ako ng kitchen at napangiti ako ng makita ko yung lunch box sa lamesa pag bukas ko ay napangiti na lang ako sa bumungad sakin. Favorite food ko lang naman niluto nya. Nag simula na akong kumain napapangiti na lang ako sa sarap ng luto nya . Pwede na talaga syang mag asawa ang sipag nya mag luto tapos ang sarap pa . Hindi  na nga ako kumuha ng maid kasi ayaw nya huwag daw akong  tamad.

Pag katapos kong kumain ay pumanhik na ulit ako sa itaas . Humiga na ako sa tabi ng baby ko at niyakap sya ng mahigpit. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg nya . Napaka clingy ko sa kanya. Malapit na ang laban namin gusto kong manood sya matalo o manalo . Ang makakalaban namin ay naka abot nasa international at semi final pag ka alam ko ay mas lumakas sila ngayon isa na dun ang maximilian university.

Makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naman ay bumangon na ulit ako . Kinuha ko ang laptop ko at gumawa na lang ng activities namin sa school . Baka matambakan na naman ako delikado na tsaka after ng laban namin ay lilipad naman ako papuntang cebu aayusin ko yung business ko dun na muntik ng bumagsak dahil may nag nakaw daw ng ibang share ng ibang board member buti na lang ay napuntahan agad ni lesley yun .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now