CHAPTER V

1K 22 0
                                    

Louise POV

Simula ng mangyari yung pag dukot kay xai at sa mga kaibigan nya ay nilagyan na ang mga ito ng bantay , sobrang higpit pa naman ng mga parents nila lalo na itong si xai. Ayaw nyang pumayag sa gusto ng magulang nya dahil kasama nya naman daw ako pero wala pa rin naman syang nagawa kahit makipag talo sya dahil magulang nya pa rin ang masusunod.

Ang nakakainis lang ay kaklase namin yung bodyguard nya hahaha mukhang type pa nito si xai dahil palagi nya itong kinukulit.

" Hey mine tara na " aniya ng bodyguard nito .

Tapos na kasi kami mag lunch at ito namang kaibigan ko hindi na naman
maipinta ang mukha .

" Umuna kana , sabay na kami ni louise papasok " may pag kairita nyang sabi napailing na lang ako sa pag trato nito sa bodyguard nya.

" Mine hindi pwede " aniya nito.

" Pwede ba wala naman dudukot sakin dito lalo na at kasama ko si louise " hinawakan ko kamay ni xai at tumango na lang.

" Ayoko bahala ka nga dyan ! " napanganga na lang ng bahagya mga labi ko dahil sa inasta nito at walk out nito.

" Mine teka lang ! " sigaw nitong boy.

" Ikaw pwede ba 'wag mo syang masyadong inisin tsaka tama sya nandito ako di ko sya pababayaan dito " seryosong sabi ko at iniwan na sya.

" Xai " tawag ko sa babaeng moody na ito hindi pa rin nya kasi ako pinapansin kahit anong tawag ko sa kanya.

" Mine gusto mo ? " singit ng lalaking wala ng ginawa kundi inisin itong isa ,jusko ako ang nahihirapan sa ginagawa nya.

" Pwede ba Jacob tantanan mo muna kaibigan ko di ka nakakatulong " seryosong sabi ko . Kapag lalo itong nainis mahihirapan na akong suyuin ito. " Please lang kung ayaw mo naman ako na mismo mag papatalsik sayo bilang bodyguard nya"

Mukha namang nakuha sa matinong pakiusap itong lalaking ito at lumayo muna kay xai . Totoo naman kasi alam nya ng inis na inis na sa kanya yung tao nilalapitan nya pa , iba pa naman magalit itong si xai talagang babalian nya ng buto ang taong mambubwisit sa kanya.
Tahimik na akong nakikinig sa instructions na dinidiscuss ng prof namin ng biglang may maramdaman akong kamay na humawak sa braso ko. Di ko na lang sya pinansin dahil gusto ko talaga yung tinuturo samin ngayon .

" Louise sorry " bulong nya pero di ko pa rin sya pinansin.

" Louise sorry na nga oh " aniya pa pag lingon ko sa kanya ay napa atras ako ng bahagya ang lapit kasi ng mukha nya sa mukha ko .

" Ayos na " maikling sabi ko na parang di sya nakumbinsi.

" Talaga ba parang hindi naman " napailing na lang ako sa pagiging moody nya siguro dadatnan sya hahaha.

Natapos na ang klase at dating gawi susunduin ko si kiera kaso wala naman sya dun sa building nila . Tinawagan ko na rin sya pero di nya sinagot kaya naman nag try akong mag online sa facebook at saktong online sya . Tinanong ko kung bakit hindi nya ako hinintay. Hanggang sa mag tampo na naman ako . Tapos pinag pawisan pa ako sa mga sinabi nya.

" Sorry ni try ko naman ibalik yung dati kaso wala talaga eh " chat nya sakin . Napangiti ako ng mapait dahil pakiramdam ko matatapos na kami.

" Ayos lang kung ano desisyon mo dun ako " reply ko na lang sa kanya kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako .

" Sorry talaga " chat nya . Napangiti na lang ako na naluluha dahil natapos kami sa magandang hiwalayan at walang ka toxican .

" Sorry aalis na ako , I love you " chat ko sa kanya.

" I love you too for the last time , sorry talaga " matapos kong mabasa yun ay nag off na ako .

Matamlay akong nag lakad papunta sa sasakyan ko , pinainit ko na yung engine ng sasakyan at bago ko paandarin ay pinunasan ko muna luha ko .

" Sakit " bulong ko na lang . " Kasalanan ko din naman , pero naging totoo lang naman ako "

Pag uwi sa condo ay agad akong nag bihis at humiga sa kama at nag mukmok , iniyak ko na lang yung sakit na nararamdaman ko ngayon .



********



After two weeks na hindi ko pag pasok sa University ay pag dami ko ng gawain . Alam na rin ni xai ang nangyari samin pero dahil matino sya pinakinggan nya muna ang side namin ni kiera sa isa't isa . Kasalanan ko naman daw pala bwisit yan nag pag sermonan pa ako ng bruha na yun .

Gustuhin ko man na tapusin lahat itong mga na missed kong school work ay sobrang dami pa rin. Tapos galit na galit pa sakin yung prof ko kasi nga halos sa kanya yung na missed ko aba . Buti na lang daw at ka business partner ng parents ko ang may ari ng university. Oo pala nakalimutan ko last name nila kadami ba naman na nakilala ko at na iintertain ko .

" Ano kaya pa ? " napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang babaeng sobrang laki ng ngisi . Inirapan ko sya.

" Matatapos ko din ito " aniya ko at bumalik na sa ginagawa .

" Kain ka muna " nakita ko na may dala itong siopao kaso wala naman akong gana kumain ." 2 weeks tayong walang pasok louise kaya pwede mo naman di muna tapusin yan " sabi pa nya.

" Kaya ko nga tinatapos agad kasi aasikasuhin ko naman yung pinapagawa ni ms. Montefalco " aniya ko.

" Kain kana kasi " aniya nya at hinirap nya ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang suot nito naka sando lang sya at short na maong grabe naka alis sya sa kanila ng ganito ang suot .

" Pinag nanasahan mo na naman ako ! " napangiwi ako dahil sa pag hampas nya sakin. Kasalanan nya naman hinarap harap nya ako sa kanya.

" Nasaan bodyguard mo ? " tanong ko sa kanya .

" May pinuntahan at tsaka di naman oras oras kasama ko sya aba ano sya aso kailangan laging buntot " dama ko ang inis nya dun sa lalaking yun tumango na lang ako at bumalik na lang ulit sa ginagawa.

" Ynzo isa " hindi ko sya pinansin at patuloy lang sa ginagawa .

" Ayaw mo ko pansinin " nagulat ako sa pag upo nya sa lap ko paharap sakin .

" T-teka x-xai " utal na sabi ko dahil na rin aa pag kabigla .

" Ayaw mo kasi kumain so guguluhin kita " yumakap ito sakin .

" Kung pwede lang kunin yang sakit na nararamdaman mo louise ginawa ko na kesa naman ganyan ka , just move on tsaka maayos naman pag hihiwalay nyo " natahimik na lang ako at kahit hirapan ako ay nag sulat na lang ako . Wala naman na akong magagawa di naman sya aalis dahil parang sarap na sarap pa sya sa pag upo sa lap ko .

Sana nga ayos na eh kaso minahal ko yung tao at alam kong hindi ako makakamove on ng basta basta . Soon magiging okay din ang lahat .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now